Bahagya akong natigilan sa narinig, nanlalaki ang aking mga mata, naiwan sa ere ang aking kanang kamay na dapat ay dadampi sa kanyang sugat.Gusto ko sanang magsalita ngunit wala ni'isang namutawi sa aking mga labi. Diretso lang akong nakatingin sa kaniya na para bang isa siyang palaisipan na kailangan ng kasagutan.
"Wag mo nga akong tignan na para bang, isa akong palaisipan sayo. " namumutla niyang sabi.
"ano bang nangyari sa iyo?" ulit ko sa aking tanong.
"Napa-away lang kami nila baldo." kalmado niyang sabi.
Hindi ako umimik sa naging sagot niya sa akin. Halata naman sa kaniyang nagsisinungaling siya. Inilubog kong muli ang basang bimpo sa palanggana, agad na humawa ang kulay dugo sa maligamgam na tubig, nakailang ulit kong ginawa iyon pagkatapos ay nilanggasan ko ito ng dahon ng bayabas. Kumuha pa ako sa labas ng dahon nito buti na lamang ay tumigil na kahit papaano ang malakas na buhos ng ulan.
Nang matapos ako ay alas kuwatro y media na ng umaga. Nakatulog na din si Simoune sa upuan nakasandal ang kanyang ulo sa pader. Bumalik na din ang kulay ng kanyang labi. Sinimulan ko nang ligpitan ang lahat ng aking pinag gamitan. Saktong pagtapos ko ay siyang pag bangon ni papa.
Inalalayan ko siyang makabangon, ako na rin ang nagtimpla nang kanyang kape. Abala ako sa pagluluto ng agahan ng magising si Simoune.
"Magandang umaga, Simoune." pagbati ni papa sa kaniya.
Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ko naman sinabi sa kaniyang dito nagpalipas ng gabi si Simoune.
"M-maganda umaga din, Don Alfredo." nanghihinang bati nito.
Tinanguhan lang siya ni papa bago muling sumimsim sa kaniyang kape. Nang matapos ako sa pagluluto ay inihain ko na ito sa hapag. Tahimik kaming kumakain, pa-minsan minsan ay hinihimay ko ang isda upang makain ng maayos ni papa'.
Pagkatapos ng agahan ay agad akong nagpa-alam kay papa' na magtutungo ako sa dalampasigan. Pagkalabas ko pa lang sa silid ay ramdam ko kaagad ang kaniyang presensya sa aking likuran.
Bahagya kong binagalan ang aking paglalakad upang sa ganun ay masabayan niya ako sa paglalakad. Paulit ulit akong nagpapalabas ng malalim na buntong hininga upang makalma ko ang aking sarili.
"Amara."
"Señorita, Amara."
"Amara, Pansinin mo naman ako."
Binilisan ko ang aking paglalakad, mas pinili kong hindi tumugon. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit, kung may karapatan ba akong umakto ng ganito.
"Inez Amara--- aray. "
Napatigil ako nang marinig ang kaniyang daing, agad akong napalingon. Ngunit agad din nawala ang pag aalala ko nang makita kong nakangisi pa siya sa akin. Inis akong kumuha ng maliit na bato at inihagis sa kaniya, pagkatapos ay saka ako muling naglakad.
"Sandali, Bakit ka ba nag kakaganyan?."
Tila isa itong gatilyo sa aking pandinig, hindi ko na kinaya ang mga emosyon na aking nilalabanan kanina pa.
"Oo nga naman, wala akong karapatan umakto ng ganto, dahil sino ba naman ako. nag aalala ako saiyo." Hindi ko na kinaya, tuloy tuloy na umagos ang aking mga luha. Marahas ko itong pinunasan gamit ang aking mga palad. "gusto kong intindihin ka, na baka hindi ka pa handa na sabihin sa akin ang tunay na nangyari saiyo. Hindi ako mangmang Simoune, nung mga oras na nakita kita sa labas na halos bawian na nang buhay sa sobrang putla. Labis akong nag alala. Hindi ko alam kung anong uunahin ko." nanghihina kong hinaing sa kaniya.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla sa aking naging reaksyon. Nakailang bukas sara ang kanyang bibig ngunit walang salita ang namutawi. Nang makabawi ay dahan dahan siyang lumapit sa akin. Patuloy pa rin na naagos ang aking mga luha. Dahan dahan niyang pinunasan ito gamit ang kanyang hinlalaki.
"Tahan na, pasensya ka na... Sa tamang panahon magagawa ko din itong sabihin saiyo."
Sasagot na sana ako nang may dumaan na grupo ng mga kalalakihan. Agad kaming napansin ng ilan dito. Mababakas sa kanilang mga mukha ang pang aasar, pabalik balik ang mga mata nila sa kamay ni Simoune sa aking mukha at kay Simoune.. Agad na sumilay amg mga pang asar na ngiti sa kanilang mga labi.
"Simoune, bakit mo pinapaiyak ang iyong nobya?."
"Oo nga naman Simoune, hindi ganyan ang pagtrato natin sa mga kababaihan."
Nanlalaki ang aming mga mata sa kanilang mga sinabi.
"Nagkakamali kayo"
"Nagkakamali kayo"
Sabay kaming napatingin sa isa't isa nang sabay naming tanggi.
"Iba talaga ang mga umiibig ano, arthuro. Pati ang kanilang mga kilos ay nagiging isa." makahulugang sabi ni baldo.
Muli pa silang nagtawanan bago tuluyang umalis, Nang tignan ko si Simoune ay nahihiya siyang tumalikod sa akin at nagsimula nang maglakad pabalik. Nagkibit balikat na lang ako at saka pinag patuloy ang pagtungo sa dalampasigan.
Huminga ako ng malalim nang makarating sa dalampasigan, malamig ang simoy nang hangin. Medyo basa din ang buhangin dahil sa ulan. Ito na siguro ang magandang nangyari sa pagpunta namin ni papa' dito. Ang masilayan ang napakagandang karagatan na ito. Payapa, mga huni ng ibon ang maririnig at ang alon ng dagat. Idinipa ko ang aking mga braso upang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako upang lalong damhin ito.
Nang bahagyang sumilay na ng tuluyan ang araw ay bumalik na ako sa aming silid. Nakaramdam na rin ako nang antok kaya nagpasya akong matulog.
Hapon na ng magising ako, agad na sumalubong sa akin ang malakas na simoy ng hangin, agad akong nakaramdam ng panlalamig. Tumayo ako upang isara ang bintana. Muntik pa akong matumba ng bahagyang makaramdam ng pagkahilo.
Muli akong humiga sa kama at ibinalot ang aking katawan sa kumot. Naramdaman kong may palad na dumampi sa aking noo. Ngunit wala na akong lakas upang tugunan pa iyon.
Bahagya ko pang narinig ang munting mga boses na nag uusap, ngunit sa labis na panghihina ay tuluyan na akong hinila ng antok.
Pagdampi nang basang bimpo ang siyang nagpagising sa akin. Agad akong napabangon, napapikit ako ng makaramdam ng hilo dahil sa ginawang pagbangon.
"Magpahinga ka muna."
Nuong una ay malabo pa ang aking paningin kung kaya't hindi ko maaninag ang taong nasa harapan. Ngunit nang tuluyan ng masanay ang aking paningin sa liwanag ay tumambad sa akin si Simoune. Nagtataka ang aking mga mata.
"Ipinatawag ako ni Don Alfredo kanina. Ang sabi ay hindi ka daw niya maaalagaan ng mabuti kung kaya't pinatawag nya ako. Nagluto ako ng lugaw upang mainitan ang iyong tiyan. "
Ini-abot niya sa akin ang tasa, nanginginig ang aking mga kamay na iniabot ito. Ngunit nagtaka ako ng hindi niya ito bitawan. Nagbuntong hininga ito.
"Ako na, susubuan na kita."
"Kaya ko naman" Nanghihina kong sabi.
"Ako na, kaya ko rin naman na alagaan ka."
---
#SiMara
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Historical FictionInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...