CHAPTER 10

42 11 0
                                    

AVI's POV

Umalis na si Charles. May practice daw kasi sila. Malapit na kasi ang intrams ng School kaya exempted sila sa klase. Mga taksil! hahahahahahaha.

Dumeretso ako sa upuan ko at nakita ko si Emma.

"Balita sa'yo? Parang hindi ka na palaging nasama samin a"

"Busy lang hahahahahahaha."

"Ay sus. Ano namang kinakabisihan mo? Wala ka namang jowa"

"Edi ayun na nga ang kinakabisihan ko para naman hindi lang ikaw ang masaya ang lovelife hahahahahahaha. Kairita ka"

"Akala ko naman kung ano hahahahahahaha"

"Nakakainggit kasi ang may rose pag pasok sa school."

"Sira!"

"Ganda e! Sa'yo na talaga ang korona"

"Aray teka bes. Yung buhok ko"

Sabi ko sabay kunwari e nasasabunutan ako hahahahahahaha. Dumating na 'yung teacher namin kaya umupo na kami sa kanya kanyang upuan namin. Ka-close naman namin s'ya kaya hindi ganon katindi ang mga discussion.

"Balita ko meron daw ditong mag-jowa a. Sana all taga pag mana ng school ang jowa."

"Ma'am baka naman po, SANA ALL MAY JOWA"

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Alam mo, Cedrick 'yang dila mo pasmado"

"HAHAHAHAHAHAHA."

Hindi nakakapag taka na alam ng lahat ng tao dito sa School ang tungkol samin ni Charles. Paano ba naman kasi dun pa inamin ni Charles sa party namin.

Lumabas ako saglit para mag-CR wala akong kasama kasi nag-didiscuss si ma'am. Pero pag dating ko sa CR may dalawang babae na andun at hinarangan nila ako.

"Oh andito na pala yung feeling Cinderella"

Ako ba kinakausap nila? Hindi ko naman sila kilala. Pero ako lang din yung kakadating dito. So ako nga?

"Ang kapal ng apog mo para landiin si Charles!"

"Ha? Wala akong alam sa sinasabi n'yo"

Tanong ko dun sa isang babae na maganda kasi naka-make up. Naka pamewang pa. Nakabili ka ng lupa girl?

"Anong wala. Kung hindi mo sana s'ya nilandi, edi sana hindi mo s'ya boyfriend ngayon! HIGAD"

Anong pinagsasabi nito? Like? Ako ba lumapit kay Charles? Epal mo.

"Teka. Bakit ba galit na galit kayo sakin. Kung sa tingin n'yo na inagaw ko si Charles, bahala kayo sa buhay nyo"

"Aba ang kapal talaga ng muka mo para sabihan kami ng ganyan"

Sabi ni ate girl na pang one week ang lipstick. Pero kinabahala ko ang sunod na nangyari.

"Dapat lang sa'yo yan! Ang kapal ng muka mo! Malandi! Porke at muse ka ng School akala mo magkakagusto na sa'yo lahat ng lalaki!!! " 

Sinabunutan nila ako at pinagsisipa! Andami ko ng sampal na natatatanggap. Hindi ako makalaban. Wala na akong lakas.

"Aray ko. Tama na."

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon