13th Day

64 17 1
                                    


Day 13

Last Day

"Sychee? Sychee gising na"

"Hmm" reklamo ko.

"Sychee, anak gising na, late ka na sa interview mo"

Damn! Ang interview!

"Ma, nasaan ang phone ko!" Halos parang hindi ako galing sa tulog dahil sa pagkakataranta ko.

"Nandiyan lang sa tabi mo anak" ngumuso si mama para ituro ang direksyon.

Agad ko itong pinulot para tingnan ang oras. Bago ko pa ito mabuksan nakita ko ang paligid na ang dilim pa. Nilingon ko si mama na nakakaloko ang tingin.

"Ma!" Sabay higa ulit sa kama.

"Haha bumangon kana, ala6 na, Sychee, maghahanda ka pa" ang saya-saya talaga ni mama kapag pinagtitripan ako.

"Ang aga pa ma, saka ang dilim pa ng paligid. Gusto ko pang matulog ma" sabay takip sa kumot.

"Ikaw talaga" ramdam kong humiga rin katabi sakin si mama. Sinilip ko siya galing sa pagkakatago ko sa kumot, nakangisi lang ito, hindi nagtagal ngumuso ito nang mapansin niyang sinilip ko siya.

Agad akong lumabas at niyakap ng napakahigpit si mama.

"Anak galingan mo sa interview mamaya ha" habang haplos niya ang buhok ko.

"Syempre ma, makikita mo magiging successful ang anak mo ma ako pa" pagyayabang ko.

Tumawa lang ito at niyakap ako ng napakahigpit.

"Mahal kita, Sychee, anak. Hindi kita pababayaan"

"Mahal rin kita, ma" nakapikit ako na may ngiti sa labi.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit nang maramdaman kong sobrang lambot na ng niyayakap ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko nalang ang sarili kong nakayakap sa malambot na unan.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

"Nag-iisa lang pala ako, akala ko na totoo."

Pagkatapos kong maghilamos ay agad na akong lumabas sa kwarto.

Laking gulat ko nalang na mula sa pintuan ko ay may mga petals na nakakalat sa sahig, patuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa hagdan may mga petals parin.
Nang makatungo sa sala, halos mapaiyak ako nang makita ko ang buong paligid na puno ng mga bulaklak, mga nakakalat na petals sa sahig, at ang mas nakaagaw sa atensyon ko ay ang napakagandang gitara na nasa sofa, nilapitan ko ito at may nakadikit na note dito.

Clingy ahead 1st day, I am already in love with you, and even those days after that, it gets harder and harder that I don't know how to stop myself from falling, Sychee. I'm not gonna tired saying this to you baby, I Love You so much as much as you know.

"May nalalaman rin palang ganito ang taong 'to." Natawa nalang ako.

Hindi nagtagal bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pinakagwapong lalake na hindi ko akalain na may ganito kagandang lalaki sa mundo.

Napangiti ako sa pagpapakita niya, he's wearing a light gray, v-neck t-shirt and dark jeans, yan ang sinuot niya nung una naming kita, noong muntik na akong mamatay at may isang prinsepeng tumulong sakin.

"Hi" bungad niya.

"Hi" sagot ko na hindi mawawala ang ngiti sa labi.

"Flowers for you" nang makalapit na ito sakin.

"Wow ha, hindi ka pa nga nagpapakilala sakin flowers agad" natawa siya ng dahil sa sinabi ko.

"I'm Lindell Amadeo Caciello, but only Sychee Nicole Rodriquez can call me Liam for short" hindi ko alam pero parang uminit ang pisngi ko, damn baka namumula na naman ang mukha ko.

I Love You For 13 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon