Makalipas ang isang taon
"Hanggang sa muli,Maestra." sabay sabay na tugon ng aking mga estudyante. Masaya lamang akong ngumiti sakanila.
Inayos ko ang aking mga gamit, ako na lang ang naiwan sa silid. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan nito. Tumambad sa akin ang samo't sariling mga gawa ng aking mga estudyante. Tumayo ako upang isa isa itong tignan.
Napatigil ako nang makita ko ang isang gawa, isa itong imahe ng babae na nakaharap sa dalampasigan. Mabilis kong inilihis ang aking paningin dito, sa nagdaang taon ay tila wala akong progreso sa paglimot.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang lahat. Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga, at nag pasyang umuwi na. Sa pag-aantay ng kalesang masasakyan ay nakaugalian ko ng mag abot ng pagkain sa mga pulubing nakikita.
Hawak hawak ko sa kabilang kamay ang isang supot ng tinapay. Nagtaka ako, tila yatang sagana sila ngayon. Wala akong pulubing nakikita sa lansangan. Malungkot kong tinignan ang dalang supot. Sumakay na ako ng may tumigil na kalesa sa aking harapan. Saktong pagbaba ko ay narinig ko agad ang hiyawan sa buong kabahayan.
"Maligayang Kaarawan! ". Napapitlag ako ng saktong pagbukas ko ng pinto ay siyang pagsigaw nila.
"Magkakasakit ako sa puso sainyo." natatawa kong tugon dito. Lumabas si papa ng hawak ang isang hugis bilog na tinapay, may kandilang nakatusok dito.
"Maligayang kaarawan, Inez." maligayang bati ni papa.
"Salamat, sainyo." tugon ko sabay ihip sa kandila. Naghiwayan ang mga kasambahay ng tuluyan ko ng mahipan ang kandila, kaniya kaniya na silang dampot ng platito upang kumuha ng pagkain na kanilang inihanda.
Simula ng bumalik kami, itinuring na namin na kapamilya ang aming mga kasambahay. Masyadong malaki ang tahanang ito kung kami lamang ni papa ang titira dito.
Umakyat na ako sa aking silid, agad na tumambad sa akin ang mga naiwan kong gawain dito. Inilapag ko ang aking mga gamit, pagkatapos magbihis ng pambahay ay muli kong hinarap ang aking pinipinta. Mag iisang buwan ko na itong ginagawa, malapit na siyang matapos sa wakas. Abala ako sa ginagawa ng may kumatok sa aking silid.
"pasok !" malakas kong tugon dito. Iniluwa nun si papa, nakangiti siyang lumapit sa akin. Agad na lumungkot ang kaniyang mukha ng masilayan ang aking pinipinta. Umupo siya sa aking kama.
"hindi mo pa rin ba siya makalimutan?" mahinahon nitong tanong. Umiling ako bilang sagot dito.
"Matagal ko ng tanggap, papa. Ngunit.. Wala e, hindi ko talaga siya magawang kalimutan." mahihimigan ang kalungkutan sa aking tinig.
"Ayos lang yan, anak. Kahit ako, hindi ko magawang kalimutan ang mama mo. Ngunit nakikita mo naman pinipili kong maging masaya para sayo."
"Masaya ako, papa." medyo natatawa kong sambit. Itinigil ko ang ginawa dahil hindi ako makapagpokus sa aking ginagawa.
"Ngunit hindi totoong masaya." kontra nito.
Napaismid ako. "Dadating ang panahon, na magagawa ko na ding tumawa ng totoo. Kung loloobin ng panginoon na muli akong sumaya. Edi." bitin ko at nagkibit balikat.
"O siya. Kailanman ay hindi ako nanalo sa pakikipag argumento saiyo." tumayo ito at hinagkan ako sa tutok ng aking ulo.
Nang mapag-isa sa silid ay agad na lumukob ang matinding kalungkutan sa akin. Iniangat ko ang aking paningin, mapait akong napangiti ng makita ang kaniyang una at huling liham sa akin. Noong dumating kami dito ay agad kong pinalagay ang liham sa isang kwadernong lalagyanan at sinabit sa aking kwarto.
Tuwing nangungulila ako ay pinagmamasdan ko ito. Nakakagaan ng pakiramdam na makita ang kaniyang sulat kamay.
Kinabukasan ay maaga akong nagprepara upang pumasok sa aking trabaho. Isa na akong ganap na Maestra sa pagpipinta, matagal ko na itong gusto ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang larangan na ito.
Dumaan muna ako sa panaderya upang bumili ng tinapay. Nakagawian ko na ito tuwing umaga, dahil nga nagkalat ang mga pulubi sa labas ng aming paaralan ay dito ako bumibili ng tinapay na ipinapamigay sakanila.
"Magandang umaga, Inez. Dati ba?." bati sa akin ng tindera na si Mang berting.
"Oho." magalang at masaya kong tugon dito.
"Mukhang may naimpluwensiyahan ka sa kabaitan hija" sambit nito habang isa isang nilalagay sa supot ang aking pinamili.
"ho?" naguguluhan kong tuugon.
"Kanina ay, may isang binatilyong bumili din dito ng napakaraming mga tinapay. Aniya ay ipapamigay daw sa mga pulubi." kwento nito.
"Kung ganoon ho, masaya akong malaman iyan na may mga kababayan pa tayong marunong magbigay sa kapwa." iniabot ko ang supot ng pinamili. "Sige ho, mauna na ako Mang Berting." kumaway ako dito at masaya ng sumakay sa kalesa.
Pagkababa ko sa kalesa ay masayang nagkumpulan ang mga batang pulubi sa akin. Natawa ako sakanilang mga reaksyon. Pinapila ko sila upang maging maayos ang distribusyon.
"Ate, bagay kayo ni kuyang namigay din kahapon ng mga tinapay." sabay sabay na tumango ang mga ito.
"Kaya ba, wala kayo kahapon?" balik tanong ko. Muli silang sabay sabay na tumango sa akin. Nang matapos ay agad na akong pumasok sa paaralan.
"Magandang Umaga, Maestra." bati saakin ng aking mga estudyante.
"Magandang umaga din sainyo. Kamusta ang inyong mga ginagawa?" maligaya kong tugon sakanila. Nilapag ko ang aking mga gamit at tahimik na nag masid sakanilang mga ginagawa. Kapag may tanong ay agad akong nalapit at sinasagot ang kanilang mga katanungan.
"Maestra, umibig ka na po ba." tanong sa akin ni Annie. "Nais ko sana po kasing magpinta ng magkasintahan na punong puno ng pagmamahal sa isa't isa. Hindi ko pa po kasi nararanasan ang umibig kung kaya't hindi ko pa alam kung anong pakiramdam nito."
"Masarap at masakit ito sa pakiramdam. Masarap dahil.. Mararamdaman mong espisyal ka, na handa siyang ibigay ang lahat para sayo, at ganun ka din sakaniya. Masarap kasi.. Tuwing nandyan siya, kumakabog ng malakas ang iyong puso. Nais mong lagi siyang nandyan sa tabi mo. Masakit kasi, sa oras na ipaglayo kayo ng tadhana. Hindi mo na alam kung paano muling bumangon."
Nang magtapos na ang klase ay katulad kahapon, tinignan ko muna kung ayos lang ba ang kanilang mga gawa bago ako tuluyang lumabas ng silid. Nag aabang ako ng kalesa ng matanaw ko sa di kalayuan ang kumpol ng mga batang pulubi. Hindi ko alam kung bakit, unti unti akong lumapit dito. Mayroon sa akin na nais makilala ang binatilyong iyon upang makapagpasalamat. Pilit kong inaaninag ang kaniyang mukha, ngunit hindi ko ito makita dahil sa nakayuko ito.
Susuko na sana ako ng bigla itong nag angat ng tingin. Tila na estatwa ako sa aking kinatatayuan, unti unti nang nagsituluan ang aking mga luha. Nang makabawi ako ay mabilis ang lakad ko. Nakangiti siya sa akin, nang tuluyan na akong makalapit ay mabilis ko siyang niyakap.
"Hindi ako makapaniwala, paanong.. " hindi na ako makahanap pa ng mga salita upang iduktong. Tuloy tuloy ang luha ko.
"Mahal na mahal kita, Simoune." bulong ko dito.
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Historical FictionInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...