Day 11Unexpexted Revealation
Sa lahat ng gising na nagawa ko, ito na siguro ang isa sa pinakamagandang gising sa tanang buhay ko.
Nagising kasi ako hindi dahil sa alarm ko kundi dahil naramdaman kong may kayakap ako ngayon, dahil nararmdaman kong nasa tabi ko siya ngayon, I feel secured with his arms around me.
Nakakahiya at the same time nakakatawa mang malaman na nagmamakaawa si Liam sakin kagabi, gusto niya raw maranasan na sa paggising niya yakap-yakap niya ako at ako ang kaunaunahang makikita niya sa tuwing ididilat na niya ang kanyang mga mata. And hey! He's just a successful kasi pinayagan ko siya, basta lang hindi siya gagawa ng kalokohan pero salamat naman at wala, hahaha hindi pa ako ready no.
"Goodmorning my beautiful, Sychee" sabi niya nang mapansin niyang gising na ako, hinihintay niya ba akong magising?
"Hmm... Goodmorning, kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah actually, hindi nalang kita ginising, mukhang masarap ang tulog mo eh, tulo laway ka pa" I heard him chuckled.
Shaks! Makapaghilamos nga muna. Agad akong bumangon at tatayo na sana ako nang hinila ako pabalik ni Liam sa higaan, napahiga na lang ulit ako sa kama.
"Wag ka nalang maghilamos, maganda ka parin naman kahit tulo laway kapa, gusto ko lang nasa tabi lang kita". Ikinulong niya ulit ako sa kanyang mga bisig at niyakap ng sobrang higpit.
Sa totoo lang sa bawat pagyakap ni Liam sa'kin parang sinasabi niya sa'kin na darating ang araw na mawawala nalang siya bigla sa tabi ko. Habang tumatagal humihigpit na ang pagyakap sakin ni Liam, at natatakot ako sa maaring mangyari, sa pwede kong malaman. Gusto kong manaig ang kasiyahan ko sa araw na'to pero bakit nararamdaman ko ang lungkot at takot, pati sa yakap niya ramdam ko 'yun.
"Liam, don't leave me alone okay?"
Hindi siya sumagot sa halip niyakap na naman niya ako ng sobrang higpit. Ayan na naman ang yakap na walang kasiguraduhan kung anong ibig sabihin.
Bigla nalang uminit ang mga mata ko.
Ba't ba ako naiiyak? Ano bang nangyayari sa'kin, ano bang kinatatakutan ko? Takot ba akong mawala siya ng biglaan sa tabi ko? Eh hindi naman ako iiwan ni Liam eh, ano ba yan.
Hindi nanapigilan at bumagsak na ang mga luha ko, hindi makikita ni Liam na umiiyak ako dahil yakap niya lang ako at nakaharap lang ako sa dibdib niya.
"Sychee?" Shaks baka napansin niyang umiiyak ako, nang akmang hawakan niya ang mukha ko para iharap sa kanya ay mas sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap ko nalang rin siya nang mahigpit.
"Gusto lang kitang yakapin, Liam para hindi ka makaalis sa tabi ko" kalmang sabi ko.
"Hindi ako aalis sa tabi mo, Sychee no matter what, I promise"
Isang oras kaming nanatiling nagyakapan ni Liam hanggang napag-isipan na namin na bumaba na para makapag breakfast.
Hindi narin ako nag-aalarm ngayon, natatakot akong malaman kung gaano kabilis tumakbo ang oras, ayoko munang matapos ang oras na kasama ko siya. Nung naghinala ako na may sakit si Liam, na bilang nalang ang buhay niya, natatakot na akong makita ang pagpalit ng numero sa orasan. Baka kasi tama ang hinala ko na may sakit siya, ayaw lang niyang aminin dahil natakot siyang masaktan ako, pero damn, nagsisimula na akong masaktan lalo na nang nararamdaman ko na na parang iiwan na niya ako, na hindi na siya pwedeng magtagal.
I may be sound paranoid, but what if my predictions will happen? Anong gagawin ko? Mababaliw na siguro ako.
As usual pinapanood ko lang ang pinakagwapo kong boyfriend na nagluluto ng pagkain, ang gwapo talaga napakaswerte ko naman ata na nahahalikan ko ang labi ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
I Love You For 13 Days
RomanceOras at panahon, yan ang pinakamahirap ibalik lalo na't ito'y sadya nang nakabaon. Ipikit muli ang mga mata panoorin ang panahon nung tayo pang dalawa nung wala pa akong kaalam-alam na iiwan mo rin akong mag-isa. [Written in Filipino] Started w...