CHAPTER 22

18 0 0
                                    

"Charles"

May tumawag sakin. At pagtingin ko, si Ron

"Uy pre! Bakit ka andito?"  Tanong ko sa kanya kasi hindi naman ata n'ya alam 'tong lugar na 'to e. Or siguro napadaan na din s'ya dito with Avi. Hindi ko alam.

"Wala lang. May tumawag kasi sakin na umiiyak." Sabi ni Ron. Oh sino na namang pinaiyak nitong mokong na'to?

"Ikaw talaga. Wala kang kakupas kupas. Mahilig ka pa ding magpaiyak ng mga babae hahahahahahaha. Kelan ka ba kasi magseseryoso? " Sagot ko kay Ron.

"Kahit si Avi yung umiiyak?" Nagulat ako sa sinabi n'ya. Si Avi umiiyak? Bakit?

"Ha bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tarantang tanong ko sa kanya.

"Nabasa daw n'ya 'yung sulat ni Emma sa kanya na nakalagay dun kung ano talaga ang nangyari. At s'ya din ang may sabi na baka dito kita makita dahil madalas daw kayo dito. " Sagot sakin ni Ron at hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya sakin.

"Grabe yun ano? Sampung taon na ata yung nakalipas pero parang connected pa din kayo sa isa't isa. Akalain mo nga namang dito talaga kita makikita." Pagpapatuloy ni Ron.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Ron."Paano n'ya nalaman?" Tanong ko sa kanya.

"Sumulat sa kanya si Emma 10 years ago and kung hindi pa s'ya maglilinis ng kwarto n'ya hindi n'ya pa yun mababasa. Totoo pala yung kahit anong mangyari e lalabas at lalabas ang katotohanan. HAHAHAHAHAHA." Sagot sakin ni Ron.

Na-stun ako nga mga 5 seconds sa mga narinig ko.

" Nagsisisi s'ya kung bakit hindi ka n'ya pinakinggan sa mga paliwanag mo noon. Nagsisisi s'ya na nagalit s'ya kay Emma at naging katawa tawa pa ito sa school kahit hindi naman pala totoo na may nangyari sa inyo. Sana dude sinabi mo sakin para hindi umabot ng ganito katagal. Edi sana kasal na kayo ngayon hahahahahahaha"


Napayuko ako sa sinabi ni Ron" Hindi ko na din kasi alam kung anong gagawin. May mga lalaki na kasing nakasunod sakin nun dahil sa pagligtas ko kay Emma. Kaya umalis nalang din ako pre. Para din maging payapa yung mga magulang ko."


"Naiintindihan naman kita sa part na 'yun. Wala naman akong sinisisi kung bakit kayo nagkahiwalay. HAHAHAHAHAHAHA. Halika samahan mo ako" Sabi ni Ron sabay tayo. Sumakay kami sa kanya kanya naming auto at nag-drive palabas dun sa may pond. Pero bakit parang sa bahay nila Avi ang punta namin? At hindi nga ako nagkamali. Sa kanila nga ang punta namin

Bumaba ako ng kotse at sumunod kay Ron. Binuksan n'ya yung gate at pumasok sa loob ng bahay. Grabe andami nang nagbago sa bahay na 'to. Meron na silang fountain upon entrance tapos 'yung pool nawala na sa may garden hindi ko alam kung nasan na.  Tsaka nakakatawa kasi may malaking Avocado sa gitna ng garden nila. In fairness naman, madaming bunga 'yung avocado.

"Pre anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi n'ya ako sinagot bagkus ay tumigil s'ya sa harapan ng isang puno.

"Nakikita mo ba yang puno ng Avocado na 'yan?" Tanong sakin ni Ron habang nakatayo kami dun sa may avocado.

"Oo bakit? Anong meron jan?" Tanong ko sa kanya. Well I know na Avi loves Avocado so it's understandable na may puno sila ng avocado sa bakuran nila.

"Yan na yung avocado na binigay mo sa kanya bago ka umalis. Tinanim n'ya. Araw-araw n'ya yang dinidilig para lang mabuhay. Ganon ka n'ya pinapahalagahan. Na kahit nasaktan s'ya noon, iningatan pa din n'ya yung mga bagay na makakapag paalala sa'yo. Nakakatawa nga kasi kahit tumutulo luha at sipon n'ya tuloy pa din s'ya sa pagdilig. HAHAHAHHAHAHA. Kaya ka din siguro umuwi para maging malinaw sa inyong dalawa yung dati.---" 

"San si Avi? Asan s'ya!!?"  Hindi ko na s'ya pinatapos. Kailangan kong makita si Avi.

"Hindi ko alam. Tignan mo sa loob ng bahay nila"

Hindi ko na sinagot si Ron at kumaripas na ako ng takbo sa loob ng bahay nila. Dahil bukas naman yung pinto, dumeretso na ako ng pasok. Bahala ng pagalitan nila Tito at Tita. Kailangan kong makausap si Avi. Kailangan naming maayos 'to! Hindi p'wedeng bumalik ako ng Austrialia na hindi pa din kami okay. I have to win her back.

Nasa salas palang ako, nakita ko na si Avi pababa ng hagdan. Umiiyak. Tumakbo s'ya papunta sakin tsaka ako niyakap.

"Charles! *sobs* I-im sorry. Hindi ko alam. S-sorry hindi ko alam. Sorry! Sorry" Sabi ni Avi habang umiiyak. 'Yung iyak baby na talagang basta umiiyak.

"Sssh. Sinabi na sakin ni Ron. Wala kang kasalanan okay? Tahan na. Ayokong nakikita kang umiiyak. Baka sabihin na naman sakin nila Tita na pinaiyak kita hahahahahaha"  Sagot ko sa kanya. 

"Hindi ka galit sakin?" Tanong n'ya sakin pero seryoso nakakatawa yung itsura n'ya. Para s'yang bata na umiiyak. Hindi muna ako sumagot kiniss ko nalang yung noo n'ya.

"Bakit naman ako magagalit sa girlfriend ko?" Sabi ko sa kanya tsaka ko s'ya binigyan ng matamis na ngiti. Aba ang loko lalong umiyak.

"Sorry kung brineak kita. Huhu!" Sabi n'ya sakin.

"Sino namang nagsabi sa'yo na nag-break tayo? Pumayag ba ako na mag-break tayo? Hindi diba? Kaya girlfriend pa din kita!" Sagot ko sa kanya tsaka ko niyakap ng sooooooobrang higppit. Ganon ko s'ya namiss. Kasi totoo naman diba? Masasabi mo lang na break na kayo kapag parehas na kayong bumitaw. Pero hindi naman ako pumayag na mag-break kami diba! Wala naman akong naging sagot sa kanya noon. Umalis lang ako para din sa ikakabuti naming dalawa. 

Aba ang babae mas lalong umiyak. Kumalas pa sa pagkakayakap sakin

"Hindi. Umalis ka na hindi mo ako deserve. Napaka walang kwenta kong girlfriend sa'yo hindi man lang kita pinakinggan *sobs*" 

"Ay sus. Kahit anong sabihin mo, this time, hinding hindi na kita papakawalan" Sabi ko sa kanya sabay hila sa kanya tsaka ko s'ya niyakap ulit. Bawal pa ang kiss. Hindi pa kasal e. So yakap nalang muna.

10 years of being away with this girl are all worth it! SHE IS WORTH THE WAIT! Girls, I'm not a good boy. Not even a perfect guy. But please! Wait for someone who will love you the way you deserve. Someone who will correct you kapag hindi ka na tama. Kasi ang love, hindi naman yan parang fairy tale e. Na laging perfect. S'yempre madami yang away. Series of fights that eventually will be your strength to move forward and to strive harder to be a better person for this girl who deserves nothing but everything about you and of course YOUR LOVE.

And most of all. Pray for the guy. Pray for God's chosen guy. Huwag nating pilitin ang na mag-stay ang lalaki kasi believe me. Kung gusto ka ng isang lalaki he will stay even without anything. Kahit hindi mo sabihin, mag-sstay yan kung talagang mahal ka n'yan. Hindi mo kailangang ibigay ang sarili mo kapag hiningi n'ya just to keep him. Kasi the real man who knows your worth will stay. 

So bakit ko 'to sinasabi? Against ba ako sa kapwa ko lalaki? The answer is NO! A BIG NO! It's just that, I know what they do. Hindi ko nilalahat pero andami kong kaibigan na kapag hindi na masaya, ayawan na. Kapag hindi binigay ang gusto e, bahala ka na. Jan ka na. Andami pa namang babae jan e. Yung hindi maarte na kagaya mo. And I disagree with that! Because I believe all girls should be treated like a princesses 'coz that's one thing that guy should be thankful with God for. Having someone who loves you is a big thing. And not everyone will receive that kind of Love. Sobrang rare ng happy couple when it comes to marriage. A lot of them are staying just to have a complete family. That's why I'm asking you to please pray for your soon be spouse.

And to my Avi, yes sobrang laking adjustment na magkakaron tayo ngayon, pero I promise to keep you for another 10 years * 10 years again. Thank you kasi na-realized ko na parehas tayong hindi bumitaw. Parehas tayong kumapit.

Our love story was not the usual, pero kahit umayaw ka pa, hinding hindi na ako mawawala pa. Mahal kita simula una kahit nung masungit ka pa at hanggang ngayon na tinotopak ka na naman hahahahahahaha.

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon