Day 8First Date
Nagising ako sa ingay ng alarm, dumilat na ako at napangiti nalang ako bigla nang naalala ko ang nangyari sa'min ni Liam kagabi.
Napahawak nalang ako sa labi ko at inaalala ko ang halikan namin ni Liam.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para makapaghilamos.
Masaya ang gising ko ngayong umaga at dapat lang talaga masaya ako sa araw nato.
Lumabas na ako sa banyo at nagtungo sa kusina para uminom ng gatas, habang patungo sa kusina, napagtanto kong wala akong nakita kahit anino ni Liam dito.
Saan kaya siya nagpunta
Nakaramdam nalang ako ng kaba, baka kasi iniiwasan na naman niya ako dahil sa nangayri namin kagabi.
Nawala nalang ang saya ko nang inaatake ako ng kaba sa puso ko.
"What if sabihin na naman niyang pinagsisihan niya ang nangyari kagabi? What if masasaktan na naman ako?" Pagsasalita ko sa sarili ko.
Umupo nalang ako sa sofa at tahimik na umiinom ng gatas, maya-maya bigla nalang may kumatok sa pinto, nilapitan ko ito at nakita ko ang taong hindi ko inaasahan na bumisita.
"Oh, Steffan ba't naparito ka? Halika pasok ka" hinandaan ko na rin si Steffan ng kape.
"Thanks" pagpapasalamat niya sa'kin ng maibigay ko na ang nahandang kape.
"Walang anuman" sumidsid na ako ng gatas. "Nga pala ba't ka naparito?" Pagpapatuloy ko.
"Wala lang, bored na kasi ako sa condominium ko, kailangan ko lang siguro ng makakausap ngayon" ngumiti si Steffan pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sorry ha, naistorbo pa kita, pupuntahan ko nga sana si Cedric ngayon pero mukhang may pinupuntahan siya, si Tita Lana nama'y tulog pa, pero kung may gagawin kapa okay lang—
"Hindi okay lang, wala naman akong ibang ginagawa" pagputol ko sa kanya, alam kong may problema si Steffan at kailangan niya ng taong makikinig sa kanya.
Naiilang nalang ako dahil sa katahimikang bumabalot samin ni Steffan, panay tingin nalang ako sa pinto baka sakaling iluwa dito si Liam, miss ko na kasi siya, saan ba talaga 'yun nagpunta.
"May hinihintay ka?" Mukhang napansin ni Steffan ang pagtingin ko sa pinto.
"Ahh... iyong P.A. ko kasi ang aga umalis, di man lang nagpaalam sakin." Nahihiyang sagot ko.
"P.A.? Nandito ang personal assistant mo? Akala ko ba di nakarating 'yun dahil may sakit?" Nagatatakang tanong ni Steffan.
"Sakit? Haha I don't think he's sick, ang bibo nga niya" natatawang sagot ko. Naglaho lang bigla ang ngisi ko nang nakita ko ang reaction ni Steffan.
"Sychee... she's not a he" napakunot ako sa sinabi ni Steffan, 'yung reaction rin niya ay parang tinatakot ako.
"Well maybe he's the one who temporarily serves for me sa ngayon habang may sakit pa ang totoong P.A ko." sagot ko, hindi ko pinahalata na medyo natataka narin ako.
"Siguro nga, baka binigyan ka ni tita ng temporary na magbabantay sayo dito." Hindi na komontra pa si Steffan.
"Nga pala kamusta na ang girlfriend mo?" Dahil sa tanong ko bigla nalang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Steffan.
"Ayun parin, araw-araw akong nakalimutan" kahit dinaan pa niya yun sa tawa halata pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
"Sorry"
BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
Любовные романыOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...