Day 1
Last Date?
Nagising ako sa ingay ng alarm ko, it's already 10:00 in the morning, pinatay ko na ang alarm at gumawa na naman ng panibago.
Matutulog na ulit sana ako, nang nakaramdam nalang ako bigla na may parang yumakap sakin galing sa likuran ko. Agad kong idinilat ang mata ko at tiningnan ang nasa likuran ko..
"HA! Wierd... a-akala ko may yumakap sakin, tsk, dahil lang siguro to sa pagod."
Naagaw lang ang atensyon ko nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi.
Totoo ba talaga ang sinabi ng Cedric na yun? Haysst nakaka-stress. Ganito ba kahirap pag maganda ka?
Naalala ko nalang rin bigla si Liam. Wala sa isip kong kumatok sa nakaharang na pader ng kwarto namin ni Liam, dalawang katok ang ginawa ko.
Hindi na ako naghintay ng ilang segundo dahil agad naman itong nag-respond. Nang makatanggap ako ng dalawa ring katok, napangiti nalang ako. Inulit ko ang pagkatok at ngayon tatlong katok na ang ginawa ko, at as expected nakatanggap rin ako ng tatlong katok.
Nakauwi na pala siya kagabi? Di ko man lang siya nasalubong, pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Ced nakatulog na ako agad dahil sa pagod.
"Uhm Liam, ba't ka pala nawala bigla nang nasa New York pa tayo?" tanong ko sa kanya, pero hindi na ako nakatanggap ng sagot.
"Sorry ha, iniwan kita, hindi kasi kita mahanap, nahiya narin ako kina Tita Lana dahil pinag-alala ko pa sila." Akala ko makatanggap na ako ng sagot pero wala parin.
Siguro galit talaga siya, humakbang muna ako papunta banyo para makapaghilamos na, pagkatapos kung gawin yun, lumabas narin ako ng kwarto, nang makalabas na ako, napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Liam, gusto ko sanang kumatok, pero parang may pumipigil sakin.
Diretso nalang akong humakbang pababa para makatungo na sa kusina, pero nang hindi pa ako tapos sa paghakbang pababa ay nakita ko si Liam nakatayo sa sala na may dala-dalang bouquet at chocolate.
Humakbang ako papunta sa kanya at ganun rin siya.
"Sorry talaga ha" panimula ko
"Sorry saan?" Kumunot nalang ang noo niya nang dahil sa sinabi ko.
"A-akala ko kasi galit ka" Damn hindi naman pala siya galit, ang OA ko lang.
Nakita ko nalang na kumunot ang noo niya habang nakatingin sakin, para bang nagsasalita ako gamit ang alien language.
"So... Kanina kana pala gising" pag-iba ko nalang ng usapan.
"Ah.. oo, muntik ko nang makalimutan" tiningnan niya ang dala niya bulaklak at chocolate. "Flowers...for you, and also chocolates" he said smilingly.
Natawa nalang ako sa ginawa niya.
"Anong meron, sa pagkakaalam ko, next month pa ang February." I said habang tinatanggap ang bouquet at chocolate.
"Kaya nga, gusto ko lang mag-advance" pinakita na naman niya ang ngiting nagpapahina sa buong katawan ko.
"Ang wierd mo" sabay hampas sa braso niya. "Ang bilis mo naman yatang nakabili ng mga 'to, eh nagkakatok-katokan pa lang tayo kanina" di ko na siya magawang tingnan dahil na d-distract na ako sa kagandahan ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
RomansaOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...