Kakatapos lang ng duty namin ni Minson. At kakaabot lang din ng sweldo namin.
"Are you going somewhere?" napatigil ako sa paguunat ng bigla akong kausapin ng katabi ko.
Naghihintay kasi ako ng jeep sa harap ng CS.
"Bank." maikling sagot ko. Medyo nararamdaman na din ng sistema ko ang pagod sa mahabang shift ko kanina.
"Same." tumatangong sagot nito.
At sa hindi inaasahang pagkakataon nasa loob kami ngayon ng banko, parehas at sabay na nagaantay sa mga number na hawak namin.
Tahimik lang kami naghihintay habang nakaupo sa duluhan ng mahabang upuan.
Sa sobrang antok ko hindi ko namamalayan na nakakaiglip na pala ako. Malamig kasi kaya lalo kong nararamdaman ang antok.
"Hoy, ikaw na." bahagya akong siniko ng katabi ko kaya napaayos ako ng upo.
Tinignan ko ito ng nakakunot ang noo, istorbo eh.
"Your turn." nang mapansin nito na hindi ko pa rin nakukuha ang sinabi nito, dahan dahan niya akong tinulak gamit ang hintuturo nito sa noo ko.
"Wake up, hinihintay ka na nung teller." doon lang ako napatayo at dali daling pumunta sa harap. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ni Minson.
Pay day ngayong araw, at gaya ng nakasanayan ko iniipon ko sa banko ang partial ng sweldong natatanggap ko para magsilbing savings ko. Mas gusto ko nang nandito sa banko ang ipon ko kesa sa nakikita ko ang mga ito sa wallet ko. Atyaka mas panatag ang loob ko na nandito ang mga ito.
Sinisigurado ko na sa bawat sweldong natatanggap ko, may naiipon ako at nahuhulog sa account ko. Dahil mahirap nang walang mahugot sa oras ng pangangailangan. Mas mainam ng handa kesa sa wala.
"Tapos ka na din?" nakatayo na kasi ito sa labas habang nakapamulsa.
Mas nauna siguro itong matapos sa akin kahit na mas naunang matawag ang number ko.
Tumango ito at sabay abot ng cellphone niya sa akin.
"We have meeting daw." yung lang yung sinabi niya at iniwan niya na sa akin ang cellphone niya.
Hindi ko maintindihan kung anong meeting ang sinasabi nito. Kasi naman kakatapos lang namin magmeeting sa trabaho kanina, every month kasi kung magpameeting si Mr. Reyes. Pwera na lang kung kailangan ang isang emergency meeting.
Pero maayos naman ang takbo ng meeting kanina kaya impossibleng magpatawag ulit ito ng meeting.
At dahil iniwan nito ang cellphone niya sa akin, pahintulot niya siguro ito upang basahin ko ang naka-open na chat sa cellphone niya.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng group chat. "Palpitate" wika ko.
Hinanap ko ang simula ng bagong announcement ni Rence sa GC.
"Since we're all free, can we spend the night for our meeting? At Madison's house by the way."Lahat sumagot maliban sa akin. Hindi ko naman kasi maopen ang cellphone ko since nalowbat ito kanina at hindi ko dala ang charger ko. At kaya wala akong kaalam alam sa mga pinaguusapan at pinaplano nila.
Pero mas lalo ako nagtaka nang makita kong umoo ang pangalan ko.
Tinignan ko ang katabi ko, "Pupunta pala ako?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222308241-288-k553930.jpg)
YOU ARE READING
REMEMBERED
FanficHindi ko man maintindihan, hindi ko man mahanap ang kasagutan ngunit panghahawakan ko ang katanungang, sa paglisan anong marka ang nais kong iwanan?