Isang linggo na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin maalis sa aking isip ang pakiramdam niyon. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang init ng kaniyang mga yakap.
"Inez, naririnig mo ba ako?" aniya ni Lucia.
Doon lang ako natauhan, napakamot ako sa aking batok nang mapagtantong masyado akong nalibang sa mga naiisip.
"Simula nang simulan nila Simoune ang misyon ay parati ka ng tulala. Nag aalala ka ba sakaniya?." binigyan niya ako ng mapang asar na ngiti.
"S-syempre nag aalala ako. Ngunit hindi naman iyon ang dahilan.." hindi ko yata kayang sabihin kung ano ang aking iniisip, Nag iwas ako ng tingin dito. Inabala ko ang aking sarili sa pag hihiwalay ng mga bulok na gulay at sa mga pwede pang isalba.
"hmm, ano ka ba wag ka nang magka-ila sa akin. Tayo lang namang dalawa ang makaka-alam." pamimilit pa nito.
Tumaas ang kanang bahagi ng aking kilay, nilibot ko ang paningin at nakita kong may pasimpleng nag iiwas ng tingin sa akin. Napailing na lang ako, siguradong mga kuryoso ang mga ito.
"Oo nga pala, bukas na ang kaarawan ni Natasha. At narinig ko na sinulatan daw ni tatay Emilio ang hukbo nina Simoune upang makauwi dito at makisaya sa salo salo. Marahil ay mamayang gabi ay narito na sila." natigilan ako sa narinig.
"T-talaga?" sunod sunod na tumango ito.
" Oh, kita mo yang ngiti mo.Nag kakaila ka pa kanina" pang aasar ni Lucia. Hindi ko mapigilan ang ngiti na nasilay sa aking labi kahit anong pilit ko ay nagpapakita pa din ang sayang nararamdaman ko.
Patuloy ang pang aasar ni Lucia sa akin, kung kaya't natagalan kami bago natapos sa ginagawa. Agad akong bumalik sa aming silid upang makapag ayos ng sarili. Nakita kong puno na ng maruruming damit ang bayong na nakalagay malapit sa palikuran. Sinikop ko ito at dinala sa likod bahay.
Nadatnan ko doon si Arlene, kapatid ni Lucia na nagsasampay ng kaniyang nilabhan. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong binigyan ng matamis na ngiti at nagpatuloy ito sa ginagawa.
Nilapag ko ang bayong sa isang tabi, iniisip kong paano nga ba ang tamang pag lalaba ng mga damit. Napapitlag ako ng magsalita si Arlene.
"Kailangan mo ba ng tulong?" aniya nito.
"N-nako hindi na kaya ko na ito." pag alma ko. Tahimik itong ngumiting muli at pumasok na sa kanilang silid.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Kaya mo ito Inez. Sinimulan ko nang ilagay sa batsa ang mga damit. Naaalala ko pa naman ang ginagawa ng mga kasambahay namin noon. Nag hanap ako ng tabla upang masimulan na ang aking munting misyon.
Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa aking noo,malapit na akong matapos. Huling kamiseta na lang ito nang mapagtanto kong nag iba ang kulay nito. Nanlaki ang aking mata, natatandaan ko kulay puti ito kanina, ngayon ay mayroon na itong tatlong kulay. Agad akong tumayo at kahit nag aalangan ako ay kinatok ko ang silid nila Lucia.
"Oh, Inez ikaw pala yan." iniluwa nito ang nakangiting si Lucia. Marahil ay napansin niya ang pag aalangan sa aking mukha.
"Alam ko iyang mukha na yan Inez, nung nakaraan. Nasunog mo ang piniprito mong isda. At nung makalawa muntik mo nang masunog ang buong kampo dahil sa pagprisinta mong magluto para sa lahat. Ano na naman ang iyong ginawa?" pag aakusa nito. Ngumiti ako nang alangan dito.
Malakas na tawa ang ibinungad sa akin ni Lucia pagkakita sa mga damit na aking nilabhan. Inisa isa niya ito. At nang makita ang karumal dumal na sinapit ng isang kamiseta ay tumingin siya sa akin.
"Kaawa awa saiyo si Simoune." umiling iling siya sa akin.
"L-Lucia, baka pwede mo akong tulungan dito."
"Ano pa nga ba. Bakit kasi hindi mo pinag hiwa hiwalay ang mga may decolor sa puti?. Iisa na nga lang itong damit ni Simoune na natira, nag iba pa anh kulay." sermon niya sa akin.
"Masasalba pa ba iyan?" puno ng pag asa ang aking boses. Nagbuntong hininga siya sa akin saka umiling. Bumagsak ang aking balikat kasabay nito ang pag asang gumuho.
"Ang mabuti pa, banlawan na natin ang mga ito." binigyan niya ako ng tapik sa balikat.
Hapon na ng maisampay namin ang mga damit na aking nilabhan. Pabalik na kami sa kani-kaniyang mga silid ng matigilan ako dahil sa kaniyang tinanong.
"May regalo ka na ba kay Natasha?" umiling ako dito, bahagya akong nahiya, hindi ako nakapag handa dahil ngayong araw ko lang din naman nalaman ito.
"Kung gusto mo sumali ka na lang sa amin. Bibigyan namin ng isang awitin si Natasha, mag iinsayo kami mamaya. Kakatok ako sa inyong silid." masaya akong tumango dito.
Pagkapasok ko sa silid ay agad akong humiga sa papag. Agad ko namang naramdaman ang matinding pagod dahil sa paglalaba. Mayroon ding kaka-onting sugat ang aking kamay ngunit hindi ko na ito ininda.
-Nagising ako na may humahaplos sa aking buhok, nang magmulat ako ng mata ay hindi pa ako makapaniwala sa aking nakikita. Matagal bago rumehistro sa akin.
"S-Simoune?" tumango ito. Hindi ko mapaliwanag ang labis na kasiyahang nararamdaman. Agad akong bumangon at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
Narinig kong tumawa siya "Natutuwa akong labis ang iyong pangungulila sa akin." doon lang rumihistro ang aking nagawa sakaniya. Kakalas na sana ako ng higpitan ni Simoune.
"Dalawang minuto pa." sambit nito.
Labis na nagwawala ang aking puso, ngunit sobrang sarap nito sa pakiramdam. Napapikit ako at hinayaan ang aking sarili sa pagdama sa init ng kaniyang mga bisig.
Nang magkalas kami sa yakap ay hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
"Balita sa akin ni Lucia ay marami ka daw ginawa nitong mga nakaraan, maaari mo ba akong kwentuhan?" nag angat ako ng tingin dito.
Marahan akong nag-isip. "Nag ensayo akong mag luto. Ngunit, sunog ang kinalabasan nito." nahihiya kong amin dito. "Tumutulong din ako sa mga gawain ng kababaihan dito, katulad ng pag hihiwa at pag aayos ng mga iimbak na pagkain." bahagya pa akong nag isip "Nag prisinta din akong tumulong magluto para sana may kainin ang ilang galing sa ensayo, ngunit.."
"Muntik mo na daw masunog ang buong kampo" pagtatapos nito sa aking kwento. Sumimangot ako dito.
"Natutuwa akong may pinagkaka-abalahan ka dito." inabot niya ang aking kamay. Nilaro laro niya ito napakunot siya ng noo ng makitang may mga sugat ito.
"Saan galing ang mga ito.?"
"Nag laba ako." mahina kong sambit.
Tumayo siya at sinilip ang likod bahay, tuloy tuloy siyang lumabas, sinundan ko naman ito. Nakapamewang siyang pinag mamasdan ang mga nakasampay na damit. Napadako ang tingin niya sa nag iisang damit na nakahiwalay ng sampay. Nilapitan niya ito.
"P-patawad sa sinapit ng iyong kamiseta. Hindi ko kasi alam na dapat palang ihiwalay ang puti sa mga may kula--"
Natigilan ako nang lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay, bawat daliri ay isa isa niyang binigyan ng marahan na halik. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaniyang ginagawa.
"Lalo akong nahuhulog saiyo, punong puno ka ng mga sorpresa."
--
![](https://img.wattpad.com/cover/216166583-288-k635686.jpg)
BINABASA MO ANG
Consummatum Est [Completed]
Ficción históricaInez Amara Ymel ay isang insulares, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana umibig sya sa isang simpleng mamamayan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang paniniwala nyang simpleng mamamayan ay isa rin palang insulares na mas piniling itago ang kanya...