Alin ba ang dapat unahin? Ang movie marathon o ang project namin? Kasi sa pagkakaalam ko ang pinunta namin dito ay yung project, hindi magmovie marathon at kumain.
"Come on guys, nood muna bago project." Si Madie may pakana ng usapan na 'to. Dahilan niya, never naman daw nauna ang project over anything kapag may overnight.
"Madison, project ang mauuna. Ako ang leader." Kanina pa naguusap yung dalawa, ay more on away pala, kung ano ang mauuna naming gagawin.
Tumingin bigla sa gawi ko si Madie, tinatanong gamit ang mga titig niya kung ano ang opinyon ko sa sitwasyon.
At gaya nga ng sinabi ko nung una, "Project." ang sinagot ko.
Padabog itong umupo sa tabi ni Minson at tinitigan din nito ang kaibigan niyang halatang wala pakeelam sa nangyayari.
"Ba't damay ako, archi ako hindi bsa." tatayo na sana ito nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas.
Kasabay ng sigaw ni Madie ay ang biglaang pagdilim ng paligid.
Brownout.
Swerte. Kung kailan malapit na kami sa katotohan, tsaka pa nawalan ng kuryente. Masyadong umaayon ang sitwasyon ah.
"So, ano ngayon?" tanong ni Madie.
Ilan segundo rin kaming natahimik sa nangyayari at tinawanan na lang namin ang pangyayaring ito. Ni isa sa mga pinagpipilan kanina walang tumama.
"Let's go to the pool area? I mean there's a roof naman sa tambayan area doon at hindi tayo mababasa. Plus, masyadong madilim dito."
Inaya kaming lumabas ni Madie, dahil nga sa brownout masyadong madilim sa kinaroroonan namin. At hindi namin alam kung gaano katagal pa bago bumalik ang kuryente, kaya heto kami ngayon nakikipaglaban sa kadiliman gamit ang mga ilaw ng aming mga cellphone.
Masyadaong malamig ang simoy ng hangin na sumalubong sa amin sa paglabas namin.
Madilim at tanging ingay lang ng malakas na ulan at galit na kalangitan ang maririnig mo sa kapaligiran.
"Si Clarence?" tanong samin ni Madie. Doon ko lang napagtanto na hindi namin kasama si Rence lumabas.
Hinayaan na lamang namin ang nawawalang si Clarence at kanya kanyang pwesto na kami ng upo ng makarating kami sa pool area nila Madie.
Hindi talaga makakaila na may kaya sina Madison sa buhay. Sa aming apat, siya ang hindi mo aasahang magtatrabaho sa isang convenience store gawa na rin ng estado nila sa buhay.
Pero sino nga ba naman ako para husgahan ang mga desisyon niya sa buhay. Walang sino man ang makakaalam ng rason niya kundi siya lang. At kahit saang anggulo tignan, walang sapat at tamang rason para kwestyunin ko ang pamamaraan niya.

YOU ARE READING
REMEMBERED
FanfictionHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?