kabanata 10

21 3 0
                                    


Bahagya akong nanlamig dahil sa simoy ng hangin, madaling araw na ngunit, gising pa din anh aking diwa. Hindi ako dalawin ng antok, bawat pagkilos ko ay rinig sa buong paligid. Maski ang sarili kong pag hinga ay naririnig ko. Niyakap ko ang aking tuhod, napapitlag ako nang may dumaang maliit na daga.

Buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang mabilanggo, ganito pala ang pakiramdam niyon. Nakakatakot, dahil ikaw lang mag isa sa madilim at malamig na seldang ito. Nakakabaliw, dahil sa sobrang tahimik. Kahit pinakamaliit na tunoy ay agad mong mapapansin.

Tanging isang bintana lang ang mayroon dito, maririnig din ang mga yapak ng mga guwardia sibil na nakabantay sa pinaka labas ng seldang ito. Unti unting sumilay ang liwanag, hindi nag tagal ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isang pintuan na gawa sa metal.

Iniluwa nito si Simoune, agad akong napatayo bahagya pa akong natalisod sa naka-usling bato, hawak ang malamig na rehas, parang unti unting pumasok sa aking isipan na, nasa ganito akong sitwasyon.

Pinunasan ni Simoune ang luhang tumakas sa aking mga mata, malamya niya akong tinitigan. Lumapit siya sa akin at mahinang ibinulong.

"Gagawa ako nang paraan upang makaalis ka dito."

Sunod sunod ang naging pagtango ko. "Si papa' k-kamusta siya? Alam niya bang nandidito ako?."

"Hindi pa namin pinapaalam sa kaniya dahil makakasama iyon sa kaniyang pagpapagaling."

Mariin niya akong tinitigan "Mabigat ang maaari nilang ipataw saiyo, kapag wala kaming naipakitang mga dokumento sa husgado." dagdag pa nito.

"Pasensiya kana, hindi naman kasi namin lubos na akala na magtatagal kami dito." paliwanag ko.

"DALAWANG MINUTO" sigaw niyang guwardia sibil na nagbabantay sa amin.

Hinawakan niya ang aking kanang pisngi napapikit ako sa init na dulot nito. "Babalik ako, at sa pagbabalik ko. Kasama na kitang aalis dito."

Pagkasambit niya ng mga salitang iyon ay siyang pagdating nang mga guwardia na maghahatid sa kaniya palabas. Sinundan ko ito nag tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas at nawala na sa aking paningin. Muli akong nakaramdam ng matinding pangamba, namayani muli ang katahimikan.

--

Dalawang araw na nang huli kong nakausap si Simoune. Wala akong ginawa kundi ang umupo sa isang sulok, marami na akong naisip na mga posibilidad na mangyari sa akin. Dito na ba ako mamamatay?.

Natigil ang aking pag-iisip nang muli kong marinig ang maingay na pagbukas nang metal na pinto. Unti unti akong tumayo at nagliwanag ang aking mukha nang masilayan muli ang maamo niyang mukha.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit, hanggang ang pagitan na lang namin ay ang malamig na rehas.
Mariin niya akong tinitigan, nasasalamin ang matinding pagod sa kaniyang mga mata. Ngumiti ako.

"Maraming Salamat" sambit ko, unti unti nang nagsi-unahang tumulo ang aking mga luha naitutop ko ang aking kamay, upang hindi kumawala ang aking hikbi.

"Ginawa namin ang lahat, ngunit bulag ang sistema, nalaman na ito nang iyong papa',  tumaas ang kaniyang alterpresyon. Kung kaya't naging panganib ito sa kaniyang pag galing. Ngunit huwag kang mag alala, maayos na ang kaniyang lagay."

Pinunasan ko ang aking mga luha at pinilit na kalmahin ang sarili. "Wala akong kasalanan Simoune, hindi ako Rebelde."

Tumango siya sa akin. "Matapos ang tatlong Araw, itatakas ka namin dito nila Endong."

"T-takas?, bakit tatakas ?" bahagyang tumaas ang aking tono.

Napatingin sa amin ang mestisong guwardia. Buti na lamang ay hindi gaanong nakakaintindi ng tagalog ang guwardia na nakabantay ngayon.

"Hindi mo ba nakikita?, wala na kaming naiisip na mabilis na paraan upang mailabas ka dito. Lahat ng ipinakita naming dokumento ay hindi nila tinatanggap. Inidiin ka nilang kasapi sa rebelyon at isa kang espiya." pabulong niyang bigay impormasyon sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata sa nalaman, sunod sunod akong umiling, tumango tango si Simoune sa akin.

"Alam ko Amara, hindi pa nakatulong na  nagmula ka sa hilagang silangan. Lalo lang nilang dinidiin na kasapi sa kilusan. kaya nga ginagawa ko ang lahat. Pagtapos ng tatlong araw, itatakas ka namin. Maghanda ka."

--

Wala akong ginawa kundi ang magbilang ng lumipas na araw, paulit ulit ang aking mga ginagawa sa nag daang dalawang araw. Sa umaga ay natutunan ko ding mag lakad lakad sa aking selda, may kalawakan ito kung kayat nakakatulong upang sa gayon ay ma-ehersisyo ko ang aking katawan. Sa hapon ay dadalan na muli ako ng pagkain. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga pilipinong tagapag bantay ngunit, nakakaranas din ako ng labis na pambabastos sa mga dayuhang guwardia Sibil. Laking pasasalamat ko na lang na wala silang ginagawang kung ano sa akin, sa gabi matapos magdasal ay nag iisip isip muna ako ng mga posibleng nangyari sa labas ng seldang ito.  Naiisip ko si papa' kung ayos lamang ba ang kaniyang lagay.

"Isang araw na lang ang aking hihintayin, makakalabas ka din dito Amara Inez tatagan mo ang iyong sarili." bulong ko sa aking sarili.

Mabilis na sumapit ang araw, inihanda ko na ang aking sarili. Walang sinabing oras si Simoune sa akin ngunit may hinala akong pagsapit nang gabi sila kikilos.

Hindi ko na namalayan na maghahating gabi na, isa isa na ding nagroronda ang mga guwardia, nasilaw pa ako sa ilaw ng lamparang itinapat sa akin ng isang guwardia. Hindi ko na sana ito papansinin kundi lang ito tatlong beses na sumitsit sa akin.

Pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Endong, sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng matinding init sa humawak sa aking puso, ginawaran ko din ito ng matamis na ngiti. Dahan dahan na niyang binuksan ang aking selda. Nag gawa ito ng munting ingay.

"Tara na po, Señorita."  mahinang sabi ni Endong.

Inalalayan niya ako upang mabilis kaming makalabas, nang nasa labas na kami ay tumingin siya sa kaliwa't kanan, may mga tumango sa kaniya nakadamit pang guwardia din ito at nagkukunwaring nagroronda sa lugar. Mabilis kaming naglakad ni Endong, natatanaw ko na ang labas Nang makarinig kami ng tatlong sunod sunod na putok ng baril..

Nabitawan ni Endong ang hawak na lampara, napaluhod siya sa sahig. Nanlalaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Dadaluhan ko na sana ito nang may marahas na humila sa aking palapulsuhan.

Mabilis kaming tumakbo palabas  muli kong nilingon si Endong at nakita ko siyang nakalumpasay na sa sahig. Tulala akong tumatakbo, nagising lang ako ng pasakayin ako ng kung sino sa bangka. Iniangat ko ang aking tingin dito, tumambad sa akin si Simoune.

"S-si Endong" Halos bulong ko nang pahayag sakaniya.

Nag iwas siya ng tingin sa akin. "May mga buhay talagang masasakripisyo, upang makamtan ang kalayaan."

----

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon