Nanatili pa rin sa akin ang mainit na mga kamay at ang kaniyang magandang ngiti sa aking isip. Hindi ko lubos inaasahan na iyun na pala ang huli naming pagkikita. Magbubukang liwayway na, nag-aagaw na ang dilim at umaga.Patuloy ang pagsagwan ni Simoune wala ni-isang nagsasalita sa amin. Para bang binibigyan namin ng pagkakataon ang bawat isa na magluksa. Muli akong napabuntong hininga, bahagya akong napapitlag sa biglaang pagkabasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Wala bang masakit sa iyo?" umiling ako sa narinig.
Wala akong sugat na natamo, lahat ng balang para sana sa akin ay sinalo lahat ng taong naging malapit na rin sa aking puso.
"huwag mo sanang sisihin ang iyong sarili sa nangyari." dagdag niya.
Tuluyan na akong napalingon dahil sa kaniyang sinabi. Mapait akong ngumiti sakaniya.
"Madali lang para saiyong.. Sabihin iyan. Dahil…" Nagpakawala ako ng hangin. " hindi nama saiyo nangyari." napayuko ako dahil nag-uumpisa na namang magtubig ang aking mga mata.
"Maaari.. Ngunit alam kong bukal sa loob ni Endong ang pagtulong saiyo. Bago ka namin itinakas ay nagsumpaan kami na kung may isa sa aming hindi na makabalik.. Habang buhay mananatali sa aming mga puso.. Ngunit malakas din ang pananalig ko na… makakabalik pa sya, may ilan pa kaming kasamahan na naiwan. Alam ko. Hindi sila babalik ng hindi kasama si Endong."
Duon lamang ako nabuhayan ng loob, tinitigan ko siya at nakitaan ko ang kaniyang mga mata ng sensiridad at walang halong panglilinlang.
"Wag ka nang malungkot." pag aalo pa nito.
Pinahid ko ang mga luhang tumakas sa akin, pinilit ko ding kalmahan ang aking sarili. Isinasaksak ko sa aking isipan na nakaligtas nga si Endong at kasama na siya ng kanilang mga kasamahan.
"Saan pala ang tungo natin?." tanong ko.
" Sa panay, Sa kabundukan ng panay." mahinahong pahayag nito.
Hindi ako pamilyar sa mga lugar dito sa pilipinas dahil hindi naman ako lumaki dito. Isa lamang akong dayuhan. Ang tatay ko ay isang tsino at ang aking tunay na ina ay isang pilipino kung kaya't marunong ako managalog. Natuto lang ako ng wikang pranses ng kupkupin ako nila Don Rafael.
--
Tanghali na ngunit nasa gitna pa rin kami ng karagatan. Tinitipid na namin ang dalang pagkain at tubig. Ang sabi ni Simoune ay malapit na naman. Ngunit nakailang ulit na niya itong sinasabi.
"Si--"
"Malapit na tayo Amara." pagputo niya sa akin. nahihimigan ko rin ang matinding pagkairita sa kaniyang tono.
Agad akong umingil. "Gusto ko lang naman na alukin ka ng maiinom." kasabay nun ang paglahad ng tubig sakaniyang mukha.
Pinunasan niya ang butil ng pawis na tumakas sa kaniyang noo. Namumula na din ang kaniyang balat sa matinding sikat ng araw. Pareho kaming halos walang tulog.
Tinanggap niya ang bote ng tubig na siyang inaabot ko sakaniya. Halos makalahati niya ito bago ibalik sa akin. Agad ko namang tinakpan ito at ibinalik sa lagayan. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nais ko sanang may mapag usapan manlang ngunit. Wala akong maisip na paksa sa aming usapan.
Hapon na nang makita kong papalapit na kami sa pangpang. Nakikita ko na din ang nagtatayugang bundok sa aking harapan. Habang papalapit nang papalapit ay natatanaw ko na tila ba may mga pigurang nakaabang sa di kalayuan. Agad akong kinabahan..
Agad akong lumingon kay Simoune ngunit abala siya sa pagsasangwan.
"S-simoune." tawag ko dito.
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Tiểu thuyết Lịch sửInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...