CHAPTER 5

60 19 0
                                    

I woke up in Saturday morning na parang may kakaiba akong pakiramdam. Parang ang liwa-liwanag mundo. Para bang okay Saturday I'm ready! HAHAHAHAHAHAHA.

I checked my phone. At hindi ako nagkamali, may text si Charles.

"Good Morning Missis. Breakfast ka na ☺️😘"

Taraaaay. May pa good morning si kuya.

Napangiti ako pero hindi ko s'ya ni-replayan. Dapat hindi tayo basta basta naniniwala. Kailangan ng patunay. Hindi porke't pogi at mayaman e push agad.

Bumaba ako para kumain. Nakita ko si Mommy at Daddy, nag-zuzumba. Ewan ko ba sa mag-asawang to magkasundo sila sa lahat ng bagay. Hindi ko ata sila nakita o narinig na mag-away man lang.

Pero alam n'yo ba na naghiwalay na yang dalawang yan dati? Kasi nagkaroon ng kabit si Daddy. Si Jenny mo gurl! Ewan ko kung san nahanap ni Daddy yun. Di naman maganda.

Pero matagal na yun e. Kwento ni mommy sakin, dahil daw hindi sila magkaanak kaya naghanap ng iba si Daddy. Kay nung nahuli ni Mommy yung pangloloko ni Daddy, umalis s'ya papuntang US. Hiniwalayan n'ya agad. Kasi para kay Mommy, kung mahal mo ako, bakit kailangan mo akong lokohin? Diba dapat tanggap mo ako kung ano yung mga bagay na kaya kong gawin, ibigay at mga bagay na hindi ko kaya??

So ayun na nga. After nung hiwalayan na yun, gumawa ng paraan si Daddy para makapunta ng US. Hindi n'ya alam kung saan na nakatira si Mommy kasi lumipat na ito ng bahay.

Basta ang ending marupok pa din si Mommy bumalik pa din s'ya ng Pinas kasama si Daddy. Worth it  naman daw. Tignan mo naman sila ngayon. At eto na din ako, kasama na nila ako ngayon.

Ang sarap nilang pag masdan na masaya lang. Tawanan. Harutan. Gusto ko ganyan din ako pag dating ng panahon. Huwag lang dun sa part na niloko hehe.

So ayun na nga, dumeretso na ako sa kusina para kumain. Kasabay ko na sila s'yempre. Tatlo na nga lang kami tapos, hindi pa sabay sabay.

"Kamusta anak? Masaya ba outing n'yo?"

"Okay naman Dad. Normal lang po"

"Ay sus! Eh yung Charles? 'Nak, ang pogi nun ha? Bagay kayoooo"

"Maaaaa. Issue ka!"

"So ano ngang nangyari? Ito naman andamot sa kwento. Hahahahahahaha Hon ikaw nga ang magtanong"

"Ewan ko sa'yo maaaa."

"Eh bakit ka namumula? Yieh! Ikaw haaaaa!"

Pang aasar pang lalo sakin ni Mommy. Hinawakan ni Daddy yung kamay ko at sinabing.

"Walang problemang ma-inlove anak. Ingatan mo lang ang sarili mo kasi nag-iisa ka naming anak. Ayaw lang naming makita kang umiiyak dahil sa isang lalaki"

Paalala n'ya sakin. Ayoko din naman noh!? Sino bagang may gusto nun.  HAHAHAHAHAHAHA.

"Yes Dad. I will"

"Sabihin mo sa Charles na yan, kung gusto ka n'ya talaga, dito s'ya manligaw sa bahay. Para mas pormal"

Hindi ko alam kung aaminin ko na ba na sinabi ni Charles na manliligaw daw s'ya sakin.

Natapos na ang breakfast namin at bumalik na ako sa kwarto. Wala naman akong plano for this day bukod sa humilata lang maghapon.

Chineck ko yung phone ko... Pero walang nat-text. Bakit ba ako nag-eexpect ng text? 

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon