Tinanghali ako ng gising kinabukasan, nadatnan ko si papa na umiinom ng kape. Nag gawa ng ingay ang pag bangon ko kung kaya't bumaling sya sa akin. Tumayo ako at wala sa loob kong sinilip ang labas, ngunit tila na bigo ako nang makita ang nakasalansan na mga pinutol na kahoy sa isang tabi." Dumadami na ang bilang ng mga rebelde ngayon. " biglang pahayag ni papa, natigilan ako dahil sa narinig.
Naguguluhan man ay naglakas na ako ng loob na tanungin ito " Saan nyo naman po narinig iyan?".
Sumimsim muna sya sa tasa ng kanyang kape bago sumagot.
" narinig ko lang sa ilang mga taga sunod ni Ginoo'ng Rizal, sumisiklab na daw ang mga rebelde sa iba't ibang panig ng rehiyon. Mabuti pa'y pagkatapos ng aking operasyon ay agad na tayong bumalik ng hongkong."
Sumang ayon ako sa kanyang sinabi, pagkatapos ng agahan ay lumabas ako upang magpahangin, kapansin pansin ang pananahimik ng kapaligiran. Kapwa puro's kababaihan lang ang aking nakakasalubong abala sila sa kani-kanilang ginagawa.
Tumigil ako nang makarating ako sa dalampasigan, may kalakasan ang simoy ng hangin. Kita din ang pagkulimlim ng kalangitan, umupo ako sa buhangin at tahimik na pinagmamasdan ang marahas na pag alon ng karagatan.
"Uulan pa ata." sabi ko sa aking sarili. Kapansin pansin din ang mga bangka ng ilang mangingisda na nakahilera sa dalampasigan.
Bahagya akong nagulat sa biglaang pagdating ng isang bangka, lulan nito ang ilang mga kalalakihan , may mga bitbit silang kagamitan at sa tingin ko'y mga nahuling isda. Bahagya kong namukhaan ang isang binatilyo, nakikipagtawanan s'ya sa ilang kasamahan.
'kaya pala' pagkausap ko sa aking sarili.
Hindi ko din alam kung bakit s'ya agad ang hinanap ko pagkagising. Marahil ay dahil sa pagkapuyat ko sa kanyang sinabi. Naguguluhan pa din ako sa kanyang mga ikinikilos, hindi ko naman gustong maging asyumera.
Nang makita n'ya ako ay agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Inismiran ko sya at ibinaling sa dagat ang aking paningin
"Magandang umaga Amara" masaya n'yang bati sa akin.
"Magandang umaga" walang gana kong balik.
Umupo din s'ya at pinagmasdan ang karagatan. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
"Kahit gaano kaganda ang dagat, nakakatakot din ito." pagbasag n'ya sa katahimikan.
"Hindi mo ramdam kung kailan sya, aatake. Magugulat ka na lang nilalamon ka na ng kanyang mga mararahas na alon. " tumingin s'ya sa akin at diretso ang tingin sa aking mga mata. "parang sistema ng mga dayuhan sa ating bansa."
Mahihimigan sa kanyang tinig ang labis na kalungkutan. Ngunit agad napalitan ito na kasiyahan.
"Kamusta ang iyong tulog?"
"M-maayos naman" nauutal kong balik. Muntik ko pang masabi na labis akong pinanatiling gising ng kanyang mga sinabi sa akin.
"SIMOUNE" sigaw ng isa sa kanyang nga kasamahan.
Sabay kaming napabaling dito, nag senyas itong muli na silang aalis. Agad na kumunot ang aking noo.
"Aalis kayong muli?." matapang kong tanong.
Tumango s'ya sa akin at nagsisimula ng pagpagan ang kanyang pantalon. Muli akong napabaling sa marahas na alon ng dagat.
"Malakas ang hangin, baka... Mapahamak kayo sa laot." nag aalala kong sabi.
Ngumiti s'ya sa akin. " wag kang mag alala babalik ako. " saka na s'ya tumakbo upang maka alis na sila.
Pinagmasdan ko ang kanilang pag alis. Kumaway pa si Simoune sa akin bago onti onting lumiit sila sa aking paningin. Lumipas ang ilang oras bago ako nagpasyang bumalik sa aming silid.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko si doktor Rizal na tinitignan ang mata ni papa. Magalang akong bumati dito.
"Kamusta naman ang pananatili nyo dito?" akala ko si papa ang kanyang kinakausap kung kaya't hindi ko na lamang sya pinansin.
Abala ako sa pag iisip, labis akong nag aalala kay Simoune may masama akong kutob. Pilit kong sinasawalang bahala ang tumatakbo sa aking isipan.
"Señorita Inez"
Bahagya akong nagitla, napabaling ako kay Señor at nahihiyang ngumiti.
"Mukhang madami kang iniisip Señorita." puna nya sa akin.
"Hindi naman po doktor."
"Bweno, mauuna na ako. Marami pa akong bibisitahing mga pasyente. Magandang umaga muli Don Alfredo, Señorita."
-
Pagdating ng hapon ay muli akong magpasya na magpinta. Pinili kong muling pumuwesto sa dalampasigan. Makulimlim pa din. Nadatnan ko ang mga batang nag lalaro dito, napangiti ako sa nakita. Nagtatawaan sila at nag hahabulan. Iniayos ko na ang aking mga gamit. Napagpasyahan kong ipinta ang mga batang naglalaro.
Ngunit hindi ko maalis sa aking sarili ang bahagyang pagtingin sa laot.
"Bakit mo ba s'ya iniintay Inez" pagkausap ko sa aking sarili.
Inis kong ibinaling na lang muli ang atensyon sa pinipinta. Hindi ko namalayan na dumidilim na dahil sa aking ginagawa, kung hindi pa ako kinagat ng lamok ay hindi ko pa mapapansin na papalubog na ang araw.
Agad na nagpatakan ang munting patak ng ulan, dali dali kong sinikop ang aking mga kagamitan at lakad takbo akong naglakad pabalik sa aming silid.
Palakas na ng palakas ang mga patak ng ulan. Saktong pagsara ko ng pintuan ay s'yang paglakas ng ulan. Inilapag ko ang mga gamit ko sa lamesa. Kinuha ko ang gasera at sinindihan ito.
Sinarado ko din ang mga bintana upang hindi pumasok ang tubig ulan sa loob. Inilapag ko ang isang gasera sa lamesita sa pagitan ng dalawang kama upang lumiwanag. Mahimbing na natutulog si papa.
Nagluto ako ng aking hapunan. Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa palikuran upang makapag palit na ng kasuotan. Pagkatapos ay tahimik na akong humiga sa aking kama.Mararahas na pagkatok ang nagpagising sa akin. Bahagya pa akong naguluhan kung sinong paunahin ang mambubulabog sa ganitong oras. Muli akong nagitla ng maulit ang pagkatok. Dali dali kong kinuha ang gasera na nasa lamesita at tumayo.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa aking harapan ang basang basa na si Simoune, maputla ang kanyang mga labi. Makikita din ang labis na kapaguran sa kanyang mukha.
"A-anong nangyari?" nag aalala kong tanong , nilakihan ko ang awang ng pinto upang makapasok sya sa loob.
Hindi nya ako sinagot, dire-diretso lang syang pumasok sa loob. Nanghihina syang umupo. Duon ko lang napansin ang kanyang sugat sa bandang tagiliran.
Nanlalaki ang aking mga mata sa nakita, agad akong kumuha ng mainit na tubig at isang malinis na pamunas . Nakapikit sya habang nililinisan ko ang kanyang sugat.
"Anong nangyari?" muli kong tanong.
Bahagya s'yang dumilat at sinabing..
" Sabi ko naman sayo diba, babalikan kita."

BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Ficción históricaInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...