10

10 0 0
                                    




Nakakailang bote na kami ng Soju ni Madie at parang hindi namin nararamdaman ang epekto nito. Masyado kasing maloko ang mga naiisip na mga tanong ng mga 'to sa laro naming truth or dare.


Hindi ko inexpect na may ikukulit pa pala ang dalawang 'to. To think na hindi pa sila tinatamaan sa mga oras na 'to.


"Ayoko na ng truth or dare, boring." boring pa para sa kanya yon hah pero halos kapag sa kanya natatama yung bote laging dare pinapagawa niya. Ewan ko din sa Madieng 'to, feel ko konting shot na lang mabubuang na 'to.


"Heart to heart talk na lang tayo mga bhie." umayos ng upo si Clarence.


Nandito pa rin kami ngayon sa tambayan sa pool area, madaling araw na at wala talaga kaming nagawa sa project namin. Gawa nga ng may bagyo at brown out pa rin hanggang ngayon.


Lumakas ng bahagya kanina yung ulan pero tumila na naman ng bahagya. Palintik lintik na lamang ngayon.


Ilang minuto din kami natahimik pagkatapos sabihin ni Clarence na magheart to heart talk na lang daw kami, hindi ko lang sure kung seryoso siya doon.


Sabay sabay kaming tatlong napatingin kay Clarence ng magsalita ito habang nakatingin sa malayo.


"You know what, I really want to be a chef and run my own restaurant." panimula nito.


"To be a CPA is my Mom's dream, not mine." malungkot itong napangiti.


"She wasn't able to reach her dream because she had me when she was twenty." tumingin ito sa amin at bahagyang tumawa, "Unwantedly."


"Hindi ko alam, pero papasang isang episode ng mmk ang buhay ko." nakuha pa nitong magbiro kahit mabigat na ang kinukuwento nito.


"Yung tatay ko? Ayon takot sa responsibilidad." umayos ito ng upo at inistraight ang laman ng baso nito.


"Hindi naman sa pinilit ako ng Mama ko, it's just that nung nalaman ko yung story na iyon walang pagdadalawang isip nag-enroll ako sa BSA program. But don't get me wrong, I'm happy. And just seeing her happy makes me the happiest. That's why my game plan, after I got her dream, I will pursue mine, no matter what." ngumiti ito ngayon, hindi isang malungkot na ngiti kundi ngiting abot hanggang mata.


"Pangarap muna ni Mama bago ang pangarap ko. Pero balang araw sarili ko naman. Atleast diba CPA na, chef pa." halata mo sa boses nito na masaya siya sa naging desisyon niya, walang bakas ng lungkot o kahit man lang pagsisisi.


"Kaya todo ipon na ako ngayon, para hind na 'ko dagdag sa iisipan ni Mama kapag sinabi ko sa kanya." ngumiti ulit ito bago sumandal at humiga sa couch.


'Yun pala yung dahilan niya bakit siya nagppart time job ngayon, gusto ko niya kapag sasabihin na niya sa Mama niya yung plano niya, handa na siya. Hindi lang handa para sabihin kundi handa rin para sustentuhin nito ang sarili niyang pangarap.


Ni hindi nga nasagi sa isip ko na hindi naman pala ito ang kursong gusto niyang kuhanin at hindi ko rin naisip na may malalim pala na dahilan kung bakit ito nagttrabaho ngayon. Hindi kasi halata sa kanya, sobrang enthusiastic kasi nito sa lahat ng ginagawa niya. Parang hindi uso ang salita 'lang' sa kanya, lahat kasi ng ginagawa nito sigurado at garantisadong pasado.


Ilang beses pa akong nakipagtalo sa sarili ko bago ko napagpasiyahang itanong sa kanya ito, "Paano kayo naging mag-pinsan ni Minson?" maingat na tanong ko.


"Ah 'yun ba. Magkapatid ang Mama namin, hindi nga lang close sa isa't isa. May issue kasi yung dalawang 'yon. Pero syempre kami ni pareng Minson labas na sa issue nila. Away matanda, sa matanda lang dapat. Buhay namin ni pareng Minson, buhay namin at hindi kanila."


Mas lalo akong napabilib nang relasyon ng dalawang ito, bihira lang kasi ang ganoon ang mind-set. Sa lahat ata ng nakita ko at kilala ko, kapag magkaaway ang magulang parang automatic dapat magkaaway din ang mga anak nila.


Natawa na lang kami ni Madie ng bigla mag shot ang dalawang magpinsan, bottoms up pa nga raw ang gusto nila.


"Hindi man ako nabuo ng planado, hindi man siya sigurado, pero isa lang ang pinaramdam sa akin ng Mama ko, at yun ay isa akong tiyak na regalo sa kanya. Hindi ko man mapatunayan ngayon na tama siya, hindi man ako sigurado ngayon pero tinitiyak ko na darating ang araw, masasabi ko rin sa kanya, 'Ma, may tama ka'."


Hindi ko alam pero sabay sabay kaming napahalakhak sa tawa dahil sa huling sinabi nito.


Kahit gaano talaga kaseryoso ang usapan hindi niya maiwasan ilabasan ang kalokohan niya.


Tawang tawa tuloy kami sa hirit nito, na parang hindi ganoon kabigat yung pinaguusapan namin kani-kanina lang.


Mag aalas-tres na pero wala pa rin kuryente. Tumigil na din ang mahinang ulan kanina. Pero ganon pa rin, Amay kidlat at kulog pa rin.


Pero kahit anong pilit kong tama na, hindi talaga nagpatigil ang mga kasama ko at nag-aya pang maglaro ng iba't ibang laro na maisip nila na pwedeng laruin. Sa katunayan nga niyan napag-usapan na namin ata ang lahat ng mga pwedeng pag-usapan. Nagaway-away na nga kami sa lahat ng pwedeng pag-awayan. Pero ayaw pa rin paawat ng mga ito.


Buong akala ko project ang gagawin namin, inuman pala ang mangyayari.


Ang plano pa ng magbest-friend is hintayin daw namin magbalik ang ilaw, na para-pareho naming hindi alam kung kailan babalik.


Pero isa lang ang sigurado ako, lahat kami may tama na kapag bumalik ang ilaw.








Gayunpaman, ang buong akala ko masarap matulog kapag umuulan, mas masarap pala pag-usapan kung paano tayo sinusubukan ng buhay.











--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

REMEMBEREDWhere stories live. Discover now