CHAPTER 20

23 1 3
                                    

AVI's POV

Natatawa ako kasi bakit kami 'yung topic sa reunion na 'to. As in. Lalo na 'tong Ron na 'to. Wala nang ginawa kundi ang asarin kaming dalawa. 

"Pero asan pala si Emma?" Nagulat ako sa tanong ni Charles. Assume pa Avi. Hindi ikaw ang hinanap. Si Emma.

"Dude! Ano ba! Si Avi ang andito. Naghahanap ka pa ng iba. Huwag ganon! hahahahahaha"

"Sira. Nakakapagtataka lang kasi na wala s'ya dito." Sagot ni Charles kay Ron. Ang korni pero nalungkot ako sa tanong n'ya. 

Pero bakit nga kaya wala dito si Emma. Matagal na akong walang balita sa kanya. Sana okay na s'ya. Aaminin ko na hindi na maiibalik kung anong meron kami noon pero kung hindi ko naman bibitawan ang galit na nabuo sa puso ko, ako din ang talo. Ako din ang mawawalan. Hindi ko naman kailangang kulungin ang sarili ko sa galit. 

"Hindi na hinahanap ang wala. Si CJ pala Ella asan? HAHAHAHAHAHA" Lokong Lance talaga 'to. Aware naman s'ya sa nangyari kay Ella at CJ e. Napaka mapang asar talaga. Alam n'yo ba, dati hindi yan ganyan. Napaka tahimik n'yan. Ewan kung bakit yan naging ganyan. Nahipan siguro ng masamang hangin.

"Anong malay ko. Baka nandun sa girlfriend n'ya" Sagot naman ni Ella. Okay naman na silang dalawa nung anak n'ya and yun nalang yung mahalaga kay Ella ngayon. Alam ko na kahit hindi aminin ni Ella, alam kong galit pa din s'ya kay CJ. Sinong hindi diba? Ikaw ba naman ang iwanan nang walang dahilan.

"Boooom! HAHAHAHAHAHAHA. Hayaan mo. Mas maganda ka dun" To the rescue talaga lagi 'tong si Ron. Greatful ako na meron akong kaibigan na ganito. Oo maloko talaga 'to. Pero sobrang iba when it comes to Ella and Me. Sobrang protective nito samin.

Habang lumalalim ang gabi, isa-isa nang nawawala ang mga tao sa paligid namin. Nagsisisuwian na.

Mag-stay pa siguro ako for another 1 hour then uuwi na ako. Pagod na din kasi ako from others stuffs. Tsaka miss ko na si Jacob

"P'wede ba kitang isayaw?" Isang pamilyar na tinig ang nasa likuran. Bigla akong kinabahan. 'Yung kaba na kakaiba. Lumingon ako at hindi ako nagkamali. Si Charles. Nakalahad ang kanyang kanang kamay at tinanong kung p'wede ba daw n'ya akong isayaw.

"A-ah" Hindi ko alam ang isasagot ko. Parang ewan din yung DJ. Tinutok samin yung spotlight habang nakalahad yung kamay ni Charles. So wala akong choice kundi kunin ito. Ang awkward nga e. Parang lahat ng tao nakatingin samin. Parang noong acquaintance namin nong High School nung sinabi n'ya sa lahat na kaming dalawa na.

"Oy! Sila pa din pala?"

"Oo nga e. I was wondering why they don't have any pictures on their social media"

Narinig kong sinasabi nung dalawang ate gurl sa left side na table. Nahihiya ako. Ate hindi na po kami. Matagal na. Gusto kong sumagot n'yan pero pinigilan ko lang. Wala din namang sense kung sasagutin ko pa sila e.

Kinuha ko yung kamay ni Charles at tumayo. Inalalayan n'ya ako papunta sa Dance Floor. At tumutog na ang kantang KLWKN by: Music Hero

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay

"Sorry." Nagulat ako sa sinabi n'ya na halos nangingilid ngilid ang mga luha. Bakit 'to nagsosorry? Kakakita palang namin diba?

"Ha? Para san naman?" Tanong ko sa kanya. Kami lang dalawa sa dance floor at kahit sang banda kami pumunta, nakatapat samin ang spotlight. Nahihiya talaga ako.

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon