Kabanata 3

30 6 0
                                    


Muling bumilis ang tibok nang aking dibdib sa narinig. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sakanya. Bakit ba ang hilig n'yang mambigla?. Hindi ko inaasahan iyon.

" namumula ka na naman." puna n'ya sa akin atsaka ginulo ang aking buhok.

Hinawi ko ang kanyang kamay at mariin s'yang tinapunan ng matalim na tingin. Tumawa lang sya sa naging reaksyon ko. Hindi ko na lang s'ya pinansin at itinuon ang aking buong atensyon sa magarbong pailaw sa aming harapan. Ngunit sa gilid ng aking paningin ay nakita kong may lumapit sa kan'yang binatilyo, lumayo sila ng kaunti at nag usap, Ipinasawalang bahala ko na lang ito.

Nang matapos na ay nagkalat nang muli ang mga tao, ang ilan ay nanatili at karamihan nami'y sa tingin ko'y uuwi na. Binalingan ko si Simoune na ngayo'y naka upo na pala sa di kalayuan. Lumapit ako dito upang ayain na itong umuwi, tumango lang ito at saka naunang naglakad.

Nahirapan pa akong humabol dito, nang makahabol ay tinapunan ko ito ng tingin. Diretso lang ang kanyang tingin sa daan. Naguguluhan man sa kanyang kinikilos ay mas pinili ko na lang na manahimik.

Tahimik kaming nakatayo at nag aabang ng kalesa, ngunit nagdaan na ang ilang minuto ay wala pa ring nadaan. Nangangalay na ang aking paa sa kakatayo, nais ko na lamang magpahinga.

"Mukhang wala ng dadaang kalesa, mag lakad na lamang tayo. Ayos lamang ba sa'iyo yun Amara?.

Mababakas sa aking mukha ang matinding pagkabigla dahil sa narinig mula sa kanya, wala akong natatandaan na binanggit ko sa kanya ang buo kong pangalan. Nag iwas sya agad ng tingin sa akin.

"Tinanong ko sa iyong ama ang buo mong pangalan, ayaw mo bang tinatawag kitang Amara? Paumanhin. " pagpapaliwanag n'ya sa akin.

"a-ayos lang naman."

Ngayon ko na lamang narinig muli na tinatawag akong 'Amara', lahat ng aking mga kaibigan sa bansang pinag mulan ay 'Inez' ang kanilang tinatawag sa akin.  Magkahalong lungkot at tuwa ang aking nararamdaman, si inay lang ang tumatawag sa aking Amara noon.

Wala ni isang nagsasalita sa amin, maririnig lang ang mga yapak ng aming mga paa.

"Malayo pa ba?" pambasag ko sa katahimikan. Hindi ako sanay na tahimik sya, kahit saglit pa lamang kami nagkakasama ay mabilis akong nasanay sa masayahing karakter nya.

" malapit lang naman, pagod kana ba?." nag-aalala n'yang tanong sa akin.

Mabilis akong umiling, muli kaming nagpatuloy sa paglalakad, napabuntong hininga ako ng malakas,dahilan nang pagbaling n'ya sa akin.

"hindi ako sanay na tahimik ka, may problema ka ba?." matapang kong tanong dito.

"wala, may naging problema lang kami sa samahang kinabibilangan ko."

Hindi na ako nagsalita, tahimik na lamang akong tumango bilang pag sang-ayon sa kanyang naging paliwanag. Akala magtutuloy tuloy na ang aming katahimikan ng tuluyang mabasag ito sa isang pangyayari.

Nakakahiyang pangyayari, nakapag palabas ba naman ako ng maingay...

At

Mabahong hangin...

Napaiwas ako sakanya ng tingin, ramdam kong sobrang pula na nang aking mukha sa kahihiyan.  Narinig ko syang malakas na tumawa, talagang natigil kami sa paglalakad dahil sa di nya mapigilan na pag-tawa.

Kung pwede lang akong magpakain sa lupa ay ginawa ko na sa pagkakataong ito, pulang pula na ang kanyang mukha dahil sa matinding pagtawa.  Sa inis ay pinulot ko ang bato at mabilis itong inihagis sa kanya.


"ARAY!." hinawakan n'ya ang tuhod nyamg tinamaan. Umakto syang sobrang nasaktan. Akmang pupulot pa ako ng isa pang bato.


"Op, nakakarami ka na. Hindi na ako tatawa. "


Ngunit nakikita kong nagpipigil lang sya ng tawa. Muli syang tumawa ng hindi na nito kaya. Mabilis akonh tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad, diterminadong iwan sya.

Mabilis ang bawat hakbang ko, narinig ko syang tinatawag ang aking pangalan, ngunit wala na akong balak na lingunin pa sya, diretso lang ang aking tingin sa daan. hindi ko nakitang may malaking bato na nakaharang sa aking paanan. Huli na nang mamalayan ko ito.


Napasubsob ako sa daan, tumama ang aking tuhod sa matulis na bahagi ng bato. Hinawi ko ang aking saya upang makita kung may sugat ba, kahit nasisiguro ko na dahil sa hapding nararamdaman. Napapikit ako dahil sa sakit, mabilis na dumalo sa akin si Simoune.


"ayan kasi, hindi nakikinig." galit n'ya akong tinignan. "kaya mo pa bang maglakad?" dagdag nya.


Tinulungan niya akong tumayo, ngunit dahil sa sakit na naramdaman ay agad din akong napaupo. Nagpakawala sya ng mabigat na hangin, at saka sya nagpalinga linga sa paligid, nang makitang walang tao ay mabilis syang tumalikod at umupo sa aking harapan.

"Sakay."


Aalma na sana ako ng muli nya itong ulitin. Wala na akong nagawa, atsaka hindi ko rin naman kayang ihakbang ang nasugatang binti. Tatagal lamang ang aming paglalakbay pabalik.


Nahihiya akong sumampa sa kanyang likuran, muntik pa akong makabitaw nang bigla s'yang tumayo.


"Kumapit ka ng mabuti." puna nya, hinintay nya muna akong makakapit sakanyang leeg ng mabuti bago sya nagpatuloy sa pag lalakad.


Hindi ko mawari kung bakit sobrang bilis ng tibok ng aking puso, nararamdaman ko ding sobrang namumula na ang aking mukha. Bakit ka'y dali akong pamulahan pagdating sakanya?.

Tila naging sobrang bagal ng takbo ng oras, pakiramdam ko'y napakalayo ng pabalik ng Casas. Napitlag ako ng iniayos nya ang pagkakakapit nya sa akin, dahilan ng bahagyang pag angat ng aking katawan. Hinampas ko sya dahil sa kanyang ginawa na tinawanan lang din naman nya. 

"magkaibigan na ba tayo nito?" pagbasag nya muli sa katahimikan.

"Siguro." pagkibit balikat ko.


"Siguro?, pagkatapos kitang buhatin. Ang bigat mo kaya." mahihimigan ang biro sa kanyang tono. Ngunit nainis pa rin ako sa narinig. Dahil sa asar ay kinurot ko sya sa balikat.


"Namumuro ka na sa pananakit sa akin." madamdamin nyang sabi..


Hindi ko na lamang sya sinagot, namayani muli ang katahimikan sa pagitan namin.kaya labis nagharumintado ang aking puso ng dugtungan nya ito. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami, masyado akong naging okupado ng kanyang naging mga salita. Wala sa sarili kong binuksan ang pintuan ng aming silid.

Nandatnan ko si papa na mahimbing nang natutulog, pumasok ako sa palikuran upang linisin ang aking sugat. Nang matapos ay humiga na ako sa aking kama. Ngunit nakailang palit na ako ng posisyon ay hindi pa rin ako makatulog.

Paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang mga katagang kanyang binitiwan kani-kanina lang.


"ngunit, pagdating sayo. Handa akong sumuway."

Consummatum Est [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon