Epilogue

74 17 6
                                    


Epilogue

"Ate sobra na ang kaba ko, naririnig ko na nga ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko" napangiti na lamang ako dahil sa narinig ko.

"Ano ka ba Cedric, ikaw pa, kapatid kita kaya alam kong malakas ka at makakaya mo rin yan" natatawang sabi ni tita Lana.

"Hindi na talaga 'to madadaan sa biro, ate" natawa nalang ako dahil kitang-kita ko kung gaano na ka kabado si Cedric ngayon.

Kasalukuyan na kaming nasa backstage habang hinihintay ang oras na mag start ang concert. Napalingon ako kay Steffan at halata rin na kinakabahan na rin siya, hindi ko rin mapigilang hindi kabahan ng makita ko kung gaano karaming mga tao ang nag aabang sa performance namin. Isa pa sa dahilan ng kaba namin ay dahil ito ang unang concert ng de trio na wala si Liam. Inaabangan rin ng karamihan kung paano ako mag pperform, talaga raw na imposibleng nakapasok ako sa banda. Hindi naman ako nag audition ng kung ano, hindi pa ako lumalabas sa tv, epal nga ako sabi pa nga nila.

Pero ngayong araw lakas loob ko silang haharapin at ipapakita kung ano rin ang kaya kong gawin.

Narinig ko ang malakas na palakpak ng staff.

"Mag ready na kayo, malapit ng mag start!" Sigaw niya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko rin ang mga palakpakan ng mga tao.

Steffan Riedar, Shaun Cedric, Lindell Amadeo DE TRIO!
Steffan Riedar, Shaun Cedric, Lindell Amadeo DE TRIO!

Sobrang kinakabahan na talaga ako, at talagang marami bashers, haters, at may galit sakin. Hindi ko naman inexpect na isisigaw rin nila ang pangalan ko pero isa talaga sa pinangarap ko na hahangaan, isisigaw ang pangalan, at kakantahin ang kantang mga ginawa ko sa maraming tao.

Nang makatuntong na sa entablado ay tumahimik ang lahat. Ako lang naman ang unang nagpakita sa kanila.

"Uhm... hello guys... for those who did't know me yet, I am Sychee Nicole Rodriguez, ako ang ipinalit sa position ni Lindell Amadeo...

"BOOOOO!!!" Hindi paman ako tapos magsalita narinig ko na ang sigaw ng mga tao.

Nilingon ko si Ced at Steffan at sinenyasan lang nila ako na magsisimula na kaming mag perform. Si Steffan ang bass, Si Cedric naman ang drumer at kahit lahat kami ang kumakanta nasa position ko pa rin ang lead vocalist, at ang guitarist.

Gamit ko ngayon ang gitara na ibinigay ni Liam sakin.

Nang marinig ko na ang tunog ng cymbals ni Cedric ay pinatugtog ko na rin ang aking gitara, gayundin si Steffan.

Tama lang na ika'y mahalin,
Lagi mo naman akong pinapansin,
Papalapit, papasok sa iyong damdamin.

Halata ang kaba sa boses ko, lalong nanginginid ang mga tuhod ko ng salubungin ko ang mga masasamang mga titig ng mga tao1 sakin.

Di ko lang maintindihan,
Minsan ako'y naguguluhan,
Kung ano ba talaga ang iyong nararamdaman.

Puso ko'y gulong-gulo
Nalilito
Kung ako ba talaga ang laman ng puso mo.

Nahirapan akong ipagpatuloy ang pagkanta ko nang nakita ko na ang ibang taong sinusubukan akong tapunan ng kung ano. Please wag naman kayong ganyan.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon