CHAPTER 15

20 3 0
                                    

Iyak pa dn ako ng iyak pag kauwi ko samin. Nakikita ko pa din yung muka ni Charles at ni Emma. Bakit sa lahat ng tao s'ya pa!? Wala naman akong ginawang masama sa kanila a! Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba yung nagawa ko para gawin nila sakin 'to pero paulit ulit ko ding naiisip na wala akong ginawa na kahit ano.

OKAY KAMI! SOBRANG OKAY NAMIN! PERO BAKIT GANITO?

Ang sakit. Para akong tinutusok ng karayom ng milyong beses. Bakit ang sakit? Andami kong bakit. Gusto ko ng sagot pero hindi ko sila kayang harapin.

Walang tigil ng tawag si Charles pero ni isa dun, wala akong sinagot. Hindi ko pa kayang makita o makausap man lang.


Sumilip ako sa bintana dahil umuulan at mejo malakas. Chineck ko kung andun ba si Charles. Pag tingin ko, andun s'ya basang basa ng ulan. May hawak na placard na may nakasulat na "I'm Sorry Avi. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ako kinakausap"


Nahahati yung puso ko. Part dito na gusto ko na s'yang kausapin pero parang hindi ko kaya. Hindi ko matanggap na nagawa n'ya yun sakin. Sabihin na ninyong OA ako pero hindi talaga. Hindi ko pa kaya sa ngayon.


**Knock knock*

Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Mommy. Nakangiti sakin. Nagpunas ako ng luha kahit alam kong nakita na n'ya akong umiiyak at kitang kita na na namamaga ang nga mata ko.

"P'wede ba akong pumasok?" Tanong n'ya sakin. Wala pa akong nasasabi sa kanya about sa breakup namin ni Charles. Si Ron palang ang nakakaalam ng lahat.

"Sige po" Sagot ko naman sa kanya.

"Kwentuhan mo naman ako. Bakit andun sa labas si Charles at nagsosorry sa'yo?"

At ayun na nga. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ako sa dibdib ni Mommy.

"Maaaaaa. Niloko n'ya ako. *sob* Niloko nila akong dalawa ni Emma"

"Hindi mo man lang ba s'ya lalabasin para tanungin kung ano ba talaga ang nangyari?" Mahinahong tanong sakin ni Mommy. Parang na-offend ako kasi feeling ko kampi si Mommy kay Charles. Like, ma! Ako yung niloko.


"Hindi po. Ayoko na po. Sapat na po yung nakita ko. Wala na po silang kailangang ipaliwanag" Sabi ko kay Mommy tsaka ko s'ya niyakap at mas lalo pa akong humagulgol. Bakit ba ang sakit?


Tinanggal ni mommy yung pagkakayakap ko sa kanya at sinabi.


"Haaaaay. Ang Prinsesa ko, dalaga na talaga. Hayaan mo na at kung talagang para kayo sa isa't isa, gagawa ng paraan ang tadhan para magka ayos ulit kayo. Sa ngayon, kung talagang desidido ka na, labasin mo s'ya at sabihin mo sa kanya ng deretso sa mata na ayaw mo na talaga. Mga bata pa naman kayo. Madami pa kayong pagdadaanan bago mahanap ang tunay na pag-ibig "

Payo sakin ni Mommy.

Ang lakas na ng ulan at pag silip ko sa bintana, andoon pa din si Charles. Basang basa na s'ya.

Lumabas na si Mommy sa kwarto ko kasi magluluto na s'ya ng food namin.


Kumukulog na pero andun pa din si Charles. Bahala na. Lalabasin ko na s'ya. Hindi ko din s'ya matiis.


Dali dali akong bumaba kinuha yung payong at binuksan ko yung gate at nakita ko s'ya. Ang lungkot ng mga mata. Nagmamakaawa na patawarin ko na s'ya. At sa hindi sinasadya, lumambot ang puso ko.


Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon