Kabanata 19

10 3 0
                                    

"Anong kalapastanganan ito.! " umalingawngaw ito sa buong kapaligiran. Pulang pula ang kaniyang mukha na animoy sasabog na sa galit.

"Nagkakamali kayo nang iniisip." natataranta kong tugon.

"Ano bang mali sa iniisip namin?, babae at lalaki na kapwa hubo't hubad sa iisang higaan." mahihimigan ang sarkasmo sa kaniyang tinig.

"P-patawad, Ama" mahinang tugon ni Natasha. Agad napabaling ang atensyon ko sakaniya. Sinusuri, ngunit sadyang hindi ko mabasa ang kaniyang iniisip.

"Bukas na bukas din, ihanda ang kasal ng dalawang ito." ma-awtoridad na sambit nito.

" Ano! , ngunit wala akong ginawa pinuno, nagkakamali kayo!. Hindi nyo maaaring gawin ito sa akin."

"Pagkatapos mong markahan ang anak ko? Nakikita ng dalawang mata ko mula dito ang pulang marka sa kaniyang leeg, hindi ako papayag na hindi mo ito panindigan." agad napadako ang aking mata sa leeg ni Natasha, at hindi nga mapagkakaila ang pulang pulang marka na iyon.

"Tumayo ka diyan, Natasha. Mag uusap tayo.!" matapos nito sabihin iyon ay tumalikod na ito at naglakad papalayo.

"Alam mo ang totoo, Natasha." mariin ko siyang tinignan diretso sa mata, nag iwas ito ng tingin sa akin at dali daling dinampot ang mga saplot at walang pasubaling sinuot iyon sa aking harapan.

Nang mapag-isa sa silid ay halos sabunutan ko na ang aking sarili. Labis akong nagagalit sa lahat ng nangyayari sa akin. Halos hindi na ako makatulog sa kaiisip kung paano ko malulusutan ang gusot na ito

-

Tatlong marahan na katok ang nagpagising sa aking malalim na pag iisip. Iniluwa niyon si Lucia, marahan itong ngumiti. Inilapag niya ang lumang barong sa lamesita.

"Ito daw ang iyong susuotin mamaya, Simoune." pagak akong tumawa.

"Nakaplano na tong lahat ano?" natigilan siya sa pag bukas nang pinto. "Paano niyo nagagawang paglaruan ang buhay ko." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti atsaka diretsong umalis.

Halos hindi ko ginagalaw ang pagkain na kanilang inihahatid sa silid na ito. Wala akong gana kumain, isa lang naman ang nanatiling kaisipan sa akin.

'Kamusta ka na Amara'

Hindi ko yata kakayanin na makitang naghihirap. Wala siyang nalalaman sa kahit na anong plano ng kilusang ito. Maliban na lang sa planong pag takas kay Señor.

"Psst, Simoune." napakunot ang aking noo nang marinig ito. Nagpalingalinga ako upang hanapin . Ngunit kahit saan ako tumingin ay wala akong makitang tao sa paligid.

"Sa taas." tumambad sa akin si Alberto sa nakabukas na bahagi ng habi. May inihulog itong kung ano nag gawa pa ito nang ingay. Sumenyas itong pulutin ko ang kung anong bagay na kaniyang inihulog.

Tumayo ako upang kunin ito. Isa itong susi, at agad ako nabuhayan nang pag asa ng mapagtanto ang nagyayari. Dali dali akong bumalik sa papag at umupo dito upang maayos kong matanggal ang taling bakal sa aking kanang paa. Nang tuluyan na ito matanggal ay sinenyasan ako ni Alberto na umakyat sa taas kung saan siya naroroon.

"Isuot mo ang barong, Simoune. Upang walang mag hinala saiyo." agad kong hinubad ang aking damit at sinoot ito. Tumungtong ako sa lamesa upang maabot ang habi na nagsisilbing bubong ng silid na ito. Nang nasa taas na kami ay dahan dahan kaming bumababa sa likod bahay.

Tahimik kaming naglalakad, sa likurang bahagi ng kampo. Wala masyadong naglalagi dito, ngunit maingat pa rin kami.

"Nagawa naming butasan ang likurang bahagi ng bakod, upang maging lagusan." aniya Alberto. "Oo nga pala. bukas na hahatulan si Inez." natigilan ako sa narinig.

"A-anong.."

"Hindi pa alam Simoune, bukas pa malalaman. Kung kaya't mabuting maitakas siya sa lalong madaling panahon." putol sa akin ni alberto "Handa kaming tumulong. Hindi marami ngunit sapat na." dagdag pa nito.

"Salamat"

Lumusot kami sa butas, agad kaming sinalubong nina marcelo at salcedo, kapwa sila nagbigay pugay. Tumango lang ako dito at pinag usapan na ang plano.

Sumakay kami sa bangkang itinago pa nila sa tagong bahagi ng dalampasigan, upang wala daw makakita. Naging tahimik ang paglaot sa karagatan, marahan kong ipinikit ang aking mga mata upang makapag isip ng mabuti.

Isang yugyog ang nagpagising sa akin, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Nandito na tayo"

--

Nang makarating kami sa maynila. Nakituloy kami sa kakilala upang makapag ayos at maisakuparan ang plano. At ngayong gabi na namin gagawin ang plano. Kakuntsaba namin ang isang kaibigang pilipinong guwardia. kaya't nakahiram kami ng damit pang militar.

Kapwa kami nakayuko nang mapadaan sa isang nagrorondang guwardia nagbigay pugay si Monde upang magpakita ng galang at ganun din ang aming ginawa. Nang paglampas nito ay nagkatinginan kami ni Monde.

"Alam nyo na ang gagawin nyo." inabot nito sa aking kamay ay susi.

"Susi iyan sakaniyang selda. Mag iingat kayo, ang maganda ay huwag kayong magtagal sa loob upang hindi kayo pag hinalaan ng ibang guwardia." bilin nito

"Salamat." tugon ko bago nito inilapat ang kamay sa aking balikat.

Naghiwa hiwalay kami upang hindi makahalata ang ibang guwardia na nagroronda nang matagpuan na namin ang tamang selda ay agad kaming tumigil sa harap nito. Nadatnan namin ang dalawang guwadiang nakatayo sa gilid nito.

"Pinapatawag kayo ng Heneral." mariin kong tugon, nagkatinginan silang dalawa. Nababakas ang kalituhan sa mukha.

"Kami na muna ang bahala dito." dagdag ko pa. Bakas pa din ang pagtataka sakanilang mga mukha ngunit wala na silang sinabi at umalis na lang.

"Dito na muna kayong dalawa." bilin ko kina Marcelo at Salcedo. Agad naman silang matuwid na tumayo.


Dahan dahan kong inihakbang papasok ang aking mga paa, agad na tumambad sa akin ang kadiliman may nahagip pa akong dalawang bubwit na naghahabulan sa gilid. kinuha ko ang lamparang nakasabit sa gilid. Bawat hakbang ko ay naririnig sa buong paligid. Binuksan ko ang kinakalawang na pinto, nag gawa ito ng ingay.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib ng makarinig nang mahinang mga daing. Unti unti kong tinapat ang lampara sa selda, halos mawalan ako nang panimbang nang makita ang kalunos lunos na sinapit ng aking mahal.

Punong puno ng dugo ang saya nito, may mga pasa at galos din ito sa iba't ibang parte ng katawan. Nang gumalaw ito ay bahagya itong nasilaw sa liwanag kung kaya't inilihis ko ang lampara. Ipinatong ko ito sa gilid at dahan dahan akong lumapit sa selda.

"S-sino iyan" mahina niyang tanong.

"Ako ito, Amara." tugon ko dito at yumukod upang magpantay ang aming mga paningin.

Masakit makita na ganito ko siya muling makikita, sinikap niyang makalapit. Halos gumapang na siya. At nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay agad kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Pinunasan ko ang luhang tumakas sa kaniyang mga mata.

"Maligayang Kaarawan, Simoune."

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon