12

8 0 0
                                    

Hindi ko na alam anong mararamdaman ko, sa sobrang dami ng kailangan tapusin at gawin hindi ko na alam kung ano ba dapat kong unahin.


Stress. Ayan lang ang malinaw sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. 


Malapit ng matapos ang semester so ibig sabihin malapit na rin kaming matapos dahil sa mga tumatambak at dumaraming gawain. Literal na tatapusin kami ng mga tambak na school works and final outputs na kailangan naming tapusin at isqueeze sa mga natitirang araw ng semester. 


"Binasa niyo naman ng buo ang paper natin, diba?" tanong ulit ng leader namin.


Sabay sabay sumagot ng oo ang mga kagrupo ko na may halong inis na sa tono ng mga ito. Paano ba naman kasi pang ilang tanong na ni Rence samin ito.


Nasa waiting room kami ngayon, hinihintay lang namin matapos ang mga nakasalang na grupo na nagprepresent sa conference room. Kami na ang susunod at hindi mo maitatangi na para-parehas kaming nilalamon ng kaba sa mga oras na ito. 


Huling requirement na namin sa subject na ito, at dito nakasalalay ang kapalaran namin. Mahirap maibagsak ang subject na ito dahil sa program na ito ang bawat subject ay magkakatuglong. Hindi ka maaaring kumuha ng bago kung ang ngayon ay hindi mo maipasa.


Kaya lahat ng maaaring mangyari naiisip na namin. At sa sobrang dami ng ginagawa lahat nagkapatong patong. Pati ang kaba, pressure at takot lahat nagsama sama na.


Sabay sabay kaming napatayo ng biglang may pumasok na kaklasi namin na galing sa kakatapos lang na grupo.


"Mag-lunch muna raw kayo, resume yung presentation at 1 o'clock pm." yun lang sinabi nito at umalis na.


Pabagsak na umupo ang iilan sa amin samantalang ang iba ay napabuntong hininga.


Ito yung nakakainis, imbis na matapos yung kaba lalong humahaba. Mas lalo tuloy nakakakaba. Yung anxiety mas lumalala. Mas pipiliin ko atang matapos na kesa sa kumain muna. Dahil sa estadong ito hindi ata ako makakakain ng maayos.


"Oh tara kain na muna tayo." inaya na kaming bumaba ng leader namin para kumain at huminga muna saglit.


Dumaretso na kami sa canteen para kumain ng lunch.


"Gagi hindi ata ako makakakain." reklamo ni Rence nang makaupo na kami sa pwestong pinili nito.


Wala atang may balak kumain samin dahil ilang minuto na ang nakakalipas at nakaupo lang kami sa pwesto at kanya kanyang malalim ang iniisip.


Hindi na rin kami sure kung epekto lang ba ito ng presentation namin o resulta ito ng buong semester.


"Kamusta presentation?" napatingin ako sa bagong dating na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Clarence.


"Ekis pa orb." sagot nito kay Minson.


Itong si Minson mukhang hindi ata pinoproblema ang mga final output niya. Mukha siya laging may time.

REMEMBEREDWhere stories live. Discover now