LEYA
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
••°•°•°•°• Prologue •°•°•°•°•
ORAS at PANAHON, yan ang
pinakamahirap ibalik lalo
na't ito'y sadya nang
nakabaon.
Ito rin ay isa sa
pwedeng humadlang, sa
dalawang taong nagmamahalan,
at pwedeng magtapos, sa
pagmamahalan na sinimulang
umagos.
Mahirap tanggapin, pero
kailangan, kailangang
palayain, upang masolusyonan.
Ipikit muli ang mga mata, panoorin ang
panahon nung tayo pang dalawa,
nung wala pa akong kaalam-alam
na iiwan mo rin akong mag-isa.
Pinasaya buong araw,
kinulayan ng bago ang puso kong noo'y
bughaw.
Pinaramdam mo sa akin,
na araw-araw mo 'kong iibigin.
Sa loob ng labing tatlong araw,
ang oras at panahon na ating ninakaw
ay di ko 'yun pinagsisihan,
kahit sa huli paman ikaw ay nagpaalam.
.
.
.

BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
RomantikOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...