4

6 0 0
                                    

Sabado ngayon, at patapos na ang duty ko.


Nasa warehouse ako ngayon kumukuha ng stock, hindi ako sa cashier nakaduty ngayong araw.


Medyo nagulat pa ako ng biglang may naglalakad palapit sa pwesto ko. Nakakatakot na nga dito, malamig pa boses ng paparating.


"Additional daw sabi ni Sir." walang ganang inabot nito sa akin ang listahan. At kinuha ang mga box na bitbit ko.


Tingnan ko ang listahang inabot niya, kaunti na lang ang mga ito kumpara sa mga naunang pinakukuha.




"Bali ayan po ang total bill for this month." tinignan ko ang papel na hawak hawak ko.


"Babayaran na po ba today?" napatingin ako sa nurse na nasa harap ko, nginitian at tinanguan ko ito.


Linggo ngayon, at nasa hospital ako. Bali tuwing sunday dito ang duty ko. Hindi nga lang para magtrabaho.


Pumasok muna ako sa loob para iwan ang mga gamit na dala ko.


Binuksan ko ang pinto, at malungkot na napangiti. Parehas lagi ang eksenang tumatambad sa akin sa tuwing dadalaw ako sa lugar na ito.


Dumaretso ako sa pasyenteng nakahiga at natutulog.


Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan sa noo, "Kamusta Lola, pagaling kana please." 


Tinitigan ko ito. Wala pa ring pagbabago, matamlay at namumutla pa rin ito. Nagpaalam muna ako saglit sa kanya para lumabas, pero alam ko naman na hindi naman nito maririnig.


Kinuha ko muna ang wallet ko para magbayad ng bill namin for this month.


Nakaconfine ang Lola ko dito, ang dahilan kung bakit ako napadpad sa bagong apartment ko. Dahil sa lumalalang sitwasyon ni Lola, mas kailangan na ko sa tabi nito. 


Napagdesisyunan ko ding kumuha ng apartment na malapit sa school at syempre sa hospital para mabilis din ako makapunta if ever na tawagin ako kapag kailangan ako.


Bali may nurse naman na pinrovide yung hospital para tumingin at magbantay kay Lola araw-araw, since ako lang ang pamilyang kasama niya dito at hindi ko kayang magstay 24/7 sa tabi niya gawa nang nagaaral pa ako.


Saktong paglabas ko ng pinto ay ang pagbukas naman ng pinto ng tapat na kwarto namin.


Tumambad sa harapan ko ang isang pamilyar na mukha, napahinto ito sa pagtakbo ng mapansin niya ako. Pinagpapawisan ito at bakas sa mukha nito ang takot.


"Pabantay saglit, tatawag lang ako ng doctor." hinihingal na sabi nito bago ulit ito tumakbo paalis.


Nadako ang tingin ko sa siwang ng pinto na naiwan nitong nakabukas habang unting-unti itong nagsasara. Rinig ko mula sa kinatatayun ko ang ingay ng makina sa loob.

REMEMBEREDWhere stories live. Discover now