Day 7Behind the black scarf
Nagising ako kinaumagahan na namamaga ang mga mata, hindi ko rin magawang bumangon parang ang bigat ng katawan ko ngayon.
Nang libutin ko ang paligid kung nasan ako, napagtanto ko na nasa kwarto na ako, kagabi kasi hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos kong naramdaman ang sarili ko na bumagsak sa sahig. Lumingon ako sa kanan ng higaan ko at nakita ko sa mesa na may isang pinggan na may basang towel at mga gamot.
"Ahh ano bang nangyari sakin" sinubukan kong bumangon pero di ko maigalaw ang katawan ko.
Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Cedric!" Gulat kong pagtawag may dala-dala na siya ngayong tray na may gatas at pagkain.
"O gising kana pala. Here have some breakfast" sabi ni Liam habang papalapit mesa na nasa gilid ng kama ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Uhm sorry pumasok ako dito sa room mo na walang pahintulot. Kagabi kasi inutusan ako ni tita na ibigay yan sayo" tinuro niya ang damit na nakasampay sa dingding, isa itong backless spaghetti black long slit, ngayon kasi ang kaarawan ng business partner ni tita at isa sa nag ha-handle ng banda. "Todo katok ako sayo kagabi pero hindi mo naman ako pinagbuksan, medyo nag-alala ako sayo kaya pumasok ako at nakita nalang kitang walang malay na nakahiga sa sahig, sobrang taas ng lagnat mo kagabi, hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sayo. Nga pala okay ka na ba?" Nagulat ako nang hinawakan ni Ced ang noo ko, pero kahit papano wala akong naramdamang kakaiba sa ginawa niya wala akong naramdamang kapareho ng naramdaman ko kay Liam.
Kung si Liam ang gumagawa sa'kin nito ngayon malamang sasabog na ang puso ko, pero itong si Cedric ramdam ko talaga na kaibigan lang talaga ang ipinakita niyang kabaitan sa'kin hindi kagaya ni Liam na para akong mababaliw sa kakaisip kung anong ibig sabihin ng mga ipinapakita niya sakin.
"Hay thank goodness hindi ka na mainit, pero you need to rest muna, sasabihin ko nalang kay tita na baka hindi ka makapunta sa birthday party mamaya dahil sa kalagayan mo ngayon". Aniya
"Hindi wag na, kaya ko na naman ang sarili ko Ced, saka diba sabi mo nga hindi na ako mainit malamang magaling na ako, pupunta ako mamaya." nakangiti kong sabi para hindi halatang nandito parin ang sakit at kalungkutan sa puso ko.
Hindi siya nagsalita, tinignan lang ako ni Ced na puno ng pag-alala at tanong.
"Sychee wag mong ipilit na maging masaya kung sa totoo nama'y malungkot ka at nahihirapan kana. Halatang may problema ka kitang-kita sa pamamaga ng mga mata mo. Sychee ano ba talagang problema, kahapon rin nakita kitang umiiyak sa hallway, at kagabi rin nadatnan nalang kitang nakahiga sa sahig". Nag aalala rin si Cedric sa sitwasyon ko ngayon si Liam kaya nasaan na kaya siya.
"Uhmm wala to Cedric salamat dahil nandito ka kapag kailangan kita, mukhang sobra ko lang talagang dinidibdib ang mga problema ko, nga pala nandito ba ang PA ko, nadyan ba siya sa sala?" Sabi ko kay Cedric.
"PA mo? Wala, walang tao ang bahay mo simula nang pumasok ako dito kagabi" serysoso niyang sagot.
"Ahh ganun ba" bulong ko.
Tinignan ko ang mga mata ni Cedric at halatang wla siyang tulog. Dahil ba binabantayan niya ako?
"Cedric natutulog kaba?" Pag-alala kong tanong sa kanya.
"Ah.. ehh.. oh.oh" hindi ba siya marunong magsinungaling halata kasing nagsisinungaling eh.
Maya-maya napahikab nalang si Cedric.
![](https://img.wattpad.com/cover/222409918-288-k836991.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
RomanceOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...