CHAPTER 21

18 1 0
                                    


"Ang katotohanan. Basahin mo nalang kapag handa ka na" 

Ano 'to? Natatandaan ko na meron talagang sulat si Emma bago kami tuluyang mawalan ng communication sa kanya. Pero dahil nga galit ako, hindi ko ito binasa. Dahil curious na din naman ako, binuksan ko ito handa na ako. Handa na akong makinig


Lumabas ako ng tambakan sa k'warto ko at umupo ako sa kama ko. Binuksan ko ang sulat at binasa.

"Avi.

Unang una hindi ako magsosorry sa'yo. Bakit sino ka ba?  Eh wala naman akong kasalanan sa'yo e! Ikaw 'tong makitid ang utak na hindi marunong makinig. 

Tutal din lang naman e hindi mo na ako kabati, may sasabihin akong sikreto sa'yo. Bahala ka na kung maniniwala ka o hindi. Basta ito ang totoo.

Hindi totoo na sabon, alcohol at mga detergent ang negosyo ng parents ko kundi isang bar. Oo bar na may mga babaeng nagbebeta ng katawan. Kilala ng mayayamang negosyante at mga pulitiko. Doon sila pumunta para magpalipas ng oras. Para magyabang at mag-droga. 

At dito ko naransan ang bagay na hindi dapat maranasan ng kahit na sino lalo ng kabataan tulad natin. I was raped by one of our customers and rescued by Charles. Binigay ako ng nanay ko dun sa mayamang intsik na may gusto sakin. Pina-take ng drugs. I was abused! Avi iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung bakit ganon yung nanay ko. Para sa pera pinagpalit n'ya ako. Ah oo nga pala. Isa akong ampon, hindi ko sila kadugo kaya ganon nalang kabilis sa kanila na ibigay ako sa taong hindi ko naman kilala at tsaka matanda na. Ganon naman talaga siguro, blood is thicker than water ika nga.

Habang ginagahasa ako, at walang kapalag palag at hinang hina ang katawan dulot an din ng pinainom nilang alak at droga, dumating si Charles dahil nagkamali s'ya ng kwarto na napasukan. Imbis na sa room kung nasan sila Ron, doon s'ya napadpad sa k'warto kung nasan ako.

At para sa kaalaman mo, alam ko na nung araw na yun ako ibibigay ng mga kinilala kong magulang sa taong sumira ng buhay ko kaya ko inimbita si Ron, CJ at Charles sa bar namin para mailigtas nila ako. Pero hanggang sa mga sandaling 'yun wala akong nasabi sa kanila. Naunahan ako ng takot na wala nang uwian after. Hindi ko kilala 'yung totoo kong pamilya kaya wala akong matatakbuhan. AVI WALA!

Nang makita ni Charles ang ginagawa sakin nung matandang intsik, kinuha n'ya yung vase sa tabi at inihampas dun sa lalaki dahilan para magkaroon s'ya ng dugo sa katawan. Pero buhay naman yung lalaki.

Dali dali akong nagbihis at inialis si Charles sa lugar na yun para hindi s'ya mapahamak. Tumuloy kami sa hotel kung saan mo kami nakita. Kaya totoo na nagising kami na nasa iisang kama pero hindi totoo na may nangyari samin. WALA. Nakahubad s'ya nung umaga dahil sa mga dugo sa damit n'ya. At nung nakita mo kami na kunwari hinalikan ko si Charles, hindi din yun totoo. Ginawa ko yun kasi alam kong nakatingin yung mga tauhan nung intsik na gumahasa sakin. Kinailangan kong magpanggap na mahal ko si Charles para tigilan na nila ako.

Avi takot na takot ako. Halos palayasin na ako ng magulang ko dahil tinakbuhan ko yung intsik. Wala daw akong kwentang anak. Sana daw hindi nalang ako yung inampon nila. Kaya daw pala ako ibinigay sa kanila kasi malas daw ako."


Bigla nalang may pumatak na Luha dun sa sulat na binabasa ko nang hindi ko namamalayan. Hindi ko na kayang tapusin yung sulat. Ang sama ko Ang sama kong kaibigan. Ang sama kong girlfriend. Napaka makasarili ko. Bakit hindi ko yun alam? Hindi ko alam na nahihirapan na pala si Emma. Bakit hindi ko nakinig kay Charles? Sana hindi ko pala pinairal yung galit ko. Yung emotions ko. Sana hindi.


Sobra akong nagsisisi sa nabasa ko. Sampung taon akong nagalit sa kaibigan ko na ganon na pala ang pinagdadaanan sa buhay. Sampung taon na akala ko akala ko niloko ako pero hindi pala.


Nasira lahat. Pagkakaibigan namin ni Emma at nawala sakin si Charles. 


Totoo pala yung sinasabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito.


Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Pinunasan ang mga luha at bumaba ng kwarto. Sobra yung pagsisisi pero wala na akong magagawa. I lost them both and there's no way I could turn back the time. 


What I have to do is to move forward.


-----------------------------

CHARLES' POV


I woke up from my nap. Natapos na yung reunion namin na hindi ko man lang nasabi kay Avi 'yung totoo. 'Yung katotohanan na kaya ako umalis ay dahil meron akong death threat. Pananakot dahil sa pagligtas ko kay Emma. Yes yun ang totoo. Dahil kung may choice lang ako, I will stay at Avi's side. It was my parents decision sa takot na din nila.


Emma was raped. At ang selfish ni Avi para hindi ako pakinggan sa mga paliwanag ko pero bakit ganon? Imbis na magalit, mas lalong nangibabaw yung pagmamahal ko sa kanya.


At sa sobrang pagmamahal ko, andito na naman ako sa tapat ng bahay nila. Naghihintay na lumabas ka. O kahit man lang sumilip ka sa labas ng bintana ninyo. One last time before I leave. Please! 


Sorry kung hindi ako naging matapang at nagtago nalang sa malayo para iligtas ang sarili ko. Pasensya ka na kung hindi ko naipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo. Pero Avi, maniwala ka, araw-araw akong nagsisisi na umalis nang hindi man lang tayo nagkakaintindihan. Umalis ako na ang alam mo ay niloko kita. Kahit alam mo sa sarili mo na hindi ko naman 'yun magagawa dahil mahal na mahal kita.


1 hour had passed at hindi pa din lumalabas si Avi. Kaya nag-drive ako papunta dun sa maliit na pond dito sa may subdivision nila. Dito s'ya pumupunta kapag na-confiscate 'yung phone n'ya para alam ko kung saan ko s'ya p'wedeng makita dahil nga wala kaming ibang means of communication before kundi cellphone.


Dito kami nagkikita. Kakain kami ng fishball at kwek-kwek. Meron din ditong dirty ice cream na sobrang favorite naming dalawa. At higit sa lahat, dito kinunan ang kauna unahang picture naming dalawa. 


Bumaba ako ng kotse at dumeretso dun sa favorite spot namin ni Avi. Sa May tabing lawa kung saan kitang kita ang highway at mga dumadaang sasakyan. Ang ganda dito kapag gabi. Umupo ako dun sa bench.


Bukas na ang flight ko pabalik sa Australia at kung hindi man ako mabibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang side ko kay Avi, iyon na siguro ang magiging go signal ko para kalimutan ang lahat. Besides, Avi seems okay with what happened. Mukang naka-move on na din naman ito. Sabagay, it's been 10 years since that incident happen. Pero parang ang daya naman. Bakit ako andito pa din? Umaasa pa din?


Ako dapat 'yung magalit diba? Kasi hindi man lang ako pinakinggan. Pero kagaya nang sinabi sa kantang Kung 'Di rin lang ikaw, aawatin nalang ang puso kong ibigin ay ikaw para hindi nalang kami masaktan parehas. 


"Charles..."




Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon