Nanigas ako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang aking mga paa. Tila ba hindi ko na alam ang takbo ng kasalukuyan dahil sa kaniyang sinabi. Sobrang lakas ang kabog ng aking dibdib, gusto na ata nitong lumabas sa pagkakabilanggo.
"Amara, maupo ka na dito. Pakinggan mo ang aking kwento." masayang sabi ni Simoune
"Opo nga, ate Amara." pagsang-ayon ng ilan.
"Inez ang itawag ninyo sa kanya. Ako lang ang dapat na tumawag sakanya ng Amara." mayabang na paukol nito.
Bahagya pa akong napapitlag nang maramdaman ko ang malamig na kamay sa aking siko. Nanglingunin ko ito ay tumambad sa akin ang medyo may kaliitan na babae, sa tantiya ako ay nasa labing tatlong gulang na ito. Ngumiti siya sa akin at hinila ako papalapit sa kinauupuan nila.
Nang makaupo na ako ay saglit lang ako tinapunan ng tingin ni Simoune, bahagya itong tumikhim tanda ng pag uumpisa niya sa kaniyang kwento.
" Alam niyo ba ang kwentong bayan nila Olaging at Ulahingan?."
Sunod sunod na nagsi-ilingan ang mga batang nakikinig ng kwento, napa-iling din ako dahil hindi ito pamilyar sa akin.
"Ang istoryang ito ay pinamagatang Agyu.
Si Agyu ay nakatira sa bayan ng Ayuman." bahagya siyang tumigil upang tignan kung nakikinig ba talaga ang mga bata sakaniya." Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may tigiliran nito. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang datu. Naglaban sila at natalo naman ang kampon ng datu moron."
"Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang bundok ng Pinamatun. Di nagluwa’t ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit sila’y natalo. Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol."
"Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa."
"Ang tapang naman po pala ng anak ni agyu, Kuya Simoune."
Napangiti siya at natahimik ng kaunti "Alam nyo ba ang aral sa kwentong inyong narinig."
Umiling iling ang karamihan "Ang kwentong iyan ay nagpapatukoy sa Bayan na sinakop ng mga dayuhan, Ngunit. Hindi pumayag ang kanilang pinuno kung kaya't nabawi at nagtagumpay ito, at nakamtan nila ang kalayaan."
Tumahimik ang buong paligid narinig ang mahinang tawa ni Simoune sa buong paligid.
"Huwag kayong mag alala, kagaya nila Agyu. Makakamtan din natin ang ating Kalayaan." matamis siyang ngumiti sa mga bata, unti unti ding sumilay ang mga ngiti sakanilang mga labi.
Hindi ko man sigurado kung kasapi nga si Simoune sa nabubuong Rebelyon ay para bang unti-unti ko nang nauunawaan ang kaniyang pinaglalaban, lalo na dahil nakikita ko ang matinding pang aapi ng mga dayuhan sa sarili nilang bayan. Nagtama ang aming mga paningin, ngumiti ako at matamis sakaniya at ibinulong ko sa hangin ang mga katagang.
"Suportado kita"
Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa matinding pagkabigla. Bahagya akong natawa dahil sa kaniyang naging reaksyon. Nang makabawi ito sa pagkagulat dahilan sa biglang pag abot ng isang binatilyo ng gitara.
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Historical FictionInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...