4th DAY

105 17 12
                                    


Day 4

Ang Pagtingin Ko Sayo

Maganda ang gising ko kinaumagahan dahil maganda rin ang tulog ko kagabi, puro lang naman ng kantahan ang ginawa namin ni Liam kagabi at sobrang na enjoy naman ako, hindi ko inakalang mag-eenjoy rin pala ako dun.

It's 8:25 in the morning and today is Friday, paggising ko agad nag text si Tita Lana sa'kin na hindi ko raw kailangan pumunta ngayon dahil may gagawin raw siya at wala na rin akong problema dahil natapos ko na ring i-fill up lahat ng forms na ibinigay sa'kin ni Tita.

Umupo ako ngayon sa kama habang binabasa ang panibagong text ni Tita,

"Sychee hija, maghanda kana dahil bukas na bukas lilipad tayo papuntang New York, birthday kasi sa isa sa mga nag sponsor at sumusuporta sa banda natin and he is also my partner in doing these stuffs, gusto ka rin niyang makilala Sychee. One more thing 4 days tayo mag s-stay doon at dun nalang rin natin gawin ang pagrecord sa mga nagawa niyong kanta and kung makakaya rin nating mag taping dun para sa music video niyo, gagawin rin natin okay? we have VIP plane kaya hindi na hassle ang pagtungo natin dun"

"O my god! Lilipad patungong New York!" Pagsasalita ko sa sarili ko

"Damn it wala pa naman akong pakpak para lumipad papunta dun pano na'to, charot ano ako bobo HAHA" para na akong baliw nagsasalita mag-isa siguro dahil ito sa excitement ko.

Hindi ko lang mapigilan ang excitement ko, It's not like it's my first time to fly out the country, pero hindi ko talaga inasahan na pagkagising ko lang nagiging parte na ako sa isang banda and it's not just a band, isang sikat at kilala sa buong mundo na banda.

Sa gitna ng pakatulala dahil sa mga iniisip, nagulat ako nang may kumatok sa dingding, si Liam na naman ang kumakatok mula sa kabilang kwarto.

"Knock knock?" Pagsasalita ni Liam

"W-who's there?" Nagdadalawang isip akong sabihin yung  who's there, baka kasi hindi siya nag j-joke ba, baka mapahiya na naman ako.

"Liam" simpleng sagot niya.

"Liam who?" Ngayon alam ko na na nag
j-joke talaga siya kaya confident kong sinabayan ang joke niya.

"Ano kaba Sychee si Liam to, nakalimutan mo bang dito na ang kwarto ko HAHA" eh gago pala tong si Liam, akala ko pa naman nagbibiro, tae ka, nakakahiya yun ah.

" HAHA joke lang Sychee, knock knock tayo ulit, sige, knock knock?" pang-aasar sa'kin ni Liam

Hindi ko na siya sinabayan hindi ako nagsalita.

"Uy Sychee sorry na, sige na knock knock tayo ulit, sayang yung kanina ko pang iniisip na joke eh" dagdag pa niya.

Habang nagsasalita pa si Liam lumabas ako ng kwarto at humarap sa pintuan ng kwarto niya.

"Knock knock?" Bumuga ako ng napakalas na boses at nilakasan ko ang pagkatok sa pintuan niya.

"Who's there?" natatawang tanong niya, alam kong nakaharap rin siya sa pintuan niya.

"Demonyo" simple kong sagot

"Woah, demonyo who?" Nagtatakang niyang tanong.

"HA! Di mo kilala ang sarili mo Liam?, Ikaw, ikaw ang demonyo gago ka napahiya mo ako dun ha" sigaw ko sakanya habang hinampas-hampas ko ang pintuan.

"Ano ba yan ampangit ng knock knock mo Sychee" abay sumusobra natong arghh.

"Tapos kana Sychee? Ako na naman huh, knock knock?" Hindi ko siya sinagot.

"Manigas ka" I whisper

"Sige na Sychee, knock knock?" Pagmamakawa niya sa'kin

Natatawa ako sa ginagawa ni Liam para siyang bata.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon