12th DAY

54 16 3
                                    


Day 12

Alone

Kahit gising na ako, wala akong ganang ibukas ang aking mga mata.

I'm scared, I'm scared to face the truth that he's... gone, that he's not real, it's like I'm just imagining things.

How's that possible? He's just my imagination? But I can really feel his presence, how he touch me, how he hugged me, and how he kiss me. If he's not true, damn I'm just alone, all this time since I saw Liam stepped the floor in this house I am alone, from the very start I am freaking alone.

Wala parin akong balak ibukas ang aking mga mata, nakahiga parin ako at pinakikinggan ang tahimik na paligid, itinigil ko na rin ang pag s-set ko ng alarm, wala na akong pakealam kung ilang oras kong isusubsob ang katawan ko sa malambot na kama.

Gusto kong buong araw na akong nakahiga sa kama na'to, wala na talaga akong silbi sa mundo. Narinig ko rin ang ilang pagtunog ng phone ko, 76 missed calls and 52 unread messages, galing kina Tita, Ced, at Steffan. Natigil lang sila sa pangunulit sakin nang nagreply ako sa kanila na gusto ko munang mapag-isa, gusto kong isipin kung paano nangyari ang lahat nga 'to, and after that wala na akong naririnig na tunog sa phone ko.

Sa tingin ko mahigit 3 oras na akong nakahiga dito sa kama, gusto ko talagang manatili dito sa kwarto pero nabigo, tinamaan ako ng gutom eh. Bumaba na ako papunta sa kusina, at mabuti nalang may cup noodles pa dito sa kusina at yun nalang ang kinain ko, hindi ko alam kung pang breakfast ko naba ito o lunch, ewan ko.

Pagkatapos kung matimplahan ang noodles ay umakyat ulit ako papunta sa kwarto at doon na kumain, ayokong makita ang tahimik na sala na sana ay naroon  si Liam at nagpapatugtog ng gitara at kumakanta o di kaya ay nasa kusina nagluluto ng masarap na pagkain, o nasa labas nakangiting nagdidilig.

"Haaaayyy... bakit ba ito nangyari sakin?" Naiiyak nalang ako habang kumakain ng noodles.

"Ano ba yan, tumigil ka na nga sa kakaiyak Sychee, kagaya sa mama mo, kahit umiyak kapa ng dugo hindi mo na maibabalik ang buhay ng tao" at doon  na ako na pahagulgol ng iyak.

Wala na akong pakealam kung mauubusan na ako ng tubig sa katawan ko, nawala na ang ayaw ko sanang mawala, at wala na talagang magagawa ang pag-iiyak ko.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa banyo, at nakita ko nalang ang mukha ko, sobrang putla na, namamaga na rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Diba sabi ko sayo, bumalik ka kaagad, diba sabi mo may bibilhin  ka lang, miss na kita eh, hindi ka pa nakapag-paalam sakin, Liam." Kita ko kung paano humiwalay ang luha ko sa aking mga mata, sinubukan ng luha kong kumapit ng mas matagal sa mga mata ko pero wala talaga, bumitaw na talaga ang mga ito, parang kami ni Liam, siya ang luha ako ang mata.

Lumabas na ako sa banyo at umupo na sa kama, mas lumapit ako dito at pinahinga ang ulo ko sa headboard ng kama ko.

Naalala ko nalang ang katok, napangiti ako habang inaalala ko ang katok-katokan namin  ni Liam.

Habang wala sa isip ay gumalaw ang kamay ko at natagpuan ko nalang ito na gumawa na ng katok, at dahil assuming ako naghintay ako na baka may sumagot sa katok ko pero wala, tanga ako eh, kaya ayun.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim, maya-maya may narinig nalang akong isang mahinang katok galing dito. 3 katok ang ginawa nito, para makasiguro ay gumawa ulit ako ng 3 at hindi ako nagkamali kumatok nga ito, mabilis akong bumaba sa kama at lumabas sa kwarto, nang nasa harap ko na ang kwarto ni Liam ay agad ko itong binuksan dahil hindi naman ito naka lock.

Nang mabuksan, nanlaki ang mga mata ko sa nakita, si mama na punong-puno ng dugo ang noo habang gumagapang sa kalsada, napatingin ako sa paligid at napagtanto kong wala na ako sa kwarto, ito ang lugar kung saan nangyari ang trahedya nung gabing yun, kung saan naaksidente si mama. Lalapitan ko na sana si mama nang makita ko rin  ang isang lalaki na wala nang malay na nakahandusay na sa sahig, papunta si mama sa kanya.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon