7

19 0 0
                                        

Friday ngayon, at kakatapos lang ng klasi ko ngayong araw. Medyo busy na kami this following weeks dahil halos naghahabol na kami ng mga final requirements sa lahat ng majors namin.

Usually, mga 2 weeks before ng final week namin doon binibigay ng mga professor namin ang mga final na gagawin namin, binibigay lang nila sa amin yung instruction at hinahayaan na kami na gawin ang mga pinagagawa nila sa time nila.

Inuubos na kasi namin ang lahat ng mga pending requirements namin for this semester, para kapag final examination week na wala na kaming ibang iniisip kundi ang exam na lang.


"Gusto ko na matulog." inaantok na sambit ng katabi ko. Pintang-pinta sa mukha nito ang pagod at antok. Sabayan mo pa ng walang humpay na paghikab nito.

"Mas inaantok kaya ako." sagot ng isang katabi ko at sabay yakap nito sa akin.


Nakatayo kami ngayon sa tapat ng Univ. naghihintay ng masasakyan pauwi.


"Edi palipat ka ulit ng set, simple simple diba." panghahamok ni Rence.


Hindi ko din alam paano ko nakakayanang pumagitna sa dalawang ito. Literal kasi na pinagitnaan ako ng mga ito.


"Duh, mas kaya kitang pagtiyagaan kumpara dun sa isa." hanggang ngayon, sa ilang beses na pagsasama nila nung kaduty niya, iisa lang lagi ang sinasabi nito sa tuwing magkikita kami.


"Mas okay na yung kasama ko nagsasalita, kumpara dun sa pader mong pin..." napatigil sa pagsasalita si Madie at napaayos ng tayo nang may biglang tumayo sa tabi ni Clarence.


"Patulog." maikling sambit ng bagong dating.


"Minsan ka na nga lang mapadpad sa bahay, makikitulog pa pinunta mo." malokong sabi ni Clarence habang natatawa.


"Edi huwag." halatang tinatamad itong makipag-usap base sa tono ng pananalita nito.


Maglalakad na sana itong paalis ng bigla siyang hablutin pabalik ni Rence.


"Bugnot mo talaga pareng Minson. Ako lang mag-isa sa bahay, kaya okay na okay gawin mong tulugan." tumango lang si Minson at tahimik na nanatili sa tabi ni Clarence na prenteng nakaakbay sa kanya.


Napaiwas ako ng tingin ng biglang magtama ang mga tingin namin.


Alam kong magkaibigan ang dalawa, pero hindi ako aware na ganon sila kaclose.


Kasi hindi naman ibig sabihin na magkaibigan kayo eh dapat close kayo diba? O sa pagkakaalam ko lang ganon?

REMEMBEREDWhere stories live. Discover now