One

107 7 0
                                    

"Jaize Loki Mendez! nagdadaydream ka na naman jan!" sigaw ng teacher ko kaya bumalik ako sa ulirat ko.

"hahahahaha" nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Sorry po ma'am"nahihiyang sabi ko pa at nagkamot ng ulo sa pagkapahiya.

Hindi pa rin kase ako makapaniwala.....

Ang feeling ko kase, ako na yata ang pinakamaswerteng lalake dito sa school, dahil napapayag kong ligawan ang isa sa pinaka magandang babae dito sa school.

Pero ehem!hindi naman sa pamamayabang eh, gwapo at matalino rin naman ako, walang bisyo, matinong tao, pero hindi naman perpekto.

Matagal ko na talaganf gusto si shairie eh, kaso nga, medyo may pagkatorpe ako eh, pero dahil nga sa maraming ng nagpapansin sa kanya at ayokong pagsisihan to bandang huli, dahil hindi nasabi yung nararamdaman ko kaya nilakasan ko na talaga ang loob ko at nagconfess sa kanya. Sabi ko pa nga sa sarili ko. Bahala sa mabasted man o hindi, atleast triny ko!

Worth it naman ang pagtatry kong yun.

Kaya heto two weeks na kong nanliligaw sa kanya.

Pero may problema....

"Shai, ako na magdadala nang libro mo" alok ko sa kanya, habang naglalakad papalabas ng school.

Hinding hindi ako magsasawang sunduin at ihatid ka.

"ah eh, hindi naman mabigat eh" nahihiyang usal nito.

"hmmm siga na, ayaw ko kaseng nakikita kitang napapagod eh" sabi ko napinamulahan naman niya ng muhka.

Ang cute niya talagang pagnagblublush siya!

"shai!"

Napalingon kame sa taong tumawag kay shairie. Nandito na naman yung asungot!, siya! siya ang malaking problema!

Papatakbo siyang lumapit samin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"oh pi!" masayag bati ni shairie sa kanya nung nasa harap na namin siya.

"Sabay na tayong umuwi" nakangiti nitong sabi kay shai, tapos tumingin siya sakin, sinamaan niya  ako ng tingin ganon rin naman ang ginagawa ko sa kanya.

Tapos pinandilatan niya ako ng mata, bumuka ang bibig niya na parang O, at sinabi niya sakin 'anong tinitingin tingin mo dyan? in a body language way.

Hmmp!

Napatingin naman sa kanya si shairie, kaya ngumiti ulit siya. plastic!

"ah eh, susunduin ako ni papa eh"

"Ganon ba? ihahatid na lang kita sa may gate" alok niya.

"sige!" masanayang sabi naman ni shai.

"Oh! kaps! nandyan ka pala?" inosenteng sabi nito na kunyare nagulat ng makita ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tugek! Kanina mo pa ako nakita! 

" Oo nga eh, kanina pa" sarkastiko kong sabi.

"talaga? akala ko tuod ka! hinga hinga din pre!" tapos tinapik niya pa ako sa balikat ko at humagalpak ng tawa.

"hehehehe" nagfake laugh na lang ako.

Kung hindi ka lang talaga kaibigan ni shairie! kanina ka pa nakatikim sakin!

"oh halika na" tapos inakbayan niya si shai, tapos nilingon ako at ngumisi yung loko.

Nakakainis!

Nakasunod lang ako sa kanila na parang aso.

Nakakainis talaga siya! nang dahil sa kanya! simula nang ligawan ko si shairie, nakabuntot na siya samin, at ni minsan hindi kame nagkakasama nang dalawa lang kame ni shairie dahil kahit san man kame magpunta, nakasunod siya, at yung moment na dalawa lang kame, bigla siyang susulpot siya.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon