CHAPTER 17

12 1 0
                                    

CHARLES POV

Makalipas ang sampung taon, WELCOME HOME TO ME! Pilipinas, eto na ulit ako. Kahit hindi naman ako lumaki sa Pinas, iba pa din 'yung saya ko sa tuwing uuwi ako dito. At sa sampung taon na nawala ako, eto ata ang pinaka masayang uwi ko.

At uuwi ako dahil Reunion namin ng mga high school classmates ko. Thankful pa din naman ako dahil kahit na hindi nila ako kasabay grumaduate e invited pa din sa reunion nila. 

"Charles! Long Time no see a! Lalo kang pumogi!" Bati sakin ni Kuya Dany. Yes. Nasamin pa din s'ya until now kahit na nag-migrate na kami sa Austrialla, hindi pa din sila umalis samin ng mga anak n'ya.

"Kuya Dany! Pambihira. Ang tikas mo pa din! Kamusta kamusta? Tagal na din nating hindi nagkita" Grabe. Na-miss ko 'to si kuya. Solid 'to e. As in. Lahat ng naging kalokohan ko sa buhay, nalaman nito. Kahit ata nung nasa America pa ako, alam nito e. Hahahahahaha. Alam nga nito na nakipag bugbugan ako dun e.

Pero ano ba yung nangyari sakin sa sampung taon na wala ako sa Pilipinas. Inayos ko yung buhay ko. Hindi ako bumarkada sa Austrialla. May mga kaibigan man ako pero 'yung mga nasa church lang. After my breakup with Avi, hindi na ako uminom ng alak. 

Naging busy ako kasi active ako sa ministry na sobrang kinasaya ko naman. Currently, nasa Kids ministry ako. Naeenjoy ko naman yung kasama ang mga bata. K'wentuhan. Laro. Repeat. Pero ala  n'yo akala ko ang mga bata, walang problema kundi paggising ng maaga kasi may pasok sa school. Pero hindi pala. Madami din silang dinadalang problema lalo na sa pamilya. Lalo dun sa ibang bansa na hindi naman pala ngiti ang mga bata. Ngumingiti man sila pero iba pa din ang ngiti ng mga bata dito satin. Solid.

Kung itatanong n'yo sakin kung ano bang nabago sakin sa loob ng mahabang panahon? Masasabi ko na bukod sa edad, WALANG NABAGO SAKIN. S'ya pa din. Oo wala pa din akong girlfriend until now. Sariwa pa sakin ang mga binitawan kong salita bago ako umalis na s'ya pa din ang gusto kong pakasalan. At hindi pa ako nakakamove on. Sana hindi pa ako huli. Sana hindi pa huli ang lahat para saming dalawa.

Next week pa yung reunion namin and I arrived a week before. I never told anyone that I am already here in the Philippines nor update them If I am able to attend our reunion. I wanna surprise them. Ilan na kaya ang may mga asawa o kung may nagkatuluyan ba sa batch namin. 

Maybe you're wondering kung bakit it's been 10 years yet still Avi? Kasi pinili ko talagang hindi mag-move on. Pinili ko na bumalik para balikan s'ya. At sana, may balikan pa. Pinagdadasal ko na sana s'ya pa din ang makatuluyan ko. Lord Please? Hehe.

I still have our old photo na nasa wallet ko. Nakaupo kami sa park habang nakatingala s'ya, nakatingin sa langit at sa ulap. Habang ako, nakatingin ako sa maganda n'yang muka. Can't wait to see you.

Nakarating kami sa luma naming bahay. Haaaaaays. It's good to be back. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng namin. Ang tagal ko pala talagang nawala. Andami ng nabago. Madami ng bagong bahay sa subdivision. Wala ng mga batang naglalaro sa kalye kahit 5pm palang. Puro na kasi cellphone. Nakakapanibago. Hindi na sila Troy yung may ari nung bahay na katabi namin.  Lumipat na din sila sa Province nila sa Ilo-ilo. 

Pumasok na ako at dumeretso sa kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko at napangiti ako nang makita ko na andito pa din pala yung picture namin ni Avi na laminated. Kahit mejo nabubura na yung mga muka namin dito. Ang cute pa din. Miss na miss na kita Avi ko. Ang sarap palang balikan nung mga ala-ala naming dalawa.

Umupo ako at nakita ko pa yung ilang gamit na bigay sakin ni Avi. Boler na may nakasulat na I Love You Always and Forever. Tsaka mga keychain na naruto kasi she knows how I'm into Naturo talaga. At ang pinaka cute sa lahat ay yung photo album namin na dalawa. hahahahahahaha ang cute. Andito yung unang picture namin. Nakasulat din pala dito 'yung unang away namin kasi pinahiram ko ng ballpen si Cindy na classmates namin tapos si Avi pala e walang ballpen HAHAHAHAHAHA. Nakakatawang isipin kasi napaka babaw pala nun. Pero huwag ka, hindi talaga ako pinansin ni Avi nun. Gabi na ata namin naayos 'yun.

3 days na ang nakalipas simula nung umuwi ako ng Pinas. At sa sobrang board ko, kinuha ko yung susi ng Auto ko at  nagmaneho. Alam mo kung saan? Hehe. Papunta sa bahay nila Avi. Kahit wala namang kasiguraduhan na doon pa din s'ya nakatira. O kung may asawa o kahit boyfriend ba s'ya. Tawagin mo na akong Tng* o kung ano man. Pero hindi ko pa din talaga mapigilan na mahalin si Avi.

Palagi ko s'yang inistalk sa Facebook pero wala naman akong makita na may boyfriend na s'ya o kung kasal na ba s'ya kasi naka-hide lahat sa account n'ya. Naka-friends ata lahat ng infos about her. Pati posts n'ya, hindi ko makita.

Nasa may kanto na ako ng bahay nila. At kagaya ng dati, wala pa din akong lakas ng loob na kausapin s'ya. Ni lumapit sa kanya, hindi ko magawa. 30 minutes na ako dito. Walang kasiguraduhan kung dito pa ba s'ya nakatira o kung andito ba s'ya. Basta bahala na.

Lumipas pa ang ilang oras at nakita ko ang isang babae palabas ng gate nila. Maiksi na ang buhok pero maganda pa din. Si Avi. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Walang duda, mahal ko pa din s'ya talaga. Kahit isang dekada na ang lumipas.

Napaka simple pa din n'ya. Naka white plain T-Shirt naka black na shoes at black na shorts. May kotse sa tapat ng bahay nila at nagulat ako kung kanino 'yun. Kay Ron. Pero ang mas kinagulat ko ay nung may batang lumabas sa likuran ni Avi. Ang pogi nung bata. Pagkakita nito kay Ron, bigla itong yumakap. 

Biglang naghalo lahat ng plano ko. Mukang may pamilya na si Avi. At sa bestfriend ko pa na si Ron. Naninikip ang dibdib ko. Nakatingin lang ako sa kanila mula sa malayo. Ang saya ni Avi. Kitang kita ko sa mga ngiti n'ya. May anak na pala s'ya. Pero hindi ko naman s'ya masisisi. Ako naman yung unang nagloko diba?

Umalis 'yung kotse nila pero hindi ko alam kung bakit ko sila sinundan. Alam mo kung saan sila? Sa Enchanted Kingdom. Ipapasyal ata nila yung anak nila. Naka-move on na talaga si Avi. Masaya na s'ya sa pamilya n'ya kasama si Ron at yung anak nila. Pero bakit ako hindi pa? Bakit hanggang ngayon, mahal pa rin kita Avi? Bakit?

Pumasok na sila sa Enchanted Kingdom pero hindi na ako pumasok. Andito lang ako sa labas. Inaantay silang lumabas. At hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. 

Narinig ko 'yung grupo ng kabataan na nakita yung pamilya ni Avi na perfect family daw sila. Ang g'wapo nung tatay, ang ganda nung nanay. Kaya g'wapo din 'yung anak. Mukang eto na ata 'yung hinihintay ko para maka-move on.

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon