5th DAY

81 18 7
                                    


Day 5

Personal Assistant

Maaga akong nagising kinaumagahan, ngayon kasi ang araw na pupunta na kami sa New York, sabi rin kasi ni tita na maaga kaming b-byahe ngayon, at dahil rin siguro sa excitement ko napaaga talaga ang gising ko.

Nahanda ko na rin ang mga gamit na dadalhin ko, hinanda ko ang mga ito kagabi bago ako matulog. Sabi kasi ni Tita Lana na 4 days kaming mag s-stay doon kaya kailangan kong mag dala ng mga damit pero kunti lang daw ang dadalhin ko sabi ni tita kasi naghanda na raw ang PA ko ng mga ilang pwedeng gagamitin ko doon, yes may PA na ako si tita ang naghanap para sa'kin.

Natapos na akong maligo, nakapagbihis na rin ako. Bababa na ako para mag breakfast at napansin ko na parang hindi pa gising si Liam o di kayay nagdidili lang sa labas.

Kagabi kasi matapos kong sabihin sa kanya na aalis ako patungong New York bigla nalang siya umalis at nagkulong sa kwarto niya. Di ko alam bakit, ewan ko ba, baka nagulat lang 'yun o di kaya'y natatakot lang, natatakot na mawala ako sa tabi niya charness feelingera lang.

Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog na naman ang alarm, 3:00 na, pinatay ko ito at nagsagaw na naman ng panibagong alarm.

Nang nasa kusina na ako napansin ko kaagad ang pagkaing nakalapag sa mesa, at nagbigay rin yun ng hint sa'kin na gising na si Liam.

Natapos na akong kumain at bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko, patungo na ako sa pinto papalabas sa bahay, kailangan ko rin mag paalam kay Liam.

Bago ko pa mabuksan ang pinto may biglang nag text sa'kin.

"Sychee asan kana? Nasa harap na ako ng bahay mo"  text ni Steffan

Hindi ko na siya nireplayan at agad ko nang binuksan ang pinto, dumungaw agad mamahaling kotse ni Steffan.

"HEY SYCHEE HALIKA KANA" sigaw ni Steffan.

Bago ako humakbang papalabas, hinanap ng mga mata ko si Liam, baka nagdidilig siya dito, todo hanap ako pero wala, walang Liam na nagdidilig dito.

Pumasok ako ulit para hanapin siya, nagtungo ako sa kwarto niya, akala ko naka lock ito agad ko itong binuksan pero wala pa rin akong nakitang Liam.

"Nasaan ba siya? Sa'n kaya yun nagpunta" medyo naiirita narin ako at the same time kinakabahan, ewan ko ba.

BEEP...BEEP...

Isang malakas na busina galing sa labas ang gumulat sa'kin, mabilis akong bumaba at lumabas nalang ako sa bahay, nakaskay narin ako sa kotse ni Steffan.

Di man lang ako nakapagpaalam sa kanya.

"Oh ba't tulala? May problema ba?" Tanong ni Steffan na halata ri'ng nag-alala.

"Wa-wala" pagsisinungaling ko

"May nakalimutan kaba Sychee?" Tanong ulit ni Steffan

Naglabas ako ng mabigat na hininga bago nagsalita.

"Nakalimutan kong magpaalam" di ko siya tinignan.

"Sino? May kasama ka pala sa bahay?"

"Pina-upa ko kasi ang ibang rooms sa bahay, sayang rin naman marami-rami din ang di na magagamit kaya naisipan kong ipaupa". Sagot ko sa kanya.

"Ilan na ang guests mo?" Bakit tanong na tanong 'tong si Steffan.

"Isa pa, siya palang"

"Hmm, a guy, am I right?"

"Yes, his name is Liam"

"Oh ba't sinabi mo ang pangalan? di ko naman tinanong yun eh" sabi ni Steffan habang pinalabas ang mapang-asar niyang ngiti, shit ang gwapo.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon