Dali daling nagsi-aklasan ang mga tao na nakiki usyoso. Hindi magkanda umayaw ang lahat. Kanya kanya nang alisin ang mga ito. Uma-alingawngaw sa buong paligid ang islang na pagbilang ng heneral.
"ISA"
"DALAWA"
"TATLO"
"IKAW !"
turo niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang diretso siya nakaturo sa akin. Halos higitin ko na ang aking hininga ng may biglang humila sa akin.
Bahagya akong hiningal sa biglaang pagtakbo. Doon lang ako nabigyan ng pagkakataon masilayan ang taong bigla na lang humila sa aking palapulsuhan. Halos di ako makahinga ng maayos ng muli kong masilayan ang kaniya mukha. Tatlong linggo ko rin hindi nasilayan ito.
"Nahihibang ka na ba Amara" mahinahon ngunit may diin ang kaniyang mga salita.
"Kung hindi pa kita nakita ay baka sa kulungan na ang hantong mo." dagdag niya pa.
Hindi ako makapagsalita, tanging nagawa ko lang ay titigan siya. Labis na ang paghaharumentado ng aking puso, hindi ko na din halos maunawaan ang kaniyang mga sinasabi. Tila ba bumagal lahat ng kilos sa aking paligid at ang bawat pag galaw lang ng kaniyang bibig, pagkabig ng kanyang mga panga, paglunok at pagkunot ng kaniyang noo.
"Amara INEZ, nakikinig ka ba sa akin?" naputol ang aking mga iniisip ng sabihin niya ito.
"A-ano" naguguluhan kong tanong. Bahagya akong napatungo dahil sa matinding pagkapahiya.
"Ang sabi ko, sa amin ka muna titira."
"Ano? B-bakit?"
"Ang sabi ni Endong sa akin. Binabantayan ang lahat ng mga silid dito sa Casa ng mga guwardiya Sibil. Iniimbestigahan dahil akusasyon kay Señor." mahaba niyang paliwanag.
"Paano si papa' ,ang mga gamit namin?" sunod sunod kong tanong.
"Aalagaan ni Soleng ang papa mo. Siya iyong babaeng kumausap saiyo nung nakaraan. Ang mga gamit nyo naman ay nailipat na ni Endong ang gamit niyo sa amin."
Sunod sunod akong tumango dito. "Saan ka galing? Bakit tatlong linggo kang nawala?"
Agad siyang nag iwas ng tingin sa akin. "May mahalaga lang akong ginawa."
"Sa tingin ko ay dapat na tayong umuwi." dagdag pa nito. Nauna itong maglakad nakasunod lang ako sa kaniya. Madami kaming nilikuan , may nadaanan din kaming ilog bago ko natanaw ang munting baryo sa di kalayuan. Maraming mga bata ang nagsisitakbuhan, masaya silang naglalaro at nang matanaw ang pagdating ni Simoune ay nag unahan silang makalapit dito. Nakita ko kung paano nagliwanag ang kaniyang mukha nang tuluyan ng makalapit ang mga bata.
"Kuya Simoune" yumakap sa kaniyang binti ang naunang bata. Nakita ko din sa kumpol ang batang tinulungan ko. Bahagya akong kumayaw dito at nahihiya siyang ngumiti sa akin.
"Kuya." bahagya pang hinila ng isang batang sa tantiya ko ay mga limang taon gulang lang. Nakatingala ito sa akin. "Nobya mo po ba si Ate"dagdag nito.
Halos manlaki ang aking mga mata at muntik na akong masamid sa sariling laway. Tumawa si Sinoune at masayang binuhat ang bata.
"kayo talaga, ang babata niyo pa. Siya si Ate Inez niyo dito muna siya pansamantalang titira sa baryo. " Mahinahong paliwanag ni Simoune. Nagsitanguhan ang mga ito. Dahan dahan binaba ni Simoune ang batang binuhat at saka ako tinignan.
"Tara" hinawakan niya ang aking palapulsuhan atsaka hinila. Patungo kami ngayon sa isang medyo may kalakihang bahay.
"Nay Indeng" kumatok ng tatlong beses si Simoune bago nabuksan ang pinto, tumambad sa amin ang may katandaan ng babae.
"Simoune anak, bakit ka nandito. Tara tuloy pasok." magiliw na anyaya ng ginang.
Nang makapasok ay agad na nagsalitang muli si Simoune. "Nay, tungkol ho pala sa sinabi ni Endong. Siya nga po pala si Inez. Siya ho iyong pansamantalang makikitira dito."
"ah. Oo nabanggit nga sa akin ni Endong, walang problema doon Simoune. " Tinignan ako ng ginang mula ulo hanggang paa. "Nobya mo ba ito?"
Sabay kaming umiling ni Simoune, "Eh, kung ganoon bakit nakahawak ka sa palapulsuhan ng binibini. " Hinataw ni Nanay Indeng ng abaka ang kamay ni Simoune dahilan ng pagbitaw nito.
"Ikaw talagang bata ka, Mapupusok na kabataan" dagdag pa nito bago nag martsa paalis.
"Pasensya na, hindi ko namalayan" hinging paumanhin nito.
Tumango ako at hindi na ginawang malaking bagay iyo, isa pa ay gusto ko din naman na hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam kong ligtas ako sa kaniyang mga bisig.
"Bibisitahin ulit kita dito bukas, aalis na ako may aasikasuhin lang akong mahalagang bagay. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang si Nanay Indeng."
Tumango tango ako sakaniyang mga bilin. Nang masiyahan na siya sa kaniyang mga bilin ay lumakad na siya. Nang maghapon ay wala akong ibang ginawa dito kundi ang tumulong sa mga gawaing bahay ni nanay. Kahit ayaw niya akong patulungin ay nag kukusa ako at pinipilit na may gawin upang malibang.
Nagluluto ngayon si Nanay Indeng ng aming hapunan. Ang sabi niya ay taga pag-alaga daw siya ni Simoune noong maliit pa ito. At apo niya pala iyong bata na tinulungan ko, buong akala ko ay kapatid ito ni Simoune. Ang sabi pa ni Nanay Indeng ay wala daw kaso kay Simoune at nakasanayan nang ituring na kapatid ang kaniyang apo.
Madami pa kaming napagkwentuhan, masaya at nakakalibang kausap si nanay. Nasa hapag na kami ng bumukas ang pintuan. Tumambad sa amin ang nag uusap na si endong at Simoune. Agad na kumunot ang aking noo, akala ko bukas pa siyas babalik?.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Nanay sa Dalawang bagong dating.
Lumapit sila at nag mano kay nanay. "Kumain na ho.kami nay. " sagot ni Endong.
Muli silang nag usap at naglakad pabalik ng sala, umupo sila at tahimik na nag didiskusyon. Mukhang seryoso sila.
"Inez, kumain ka na" naputol ang pagmamasid ko sa dalawa ng tawagin ako ni Nanay Indeng. Tahimik kaming kumain, may pagkakataon na sinusubuan ko si Katarina. Nang matapos na kami sa pagkain ay iniligpit ko na ang aming pinagkainan.
Dala dala ang lampara ay nagtungo ako sa sala tahimik na dito at wala na din sina Simoune at Endong. Nang sumilip ako sa labas ay nakita ko sila sa harap ng siga ng nakapalibot ang mga batang may edad na at sa tantiya ko ay nakikinig ito sa kwento ni Simoune.
Sinilip ko si Nanay Indeng at nakita kong tulog na ito katabi niya si Katarina. Pumasok ako sa aking silid at kumuha ng balabal upang may panangala sa lamig. Inilapag ko sa lamesita ang lampara at pinatay ito. Dahan dahan akong lumabas at sinarado ang pinto. Mabagal ang aking paghakbang patungo sa kumpol. Nang makarating ay agad na nagtama ang aming mga mata. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Simoune at natigilan sa kaniyang kinukwento.
"ooy, si Kuya Simoune" Asar ng isang binatilyo.
"ssh, baka mahiya ang aking Sinisinta niyan." Saway niya sa mga ito ngunit tila hindi ito naging saway dahil naghiyawan ang mga ito.
Lumakas ang kabog ng aking puso dahil sa narinig. Ramdam ko din na namumula na ang aking mukha. Tatalikod na sana ako ng natigilan sa muli niyang sinabi.
"Ang ganda mo talagang mahiya"
----
![](https://img.wattpad.com/cover/216166583-288-k635686.jpg)
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Tiểu thuyết Lịch sửInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...