Wakas"Xiansheng, nin keneng xiang goumai" (señor, baka gusto niyo bumili) tugon ng isang intsik na nagtitinda.
Natigil ang pagmamasid ko sa kapaligiran dahil sa biglaang paglapit nito. Umiling ako bilang senyas, Agad naman itong umalis.
"Simoune, paano tayo mabubuhay dito?. Halos hindi natin maintindihan ang kanilang sinasabi." aniya Marcelo.
"kaya natin to." pag-aalo ko sakanila.
Akay-akay namin si Salcedo habang naghahanap ng matutuluyan sa gabing ito. Natagalan kami sa paghahanap dahil hindi namin maintindihan ang mga nakapaskil sa mga establisyimento. Nakahanap lang kami ng may makita kaming halos mga pilipino ang nakatira. Kung kaya't naging maayos ang pakikipag usap namin sa may-ari.
Kinaumagahan ay katulad ng bilin ni Ama ay nagpadala agad ako ng telegrama, upang ipa-alam sakaniyang ayos lang ang aking kalagayan dito.
Pagkatapos ko ipadala ang telegrama ay agad na akong bumalik sa aming inukupang silid. Maliit lamang ito, may isang kama. Nadatnan kong tulog pa sina Marcelo at Salcedo sa sahig, naglatag lamang sila ng banig upang maging sapin. Kailangan din naming maghanap ng trabaho dito upang kahit papaano ay may pang gastos kami.Pagkatapos mag agahan ay sinubukan namin maghanap ng mapapasukang trabaho. Sakto naman na may nakita kaming isang klinika na nangangailangan ng mga mang-gagawa kung kaya't agad kaming nakapasok. Sa araw araw ay abala kami sa pagtatrabaho, unti unti na rin namin nakukuha kung paano mamuhay sa lugar na ito.
Bawat araw ay may bago kaming natutunan na lengwahe nila. Kung kaya't madali na kaming nakikipag usap sa mga bumibisita sa klinika.
Inabot ng isang buwan bago nakasagot sa akin si Ama, kung kaya't dali dali ko itong binuksan. Natigilan ako ng makilala ko ang sulat kamay, mula ito kay Secilia, ang aking panganay na kapatid.
Simoune,
Malungkot kong ipapa-alam saiyo na, napatawan ng parusa si Ama dahil nalaman ng hukuman na tinulungan ka ni Ama makatakas. Ngunit huwag kang mag alala. Ginawa lahat ni Ama ang kaniyang makakaya upang sagayon ay hindi nila malaman kung nasaan ka. Mas makabubuti na rin siguro na huwag ka ng mag padala ng liham dito. Ito na rin ang huling liham ko saiyo. Dahil ipapatapon na ang buong pamilya sa malayong lugar. Iyon ang napiling kaparusahan kay Ama. Mas mabuti na rin iyon hindi ba? Binawi din ng gobyerno ang mga ari-arian natin kung kaya't mamumuhay kami doon ng payak.
Matapos mamatay ni Señor Rizal ay nagpasya ang kaharian ng españa na bumisita dito sa atin. Iyon ang araw na pinatawag ang lahat ng opisyal na nagkasala sa batas, at kasama na nga doon si Ama. Alam mo bang matalik pa lang magkakaibigan sina Señor Rizal, Señor Emilio at si Ama?. Nakita ko ang kanilang letrato sa mga gamit ni Ama noong nag iimpake ako.
Pinapasabi nga pala ni Ina na, baka dyan mo na matutupad ang pangarap mong maging isang doktor. Wala man kami saiyong tabi, ngunit lagi mo tatandaan na hindi ka mawawala sa aming puso't isipan. Alagaan mo ang iyong sarili mahal kong kapatid.
Lubos na nagmamahal,
Secilia.
Matapos kong mabasa ang liham na iyon ay natulala ako. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari, ngunit nakahinga ako ng maluwag ng malaman na ipapatapon lamang sila sa isang lugar. Mabuti na iyon kesa sa kamatayan.
Ipapangako ko ina'y na pagbubutihin ko dito. Ang nakukuha kong pera sa klinika ay iniipon ko upang may pang martikula sa darating na pasukan. Nasabi kasi sa amin na magbubukas daw ang eskwela sa susunod na buwan kung kaya't pinag iipunan ko na ito.
"Gongxi nin shi women xuexiao de quanri zhi xuesheng." (Binabati kita, isa ka ng ganap na estudyante sa aming paaralan.) bati sa akin ng punong guro.
"Fēicháng gǎnxiè nín de jiēshōu." (Maraming salamat din po sa pagtanggap) tugon ko dito.
Pinagbuti ko ang pag aaral, dito ko na tinapos ang naiwan kong kurso noon. Halos hindi na ako makatulog kapag mayroon kaming pagsusulit na nagaganap.
"Hijo zuò dé hǎo, nín yòu huòdéle gāo fēn" (Napakahusay mo hijo, ikaw na naman ang nakakuha ng mataas na marka.) bati sa akin ng aming guro, kinabukasan matapos ang pagsusulit. Iniabot niya sa akin ang aking papel.
" Xièxiè" (Salamat po.)
Sa bawat buwan na nagdaan ay hindi naaalis sa aking isipan si Amara. Lagi siyang nasagi sa aking isipan lalo na sa mga araw na nahihirapan ako dahil sa pag aaral. Siya ang aking inspirasyon upang mapagbuti ko ang aking ginagawa.
Isang araw papunta sa eskwela ay natigilan ako, nag aaway ang mga bata sa lansangan. Agad ko itong nilapitan.
"Nǐ wèishéme yào dǎjià." (bakit kayo nag aaway?) tanong ko dito.
"Tā tōule nǐ de miànbāo shì yīnwèi tā bǎ miànbāo gěile wǒmen.” (Inagaw niya po kasi iyong tinapay na binigay sa amin.) aniya ng isang batang pulubi.
"Bùyào zài zhàndòule, huòzhě zài zhèlǐ. Nǐ zhǐyǒu wǒ de xínglǐ." (Huwag na kayo mag away, o heto. Sainyo na lang ang aking baon.) inabot ko ang supot dito.
"Fēicháng gǎnxiè nǐ" (Maraming Salamat po.) pinagmasdan ko kung paano nila ito pagpartihin.
Masasabi kong payapa na ang aming pamumuhay sa lugar na ito. Hindi na rin ako umaasa na magkikita pa kaming muli. Kahit nasa iisang bansa kami, sa laki nito ay hindi na ako umaasa. Ngunit hindi ko sinasara ang posibilidad.
Sa araw na din iyon ay natanggap ko ang balitang maaari na akong makapag opera sa klinikang aking pinapasukan. Lubos ang aking pasasalamat sa may-ari nito. Kung kaya't pag uwi sa aming tinutuluyan ay nag saya kami nila Marcelo at Salcedo.
Itinurin ko na ding kapatid ang dalawang ito, at lubos akong nagpapasalamat sa panginoon dahil binigyan niya ako ng mga ganitong kaibigan.
Kinabukasan pagkatapos ng klase sa paaralan ay muli akong dumaan doon upang magbigay ng mga tinapay sa mga batang lansangan. Binili ko ang tinapay sa nadaanan ko nang paniderya.
Agad na nagsipilahan ang mga bata, at tuwang tuwang tinanggap ang kanilang mga tinapay. Naalala ko sakanila sina josephine, katrina. Yung mga bata malalapit sa akin sa filipinas. Pagdating ng panahon ay makakabalik din ako.
'intayin nyo lang ako Ina'y mga kapatid.'
Aalis na sana ako nang matigilan ako nang mag angat ako ng paningin. Tila ba tumigil ang pag ikot ng aking mundo. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
Maamo pa din ang kaniyang mga mata, unti unti siyang nalapit sa akin. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong yakapin.
"Hindi ako makapaniwala, paanong.. " lalong humigpit ang kaniyang kapit sa akin. "Mahal na mahal kita, Simoune." bulong nito.
"Mahal na mahal din kita, Amara." bulong ko pabalik dito.
Ako si Simoune Dela Paz, isang insulares na mas piniling mamuhay ng payapa kasama ang mga taong tinuring ko ng pamilya. Sino nga bang makakapag sabi na, matatagpuan ko ang aking mamahalin sa isang lugar na labis ko na ding minahal.
"Inez Amara Ymel, ikaw ang nagsilbing sandalan ko noon, hayaan mong ako naman ang gumawa noon. Ipinapangako kong labis kitang mamahalin at aalagaan. Dahil ikaw ang lakas ko sa mga labang aking hinaharap." pinunasan ko ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Labis ang kaniyang iyak ng isuot ko na sakaniya ang singsing na magiging simbolo ng aming pagmamahalan.
"Mahal na mahal kita, Señorita Inez Amara Y. Dela Paz. Ikaw ang aking tahanan, kahit ano mang mangyari sayo at sayo pa rin ako uuwi. Ikaw pa rin ang aking babalikan." bulong ko dito.
-End-
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Historical FictionInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...