Day 9Strange clues
It's already 1:00 in the afternoon, at kakagising ko lang.
Midnight na kasi kami nakauwi dito sa Pinas, kaya sinulit ko nalang ang mga oras sa pagpapahinga ko. Pinatay ko na ang alarm at nag-sset na naman ng panibago.
Habang nasa kalagitnaan ako sa paggawa ng panibagong alarm tumawag si Tita Lana sakin.
"Hello po tita, goodmorning" pagsisimula ko.
"Goodmorning hija, sorry to tell you this alam kong pagod pa kayo but you three have to come with me, we're making our music beautiful at gusto kong marinig niyo ang finale nito." Sabi ni Tita na nasa kabilang linya.
"Oh, sure tita, hindi na rin naman po ako inaantok, I'll be there po" pagsisinungaling ko, sa totoo lang pagod at inaantok pa ako, pero keri lang.
"Thanks hija, Cedric will pick you up there"
"Sige po Tita"
Pagod pa ako huhu, gusto ko pang humiga sa kama, pero waa akong karapatang sayangin ang mahalagang oras.
Bumangon na ako at nagsimula nang maligo at mag-ayos, nang makalabas sa kwarto napagtanto ko nalang na hindi ko pala kasama si Liam pauwi dito sa Pilipinas, shit iniwan ko siya doon.
Tatawagan ko na sana siya nang napahinto ako ng maalala kong hindi ko pala alam number niya.
"Anong klaseng girlfriend ka ba Sychee, ni hindi mo man lang alam number ng boyfriend mo" sinasabihan ko nalang ang sarili ko.
Hindi na lang ako kumain ng marinig ko na ang busina ng kotse ni Cedric.
"Goodmorning beautiful" bungad sakin ng lalaking nakasandal sa kanyang magarang kotse.
"Goodmorning Ced" I greeted.
"Tara na?" Pinagbuksan niya pa ako ng sasakyan.
Napaka-gentleman talaga nitong si Ced, na curious tuloy ako kung ilan na ang naging girlfriend nito.
"Okay lang ba ang tulog mo, midnight na tayo nakauwi" sabi nito habang nagmamaneho na.
"Okay lang naman, may kaunteng pagod at antok pero kaya naman" sagot ko nito.
"By the way, saan ka pala nagpunta kahapon?"
Bigla ko nalang naalala si Liam, huhu miss ko na siya nakauwi kaya yun, may pera kaya yun pang-uwi, bakit ko ba kasi siya iniwan, nawala rin siya na parang bula kahapon. Liam nasaan kana ba?
"Sychee?" Napukaw ako sa pagkakatulala ko ng tawagin ako ni Cedric.
"Ahh wala nasa amusement park lang ako kasama yung friend ko" friend?
"Oh I see, you seem so enjoyed yesterday huh" napatingin ako kay Cedric, parang may hindi tama dito.
"Yeah, I really enjoyed" sagot ko nalamang.
Nakarating na kami sa recording studio at nakita ko na agad si Tita Lana and Steffan.
"Sychee hija" nakipag beso-beso si Tita Lana sa akin ng makita niya ako.
"Thank you for coming hija, I really need your opinion all of you three about your music" dagdag niya.
Nagsimula na naming pakinggan ang mga kanta, ang unang pinakinggan namin ay ang 'bakit ba ikaw' tapos 'panaginip kong ito' at ang huli ang nagawa naming kanta ni Liam na 'pagtingin ko sayo'.
Ayan naman tayo, miss na miss ko na talaga siya, Liam...
Maaga kaming natapos, katatapos ko na ring pataying ang alarm ko nang mag aalas 4 na ng hapon.

BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
RomanceOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...