Pilit akong ngumiti nang sambitin ko ang mga salitang iyon. Ayaw kong mahalata niya ang hirap na sinapit ko sa mga kamay ng dayuhang guwardia. Pilit nilang tinatanong sa akin kung may nalalaman ako sa hakbang na gagawin ng mga rebelde.
Kahit alam ko man, hindi ko ipagkakalulong ang mga naging kaibigan ko na sa grupong iyon. Kahit papaano ay naging malapit sila sa aking puso.
"Nagagawa mo pang ngumiti sa akin ng ganyan." natigilan ako sa kaniyang sinabi. Napawi ang ngiting ibinigay ko sakaniya. "Tignan mo ang iyong itsura." dagdag pa nito.
Nagtamo ako ng mga sugat at pasa dahil sa mga pag iinteroga ng mga guwardia sa akin. Nakakatanggap ako ng hampas ng latigo sa tuwing hindi nila nagugustuhan ang aking sagot. May isang pagkakataon na sinampal ako ng punong guwardia dahilan ng pagkakaroon ko ng sugat sa labi.
"Nais ko lamang.. bigyan ka ng mainit na pagtanggap. dahil kaarawan mo ngayon." sunod sunod siyang umiling, inilusot niya ang kaniyang kamay sa pagitan ng rehas at masuyong hinamplos ang aking kanang pisngi.
"Hindi na sumagi sa aking isip kung anong mayroon sa araw na ito." malungkot niyang sambit.
Sasagot na sana ako nang biglang nagpakita ang isang binatilyo.
"Simoune, kailangan na nating umalis ngayon din. Paparating ang heneral." dali dali niyang hinila patayo si Simoune at kinaladkad sa madilim na parte nang seldang ito. Saktong pagsara ng lagusan ay siyang pagbukas ng bakal na pinto.
Iniluwa niyon ang isang may edad na lalaki, mataba ang kaniyang pangangatawan. Mariin niyang sinusuyod ang buong kapaligiran. Napadako ang kaniyang mata sa lampara sa di kalayuan. Sumingkit ang kaniyang mga mata, at pinukulan ako ng masamang titig.
"At may balak pa silang itakas ka dito?, pwes. Hindi ko na sila bibigyan pa ng pagkakataon. " islang nitong sambit, aalis na sana ito nang matigilan. Yumukod ito at may kung anong pinulot. Kumuyom ang kaniyang kamao at mabilis ang kaniyang mga lakad palabas.
Hindi na ako nakatulog dahil sa nangyari, labis akong nag aalala sa maaaring mangyari kina Simoune. Paulit ulit akong nagdadasal na sana hindi sila nadakip. Nagulat ako sa sunod sunod na pagmartsa papasok ng mga kastilang guwardia, nasa higit sampo ang mga ito. Binuksan ng isa ang rehas at marahas akong pinatayo. Agad ko namang naramdaman ang sakit sa aking kanang binti. Nagkaroon din ako nang pilay dahilan ng paika ika kong lakad.
Halos kaladkarin na nila ako palabas. Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin. Ngunit hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon na namnamin ang init na binibigay ng haring araw, marahas nila akong hinihila. Hindi ko alam kung saan ang paroroonan nito.
Nasagot lamang ito ng ipinasok ako sa isang gusali. Punong puno ito nang mga mayayaman na may mga dugong kastila. Puno nang pagtataka ang kanilang mga mukha kung bakit ang isang katulad ko ay pinalilibutan ng sampung guwardia. Nadapa ako nang itulak ako ng isa papasok sa isang silid.
"A-anong gagawin niyo sa akin." sa wakas nagkaroon ako ng lakas upang itanong ito. Walang sumagot sa akin bagkus ay marahas na bumukas ang pinto ng silid, iniluwa nito ang isang lalaki nakasuot ito ng pormal. Umupo ito sa isang silya, iminuwestra nito ang upuan katapat nito. Nang makaupo na ako ay nagsalita na ito.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." maawtoridad nitong sambit.
"Nangangako ka bang pawang katotohanan lamang ang iyong sasabihin" tanong sa akin.
"Pinapangako ko." pagtapos kong sabihin iyon ay umupo na ako sa silya. Matuwid akong umupo at diretso lang ang aking paningin. Nakapag bihis na din ako nang malinis na damit upang hindi ako pagtinginan ng lahat. Hindi ko na sinuyod ang buong paligid.
"Totoo bang, nagpunta kayo dito sa filipinas upang magpagamot sa mata kay doktor Rizal?" panimulang tanong nito.
"Opo."
"Kung gayon, totoo bang. Nagpadala sya sainyo ng espiya upang alam niya ang inyong ginagawa?" nagulat ako dahil hindi naman ito ang napag usapan namin. Matagal ako bago nakasagot.
"O-opo"
"Maaari mo bang, sambitin ang ngalan nito?" hindi ako makapaniwala, nalinlang ako!.
Sunod sunod akong umiling dito, nag unahan nang tumulo ang aking mga luha. Hindi, hindi ko kayang ipagkalulong ang taong mahal ko.
"Sumumpa ka, binibini. Maaari mo bang sabihin ang ngalan nito?" mariin at halos nais na ako nitong sakalin sa galit.
Nagbubulungan na ang mga tao sa loob ng silid na ito, saka lamang ako nabigyan ng pagkakataon suyudin ang paligid. Nagtama ang aming mga mata, nginitian niya ako.
"ayos lang yan, sabihin mo na." basa ko sakaniyang bibig mula sa malayo.
"S-Simoune Dela Paz." kita ang mga gulat sakanilang mga mata.
"Sinasabi mo ba na ang anak ng gobernador ay kasapi ng rebelyon?" hindi ako maka imik dahil sa gulat. Buong akala ko ay nang galing lamang siya sa isang mahirap na pamilya.
"Yun lamang po ang aking tanong" pagtatapos nito ang yumukod sa publiko. Kung hindi pa ako sinundo nang mga guwardia ay hindi pa ako makaka alis doon.
Nang nasa labas na ako ay agad akong sinalubong nang lalaking kumausap sa akin kanina.
"Katulad ng napag usapan, Heto ang tiket nyo pabalik ng hongkong." ibinigay niya ang dalawang tiketa sa akin. "Ihahatid ka ng aking guwardia personal sa Casa."
Pagkatigil pa lang ng kalesa ay dali dali na akong bumaba at kahit nahihirapan ay tumakbo ako upang makita ang aking papa'. Nadatnan ko siyang nakahilig at tulala sa isang kama.
"PAPA" sigaw ko. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako. Nang nakalapit na ako dito ay hindi ko na napigilan ang kanina ko pang kinukubli.
"Papa, ang sama sama ko na." sumbong ko dito. Hinihimas niya ang aking ulo, tila ba sinasabi nitong magiging maayos lang ang lahat.
Labis ang iyak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama kay Simoune, ang malala pa nito ay sa bibig ko mismo nanggaling ang mga impormasyong iyon..
Malaya nga ako, ngunit hindi naman malaya ang aking konsensya. Nang sumapit ang hapon ay nakatulog na si papa, binabantayan ko na lamang ito. Nang makarinig ako ng kumpulan ng mga kababaihan sa di kalayuan.
Naglakas loob akong lumapit dito, isang anunsyo ang pinagkakaguluhan nila. At nang mabasa ko ito ay labis itong nagpagimbal sa aking buong pagkatao.
'Jose Protacio Rizal, Simoune Dela Paz, Monde Quintero,Marcelo Dela Cruz, Salcedo Dela Cruz, Alberto Antique. Pinapatawan ng kamatayan bukas na bukas sa ika-pito ng umaga, Disyembre 31. sa plaza ng Bagumbayan.'
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Historische RomaneInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...