Kabanata 7

28 4 0
                                    


Nagkatitigan kami, malakas ang naging pagkabog nang aking dibdib. Malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa rebelyon.

"oy !, tú también, qué haces allí?"
(oy, kayong dalawa. Anong ginagawa niyo diyan?)

Sigaw nang isang guwardiya Sibil ang nagpaputol ng aming titigan, nagdadalawang isip pa akong lumabas dahil nangangamba ako na baka narinig niya ang aming pinag uusapan. Pag nagkataon parehas kaming mapapahamak.

"muestra tu cara"
(magpakita kayo) muling sigaw nito, nakatutok na ang kanyang baril sa amin.

Lalabas na sana ako ng biglang hawakan ni Simoune ang aking palapulsuhan. Awtimatiko akong napalingon sa kanya. Umiling siya at sinabing,

"Ako na."

Unti unti siyang nagpakita sa guwardiya sibil nakataas ang kanyang dalawang kamay. Tanda ng pagsuko at walang masamang intensyon.

"Por qué se esconden allí?"
(Bakit kayo nagtatago diyan?)

"no nos estábamos escondiendo, solo estábamos hablando"
(Hindi kami nagtatago, nag uusap lang po kami.)

Labis akong nagulat ng marinig ang matigas niyang pag eespanyol. Hindi ko ina-asahan na marunong siyang mag salita ng wikang itinuro ng mga dayuhan. Ibinaba ng guwardiya ang nakatutok na baril ng makitang walang dalang kahit anong armas si Simoune. Nilapitan niya pa ito at kinapkapan upang makasigurado.

"bien"(sige) tumingin siya sa aking kinalalagyan "no hables con una mujer en ese callejón estrecho, no es el lugar adecuado para hablar con ellas"(wag mong kausapin ang isang babae sa makipot na eskinita, hindi yan ang tamang lugar upang makipag usap sa kanila.) dagdag nito, tinapik pa nito ang balikat ni Simoune saka tahimik na umalis.

Napahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang umalis ang guwardiya. Tinignan naman ako ni Simoune at sinenyasan na lumabas na. Tahimik kaming naglalakad pabalik, ramdam ko ang matinding tensiyon sa aming dalawa.

Nadatnan namin si papa na tahimik na naka upo sa kawayang upuan sa labas ng aming silid. Nilapitan ko ito atsaka nag mano.

"Saan ka galing iha." tanong nito.

"Diyan lang papa', naglakad lakad lang ako." may pag aalinlangan kong sabi.

"Narinig ko ang putok ng baril sa di kalayuan kanina, may nangyari ba?" muli nitong tanong.

Hindi ako agad naka-imik kaya si Simoune ang sumagot sa tanong ni papa'.

"Bahagya lang ho nagkagulo ang mga mamamayan, kung kaya't nagpaputok ang guwardiya upang takutin ito." tuloy tuloy nitong sabi na para bang ito talaga ang nangyari.

Tumango-tango si papa at hindi na muling nagtanong. Pumasok ako sa loob ng silid, hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ganoon ang ginagawa ng mga guwardiya sibil dito sa filipinas. Hindi sila ganoon sa aming lugar.

"Don Rafael, hindi ho pala ako makakapunta dito bukas, may mahalaga ho akong gagawin. Ngunit may papalit naman ho sa akin." narinig kong sabi ni Simoune. Lalo lang lumakas ang aking kutob dahil sa narinig.

-

Lumipas ang dalawang linggo matapos ng ingkwentrong iyon ay hindi ko na muling nakita si Simoune, kapag tinatanong ko ang pumalit sa kanya ay sinasabi nitong lumawas daw ng karatig bayan may mahalagang tungkulin daw na ipinataw kaniya.

Tuwing tinatanong ko kung kailan siya muling uuwi dito ay pareho lang ang natatanggap kong sagot mula kay endong, ang pumalit sa kanya.

"babalik din iyon. Kapag natapos niya ang kanyang gagawin."

Hindi ko itatanggi na nangungulila ako sa kanyang presensya. Sa dalawang linggo ay napagtanto kong marahil kaya ganoon na lang ang aking mga akto sakanya, ang mga pag aalala ko at labis na pagka inis ay napagtanto kong. Baka nga iniibig ko na si Simoune. Agad akong pinamulahan, maski sa aking sarili ay labis akong nahihiya.

Naputol ang aking pag iisip ng may kumatok sa aking silid. Dali dali ko itong binuksan. Tumambad sa akin si endong.

"Handa na ba kayo Señorita Inez" tumango ako, nilakihan ko ang bukas ng pinto upang makapasok siya. Agad niyang nilapitan si papa at inalalayan makatayo.

Ngayon ang operasyon ni papa sa mata, labis akong natuwa ng ibalita ito mismo ni Doktor Rizal matapos niya kaming bisitahin kahapon. Tinignan niya ang lagay ni papa at ang kanyang alterpasyon at nang makitang ayos ang lahat ay saka niya ito inanunsyo. Kaya naman maaga pa lang ay nakagayak na si papa, anya niya ay sabik na daw siyang muling makakita.

Tahimik kaming naglakad patungo sa bungad ng Casa kung saan ang klinika ng doktor. Masaya namang nagkukwentuhan sina papa at endong, nakasunod lamang ako sakanila. Makaraan ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa klinika, naka abang na ang mga babaeng katulong ng doktor sa serbisyo. Agad nilang dinaluhan si papa at ipinapasok sa isang silid.

Nang muli silang lumabas ay nakapagpalit na si papa ng puting kasuotan, ginagaya na siyang muli sa loob kung saan gaganapin ang operasyon. Naiwan akong mag isa sa tangkapan ng klinika. Labis akong nininerbyos. Alam ko namang walang magiging komplikasyon ngunit sadyang hindi ko ito mapigilan. Naka ilang tayo at lakad ako pabalik bago lumabas ang dalawang babaeng katulong ni Señor.

"Tapos na po ba?" kinakabahan kong tanong.

Nagkatitigan sila bago masayang tumango sa akin.

" Salamat sa Diyos., maaari na po ba akong pumasok?" muli kong tanong.

"hindi pa po maaari, ililipat pa siya sa maayos na silid. Bukas ay pwede na siyang mabisita."

"Salamat po." tangi kong nasabi.

-

Kinabukasan ay maaga akong bumalik sa klinika, may baon akong almusal upang makakain si papa kahit kaonti. Pagkadating ko sa tanggapan ay agad akong iginaya sa silid kung saan naroon si papa. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog. Ipinatong ko ang aking mga dala sa isang lamesa at tahimik na iniayos ang kumot sa kanyang katawan.

Pagkaraan ng ilang oras ay nagising na din si papa, tinulungan ko siyang makaupo. May benda pa ang kanyang mga mata kung kaya't hindi niya pa labis na makikita ang kapaligiran.  Sinubuan ko siya ng dala kong almusal at tahimik na kumain. Pagkatapos ay pinainom ko siya ng gamot mula sa mabisang katas ng halamang gamot, makakatulong daw ito sa mabilis na paghilom ng kanyang mga mata.

Sa ganoon ang naging takbo ng sumunod na araw sa akin. Hindi ko na din naiisip pa si Simoune dahil sa labis na pagkaabala sa pag aalaga kay papa'.

Sa umagang ito ay masaya akong naglalakad dahil ang sabi kahapon ay pupwede na daw tanggalin ang benda sa mata ni papa. Ngunit agad na naglaho ang aking ngiti ng madatnan ang nagkakagulong mga tao sa labas ng klinika. May ilan din akong nakitang mga guwardiya sibil sa labas nito. Lakad takbo akong lumapit dito. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong pinalilibutan ng guwardiya sibil si Señor Rizal.

"Pinag hihinalaan kang rebelde ng kahariang Espaniya, may karapatan kang kumuha ng iyong abogado, ngunit ang lahat ng maari mong sabihin ngayon ay pwedeng gamitin sa iyong paglilitis. Sumama ka sa amin ng tahimik." mahabang sabi ng Heneral may ipinakita itong subina, tahimik itong binasa ni Señor, wala siyang nagawa nang dakipin siya ng mga Guwardiya sibil. Nakasunod sa kanila ang heneral.

"MAGSI-PASOK KAYO SA INYONG MGA TAHANAN"

---

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon