13

9 0 0
                                        

"I received exact amount, thank you."


Napatawa na lamang kami ng sabay kaming napabuntong hininga ng katabi ko. Natapos din kasi ang pili ng mga customer sa loob ng convenience store. Maghahating gabi na pero marami pa rin ang mga namimili.


Iilan ay mga estudyanteng pauwi pa lang sa mga kani-kanilang tahanan.


Rinig pa namin ang mga bahagyang reklamo ng mga ito patungkol sa mga kaniya kaniya nilang mga requirements na kailangan tapusin.


Nang mga ilang minuto na ang nakalipas at tumahimik na ang paligid ng convenience store, lumabas na ako sa akin pwesto para simulan na ang paccheck ng mga in display goods.


Tsaka nagugutom na rin kasi ako.


"Dinner is serve madam." natawa ako ng iniluwal ng pinto ang may hawak hawak na noodles sa dalawang kamay na si Minson.


Lagi akong may baon na noodles sa bag. Dahil alam kong gugutumin ako sa kalagitnaan ng shift ko. Madalas kapag may oras at kinakaya ko pang maghanda ng babaunin ko ay magluluto ako. Pero sa mga ganitong panahon na maraming ginagawa tanging noodles lang talaga ang mantatawid sa gutom ko.


"Bukas niyan presentation niyo?" tanong nito. Nasa labas kami ngayon, nakatambay habang wala ng gaanong namimili. Minabuti na naming kumain na muna dahil parehas na rin kaming gutom.


"Oo." dala dala ko pa rin hanggang dito yung hard copy ng paper namin, kailangan kasi talaga ng matinding pagbabasa para masiguradong alam at naiintindihan ng buo.


Iniusog nito palapit sa akin ang upuan niya para makibasa sa binabasa ko.


Ilang segundo rin kaming tahimik na nagbabasa ng putulin nito ang katahimikan nang bigla itong magsalita.


"So what motivated you to undertake this research?" nagulat pa ako ng bigla itong magsalita. Tinignan ko ito para icheck kung nagbibiro ba ito. Tinitigan lang din ako nito at halatang seryoso ito sa magiging sagot ko.


Kumurap ito ng dalawang beses habang seryosong nakatingin pa rin ito sa akin, inulit muli nito ang tanong niya. At walang pagdadalawang isip kong sinagot ang tanong niya.


Umulit ang ganong proseso at hindi ko namalayan halos lahat ng mga tinanong nito sa akin ay tinanong din ng mga panelist namin.


"And for the final question, Ms. Andrada, why did you choose this particular business? What is your inspiration behind this study?"


Naramdaman ko ang sabay sabay na sulyap sa 'kin ng mga kagrupo ko ng ako ang tawagin ng huling panelist na magtatanong para sa presentation namin.


Huminga ako ng malalim at bahagyang napangiti ng maalala ko ang mukha ni Minson habang hinihintay ang sagot ko sa kaparehong tanong nito.


At hindi ko namamalayan nasa labas na pala kami ng conference room, sabay sabay na nakahinga ng maluwag at tila para-parehas kaming nabunutan ng tinik sa dibdib.


Nagtatalon pa kami sa tuwa ng makita namin ang resulta ng presentation namin, laking luwag sa pakiramdam.


Pasado. Pasado kami.


Hindi na namin napigilan at impit kaming napatili dahil sa kaligayahang nararamdaman namin. Hindi lang kasi basta pasado ang makukuha mo sa subject na ito, exempted ka na rin sa final written examination nito. Napakalaking bawas ng iniisip.


"Zsaphy, we made it!" sabay yakap ni Madie sa akin.


Hindi naman sa pag ooverreact pero sobra kasi yung comfort na bigay nung nangyari. Assurance din kasi yon eh. Sure na kaming aabante.


REMEMBEREDWhere stories live. Discover now