CHAPTER 12

43 4 0
                                    

AVI's POV.

Hindi pa din kami okay ni Charles. Nanunuyo naman s'ya pero inis pa talaga ako. Ayoko na kasing madamay sa issues sa buhay ng mga babaeng haling na haling sa kanya. Ang arte ko nga daw sabi ni Mommy. Hindi naman daw si Charles ang may kasalanan e.

Oo nasabi ko na kay Mommy yung nangyari, pero lihim kay Daddy yari kami parehas kapag nalaman nila e.

Andito kami ngayon sa gym kasi may laro sila. Kalaban nila yung rival ng school namin. Suspended ang klase kaya may time kami para makanuod. Nakita ko si Charles. Naka-headband na supreme. Yung pang basketball na headband. Basta ang pogi n'ya. Kitang kita 'yung pagkaputi n'ya. Kutis mayaman talaga. Maliit ang noo. Sana all.

 Edi ikaw na ang may supreme na headband at may maliit na noo. Sabi ko sa isip ko. 

Habang hindi pa nagsisimula yung laro, hindi s'ya mapakali parang may hinahanap s'ya. Ayokong mag-assume na ako 'yun.

"Girl. Okay na ba kayo ni Charles? Parang ikaw ang yung kanina pa n'ya hinahanap" Tanong sakin ni Emma.


"Hindi pa. Parang ayaw ko na muna"


"Ang arte mo sa part na yun ha!"


Pati itong si Emma naaartehan na sakin. 

Nakita ko si Charles nakatingin sa may bandang samin. Nakatingin sakin. Blangko nag expression ng muka. Then nagsalita s'ya na walang boses. Mouth Sign parang ganon.

"Sorry"

Tapos yumuko na s'ya. Nakonsensya ako bigla kasi bakit ko nga ba naman pinapatagal e hindi naman s'ya talaga ang may kasalanan kung bakit ako nasaktan. Baka bigla n'ya akong sukuan dahil sa kaartehan ko.

Kitang kita ko na wala sa mood si Charles kahit pa noong nagsimula na yung laro. Tumayo na sila sa upuan nila at pumasok sa court. Samin 'yung bola at s'ya ang nag-didribble. Number 21 yung jersey number ni Charles kasi 'yun yung monthsary namin tapos ang kapal ng muka ko para mag-inarte ng 2 days hahahahaha.


******PPPPPPFTTTT****

Pito nung referee. 

"Hala Girl si Charles dumudugo yung labi nasagi nung monkey number 03"

Sabi ni Emma.

"TIME OUT!"

Si Charles dumudugo ang labi. Nasagi sa laro. Andami nung dugo at napaupo na din s'ya sa sahig. Sino yung sumanggi sa kanya!? 

Tumakbo ang pababa para matignan kung anong nangyari at ma-check kung okay lang ba s'ya.

"Babe okay ka lang? Huy!"

Tanong ko sa kanya pagkarating ko. Tapos naalala kong galit nga pala ako sa kanya.

"Aysus. Eto lang pala ang paraan para pansinin mo ulit ako sana pala kanina pa ako nagpasanggi hahahahahaha"

Sabi n'ya habang pinupunas ang dugo sa labi n'ya.


"Sira ka! Pinag-alala mo ako"

Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso n'ya.


"Aw. Pero napasaya mo naman ako sa dahil nag-aalala ka pa pala sakin. I Love You"

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon