Kabanata 18

16 2 0
                                    


Nagising ako sa marahas at sunod sunod na katok, napahawak ako sa aking ulo. Para itong binibiyak sa sakit.  Pinalipas ko muna ang tatlong minuto bago ako tuluyang bumangon. Patuloy pa din sa pagkatok ang kung sino mang nasa labas nito.

"Simoune !." namukhaan ko ang boses nito, si Alberto iyon. Napakunot ako ng noo.

Lumapit ako sa pinto at pinihit ito, tumambad sa akin ang aligagang si Alberto.

"Bakit?"

Ini-abot nito ang isang pahina ng papel sa akin, lalong kumunot ang noo ko sa asta nito.

"Tignan mo."

Sa nanliliit na mata ay pinilit kong basahin ang nakasulat sa pahayagan, nakailang ulit na akong basa dito ngunit tila hindi ko na uunawaan ang mga katagang nakaimprenta dito.

'Pinaghihinalaang babae'ng rebelde nadakip na : ayon sa mga guwardia sibil na nakadakip sa babae ay nakita daw nila itong pagala gala sa kagubatan, nang lapitan nila ito ay agad namukhaan, ayon pa dito ay nanlaban pa daw ang babae kung kaya't nagtamo ito ng mga galos. Kasalukuyan na itong iniimbestigahan. ' hindi ko na tinapos at padabog kong ibinagsak ang pahayagang hawak.

"PAANO ITO NANGYARI ?" hindi ko na napigilan ang pag taas ng aking boses.

"Wala ring nakaka-alam Simoune." malungkot na tugon ni Alberto.

Napahilamos ako sa aking mukha, "Alam ba ito ni Tatay Emilio?"

Tumango ito. "at ang bilin ni tatay Emilio ay mabuting wag ka na daw maki…alam"

"ANO?, PAANO AKO HINDI MAKIKI ALAM ? buhay yun ng taong .."

" Alam ko Simoune, kung kaya't pumarito ako upang malaman mo ang nangyayari. Handa kaming tulungan ka kung sakaling may plano ka na." pagtatapos niya sabay tapik sa aking balikat.

Napahawak ako sa ulo ng bigla itong kumirot.
'bakit ba ako naglasing kagabi' bulong ko sa aking isip. Pumasok akong muli sa silid at sinuyod ang buong paligid nito. Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga. Nalamukos ko ang aking buhok dahil sa matinding pagsisisi, pakiramdam ko ay kapabayaan ko ito.

Diretso ang lakad ko papunta sa opisina ni Tatay Emilio, hindi ko maaaring sundin na lang ang kaniyang gustong mangyari. Hindi ko kakayanin kung sakaling may mangyaring masama kay Inez.

Kakatok na sana ako nang matigilan ako dahil sa lakas nang sigaw nito sa loob.

"ANO?, ULITIN MO ANG SINABI MO NATASHA. NAHIHIBANG KA NA BA?, HINDI MO BA NAISIP NA MAAARI MONG ILAGAY SA PANGANIB ANG BUHAY NI SIMOUNE?. MALAKI ANG POTENSIYAL NG BATANG IYON NATASHA. DAHIL SA PAGMAMAHAL NA YAN."

"Patawa---"

Marahas kong binuksan ang pinto, hindi ko mapaliwanag ang labis na galit na aking nararamdaman. Tuloy tuloy ang lakad ko.

"Anong ginawa mo?" mahinahon kong tugon ngunit nahihimigan ang galit dito. Humigpit ang hawak ko sa palapulsuhan ni Natasha ng umiling lang ito habang naiyak.

"WAG MO AKONG PAANDARAN NG LUHANG IYAN NATASHA. SABIHIN MO, ANONG. GINAWA. MO."

"Ginawa ko lamang ang sa tingin kong tama--"

"TAMA?, INUTIL KA BA?. TAMA BANG TRAYDURIN ANG KAPWA?, GINAGAMIT MO BA YANG KUKOTE MO?."pagputol ko sakaniya, hindi ko na napigilan ang mga lumalabas na masasakit na salita sa aking mga labi.

"BAKIT? ANO BANG NAKITA MO SA BABAENG IYON HA, Anong Meron Siya na wala ako?. mas nauna kitang nakilala, ako ang nandyan tuwing kailangan mo ng kaibigan, masasandalan. PERO BAKIT HINDI MO AKO MAKITA BILANG BABAENG NAG MAMAHAL SAYO ?" kumunot ang noo ko dahil sa narinig.

"ang babaw mo naman, sa tingin mo ba. Magugustuhan kita dahil sa ginawa mo?. Kailan man hindi ako iibig sa isang taong punong puno ng inggit sa katawan." mabilis niya akong sinampal, tuloy tuloy ang agos ng kaniyang luha. Marahas niyang kinalas ang pagkakahawak ko sakaniyang palapulsahan atsaka tumakbo palabas ng opisina.

"Patawad sa gulong ginawa ng aking anak Simoune"aniya ni tatay Emilio.

"Kung totoong nagsisisi ka, maaari mo ba akong tulungang itakas muli si Inez?" punong puno ng pag asa ang aking boses. Sunod sunod itong umiling.

"Maaaring mapahamak ka sa gagawin mong ito. Hindi ako makakapayag." pinal na tugon nito.

Pinunasan ko ang dugo sa aking labi. "kung gayon ako na lamang mag isa."

"asahan mong sa oras na ginawa mo iyan, hindi ka susuportahan ng kilusang ito." natigilan ako, tinignan ko siya diretso sa mata, nag iwas ako ng tingin saka nagmartsa palabas ng silid.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad tumambad sa aking harapan ang tatlong kanang kamay ni Tatay Emilio.

"Dadaan ka muna sa akin bago ka makalabas sa kampo na ito." agad akong hinawakan sa magkabilang braso "Ikulong yan sa kaniyang silid" dagdag pa nito at sunod sunod na tumango ang tatlo. Pilit ako nagpupumiglas, nagkatinginan. Nang biglang may dukutin ang isa, at mabilis na itinurok sa akin.

--

Umiikot ang aking paningin nang imulat ko ang aking mga mata. Agad na rumihistro sa akin ang nangyari kani-kanina lang, napabalikwas ako ng bangon, kasabay nun ang pagkalansing nang bakal na nagsisilbing tali sa aking kanang paa.

Nakuyom ko ang aking kamay, hindi maaaring makulong ako dito, kailangan kong makalabas. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Lucia na may dalang pinggan.

"Eto na ang pagkain mo Simoune." hindi ako sumagot at nakatitig lang ako nang diretso dito.

"Tulungan mo akong makalabas dito, Lucia" umiling iling ito.

"Kahit gusto kong mailigtas mo si Inez, ngunit mas mahalaga ang buhay mo Simoune, para na kitang kapatid."

"Hindi niyo kasi naiintindihan." halos bulong ko nang tugon. Hindi na kumibo pa si Lucia, tahimik na itong umalis.

Nahiga akong muli, pilit kinakalimutan ang nangyari sa araw na ito. Hanggang sa muli akong dalawin ng antok. Hindi ko alam ngunit, masarap sa pakiramdam ang init na sumasalakay sa aking kalamnan.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, sumilay ang matatamis niyang mga ngiti sa akin. Labis akong nangulila sa kaniyang mga ngiti.

"Amara" bulong ko dito. Hinaplos niya ang aking mukha, at mariing naglapat ang aming mga labi. Punong puno nang pangungulila at pagmamahal ang iginawad ko sakaniya. Ang aking mga kamay ay naglalakbay sa kaniyang katawan.

Isa isa niyang tinanggal ang aking kasuotan, bawat lapat ng labi niya sa aking balat ay siyang lalong nagpapaliyab ng apoy sa akin.

"Mahal na mahal kita, Amara." mahina kong bulong, hinarap ko ang kaniyang mukha sa akin at tinitigan ito.

Tila ba naglaho ang aking ilusyon, unti unti nawala ang kaniyang imahe sa akin.

'Hindi' nagmulat ako nang mata, at tumambad sa akin ang walang saplot na si Natasha. Naguguluhan akong tumitig dito.

"Ganito ka na ba, kadesperada?" tumungo ito at itinabon sakaniyang katawan ang kumot. Tatayo na sana ako upang kunin ang kamiseta sa lapag ng biglang bumikas ng marahas ang pinto.

Sabay kaming napabaling dito, tumambad sa amin ang galit na mukha ni Tatay Emilio, sa likod nito ang aligagang si Lucia.
---

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon