6th DAY

66 17 6
                                    


Day 6

Hindi kita kayang mahalin

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko and it's already 8:00 in the morning na, bigla ko lang naalala na may meeting kami ng buong banda ngayon about sa nagawa naming kanta. Ngayon rin ang araw na i rerecord na namin ang mga kanta.

Nagmamadali na akong bumangon at agad na akong naligo, mabilis rin akong nakapag bihis at nakapag ayos sa sarili.

Lumabas na ako ng kwarto nang napagtanto ko si Liam sa kusina na naghahanda ng breakfast.

"Goodmorning" Masiglang bati niya sa'kin.

"Hmm goodmorning" humakbang na ako papunta sa gawi niya para makapag breakfast.

"Maganda ba ang tulog mo kagabi?" He smirked

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Shit! Kagabi, yung nangyari sa'min kagabi. Hindi ko na siya magawang tingnan nang naalala ko ang halikan namin ni Liam. Damn.

"Uhmm yeah" tipid kong sagot, iniwasan ko rin siyang tignan

Pagkatapos kasi naming maghalikan kagabi ni Liam, agad ko siyang tinulak papalabas sa kwarto, he's a pervert, paano niya nagawa sa'kin yun. Ngayong araw dapat galit ako sa kanya.

Tahimik lang kaming kumakain ni Liam hanggang natapos na ako. Walang kibo akong tumayo at nag ayos, lalabas na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"I'm sorry Sychee, hindi ko sana dapat ginawa yun" hindi rin makatingin ng diretso si Liam sa'kin, halatang nahihiya at pinagsisihan niya ang ginawa niya.

"Promise pinagsisihan kong hinalikan kita kagabi Sychee I'm sorry" dagdag niya habang tinaas ang kanang kamay niya para ipakita sa'kin na pinagsisihan niya talaga.

Dapat maging masaya ako sa sinabi ni Liam pero bakit mas ramdam ko ang sakit, parang may kumirot sa dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos, at bawat paglunok ko sumasakit ang lalamunan ko.

"Pinagsisihan mo yun?" Halos bulong kong pagkasabi.

"Oo, sorry talaga Sychee " hindi makatingin si Liam sa'kin parang nahihiya siyang sabihin 'yun sa harap ko.

Paano niya nasabi 'yun.

Gusto kong umiyak pero hindi sa harap ni Liam, nakakahiya, pinagmukha niya akong tanga. So pinagsisihan niya 'yun, pagkatapos ko siyang suklian ng halik, iyon na yun, pinagsisihan niyang hinalikan ako.

Hindi na ako nagsalita at mabilis ng lumabas sa silid. Habang naglalakad ramdam kona na papabagsak na ang mga luha ko, tumingala ako para pigilan ito pero hindi ko ito napigilan.

"Hindi ka pwedeng umiyak Sychee magmumukha kang damulag sa meeting"  kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mga luha ko, habang nagpupunas bigla nalang bumagsak ang mukha ko sa dibdib ng isang lalaki, si Cedric.

"Sychee? Anong problema, ba't umiiyak ka?" Alalang tanong ni Cedric.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Wala, uhm, bakit nandito kapa, hindi pa ba nag s-start ang meeting? Pag-iiba ko ng usapan.

"Well hinihintay ka kasi namin, papunta na nga sana ako sa dorm mo nang nakita kita dito." Nakapinta parin sa mukha ni Cedric ang pag-alala niya sakin, hindi ko dapat sabihin sa kanya ang totong nangyari no.

"Ahh ganun ba, sorry natagalan ako, halika na" pinunasan ko muna ang mga tumutulong luha ko at agad kong hinila si Cedric para makapunta na kami sa meeting.

Nakarating na kami sa silid kung saan kami mag me-meeting, nakita ko agad si Tita Lana at Steffan na nakaupo, nakita ko rin na may ibang mga tao na sa tingin ko ay connection sa banda parang ang iba ay mga business partners ni tita.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon