1st DAY

370 21 46
                                    



Day 1



A Tuesday without her side really sucks. And I know I'm going to live the way like this with all of my life 'cause she's gone... she left me without saying goodbye.



I am living in this house alone... forever. Nang dahil sa isang car accident nawala ang mama ko, sa isang mabilis na pangyayari hindi ko inaasahan na darating ang araw na mangyayari ito sakin at ito ang iwan ako lahat ng taong mahal ko sa buhay.



Nung nawala si papa medyo okay lang kasi kasama ko pa si mama pero ngayon, masasabi ko na talaga na ang malas ko sa buhay. Nag-iisa na nga lang akong anak tapos ngayon mas lalo pang naging lonely ang buhay ko, pinaparusahan kaya ako ng Diyos? Pero bakit naman? May nagawa ba akong malaking kasalan para ipadama niya sakin ang lahat ng ito?



I still cannot condone and I'm not fully recouped yet.


Parang isang panaginip na nag iisa na lang ako sa buhay at wala nang makakapitan. Alam mo yung feeling na parang gusto mong balewalaen lahat ng ito kase alam mong panaginip lang lahat ng ito? Pero ngayong nakompirma ko na I'm widely awake and none of these are fake parang gusto kong umiyak ng umiyak pero di ko magawa, kase alam kong wala nang magagawa ang pag-iyak ko.


This is the 5th day na wala na si mama and I'm here starting to live this melancholic life.

Nandito ako sa bahay ngayon nag-iisa at naghahanda para sa isang job interview. Katatapos ko lang maligo at sakto lang ng pagkalabas ko sa banyo biglang tumunog ang phone ko.



"Okay, 1-hour bago magsimula ang interview, kaya mo 'to self!" pagsasalita ko sa sarili habang pinapatay ang tunog ng alarm sa phone. Nang ilagay ko na ang phone ko sa table napansin ko ang phone ni mama, nasa akin lahat ng mga gamit na naiwan niya pagkatapos ng trahedya.



Sinubukan ko itong i-on at agad kong nakita ang huling message niya na parang hindi natapos.


Isang draft message.

Sychee ipahanda mo na kay aling Merna ang dining area at pauwi na ako, bumili rin ako ng paborito nating chicken feet kaya hintayin m-



Bahagya akong napapikit nang makitang hindi natapos ni mama ang mensahe.



Maybe at that time nagsimula na ang trahedya kaya hindi niya ito natapos. Di ko lubos maisip ang nangyari kay mama sa loob ng kotse habang nangyari ang trahedya. Paniguradong takot na takot si mama nung gabing iyun.


Nagsisimula na namang bumigat ang dibdib ko nang maalala ko iyun, ayoko pa naman sanang umiyak, nakakapagod na rin kasi.


Maya-maya nang pindutin ko na ang home screen nagulat nalang ako sa oras.


I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon