CHAPTER 4

67 20 2
                                    

Lumabas kami ng kotse at pag dating namin sa venue, andito na yung mga kaibigan namin.

"Uy! Charles buti nasama mo 'tong si Avi. Iba ka talaga boss! hahahahahaha"

Sabi ni Andrew. Isa sa mga kaklase namin at barkada ni Charles.

Andito din si CJ at Ella ang power couple sa room. S'yempre, hindi din mawawala si Ron ang bestfriend ni Charles. Nagulat ako ng lumabas din si Emma. Anong ginagawa ng babaeng to dito?

"Anong ginagawa mo dito Emma? "

Tanong ko sa kanya.

"Girl s'yempre magsuswimming. Weekend tomorrow hahahahahahahaha"

Okay. Edi wow. wala na akong sinabi ganon nalang. Umupo ako sa cottage namin para magpahinga. Nasa isang resort nga pala kami. Mukang kokonti 'yung mga tao. Pero may isang parang barka sa kabilang cottage. Puro sila lalaki at nag-iinuman.

Nagbihis ako ng shorts and t-shirt then nag-ipit ako ng buhok. Tapos lumakad na ako papuntang swimming pool kung asan yung mga kakalse ko.

Sa paglalakad ko, biglang lumapit yung isang lalaki sa kabilang cottage. Amoy na amoy alak kaya alam kong lasing na s'ya.

"Hi Miss. P'wede ko bang makuha ang number mo?"

Sabi n'ya. Hindi ko s'ya sinagot pero nagulat ako nung hawakan n'ya 'yung kamay ko. Mejo masakit 'yun dahil nga siguro lasing na s'ya. 

Sisigaw na sana ako para marinig nila ako pero naramdaman ko ang kamay sa balikat ko.

"Pre. Huwag ang girlfriend ko kung ayaw mong magka problema tayo dito"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Charles. Nakakatakot yung mga mata.

Buti nalang at umalis na yung lalaki. 

"Okay ka lang ba?"

Tanong n'ya sakin.

"O-o. S-salamat"

"Sa susunod kasi, huwag kang hihiwalay. Ayan tuloy kung sino sinong lumalapit sa'yo. Paano kung di ako dumating?"

Galit na sabi n'ya sa akin.

"Teka? Bakit parang kasalanan ko? Hindi naman ako ang lumapit dun sa lalaki a."

"Pero kahit na. Halika na nga. Babantayan na kita para hindi ka na malapitan ng kahit na sino."

Hinayaan ko na s'ya. Wala na ako sa mood makipagtalo sa kanya.

Nakarating kami sa pool kung asan yung mga kabigan ko.

"Oh? Anong muka n'yong dalawa yan? Bakit parehong ang haba ng nguso n'yo?

Tanong ni CJ.

"Wow. LQ agad HAHAHAHAHAHAHA"

Pang-aasar naman ni Ron na hindi nalang namin pinansin.

Naligo nalang kami. S'yempre, yung couple andun sa kabilang sulok. May heart to heart talk.

"Alam ko na. Para naman hindi boring ang swimming natin. Mag-laro tayo"

Aya naman ni Emma.

"Anong laro naman 'yan Emma?"

Tanong ko sa kanya.

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon