CHAPTER 9

49 13 2
                                    

CHARLES POV

Dinalaw ko si Avi nung tumawag si mommy. Pero pag sagot ko, si aling lita yung nasa kabilang linya.

"Hello ijo! Ikaw ba'y nasaan? Baka naman ika'y aring umuwi muna dine at ang iyong nanay at tatay ay nagbababag na naman. Ay matindi na ngayon at talagang may mga kampit ng hawak"

"Haaaaa!? Bakit ho? Anong pinag-awayan nila?"

"Ay hindi ko alam. Basta'y ikaw ay parito na at hindi ko na alam ang gagawin sa mga magulang mo"

"Sige po aling lita. Pauwi na po ako"

Nagpaalam ako agad kay Avi para umuwi. Ano na naman kayang pinagawayan nila. Bakit ba kasi hindi nalang hiwalayan ni Mommy si Daddy! Kaya naman namin ng wala s'ya!

Sa loob palang ng sasakyan hindi na ako mapakali. May hawak silang kutsilyo parehas. Paano kung magkapatayan tong dalawang to.

Sawang sawa na ako sa bisyo ng tatay ko. Hindi ko na kinakaya. Oo sabihin na natin na never naman s'yang nambabae kasi mahal na mahal n'ya si mommy. Pero yung saktan yung nanay ko ng paulit ulit!? Aba naman!

Pag dating ko sa bahay andun na si Lolo. Nagsisisigaw.

"Alberto? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo! Ha!? Ganyan ang paguugali na meron ka ngayon! At saan ka pa natutong mag-droga!?

" HAHAHAHAHAHAHA. KASALANAN MO TO E!"

Sagot ni Daddy.

" At sa paanong dahilan at ako ang may kasalanan sa'yo? Binigay namin ng mama mo sa'yo lahat!"

"Kung hindi mo sana ako pinilit na ipakasal sa babaeng yan! Edi sana hindin miserable ang buhay ko ngayon! "

Sagot ni Daddy na nagpalumo sakin. Bakit ganyan mga sinasabi n'ya? Hindi n'ya ba mahal si Mommy? Akala ko ba? Akala ko mahal n'ya si Mommy?

" Nahihibang ka na ba!? Ina s'ya ng anak mo! S'ya ang dahilan kung bakit nandito si Charles sa mundo! "

" Pero hindi s'ya ang babaeng dapat papakasalan ko! Hahahahahahaha. Kung hindi mo sana ipinilit sakin edi sana buhay pa si Amalia!"

Sino si Amalia? Bakit hindi ko alam tong kwento na to. Bakit ngayon ko lang to nalalaman?

Si Mommy naman? Nandun sa gilid. Umiiyak. Ang martyr ng nanay ko. Nakakainis. Imbis sana na hindi s'ya nahihirapan ng ganito e.

Ngayon narerealized ko na kung bakit ibang iba ang pamilya namin sa pamilya nila Avi. Kasi hindi pala talaga masaya si daddy samin. Hindi pala s'ya masaya kay mommy.

Gusto kong pumasok pero pinigilan ako ni Mommy. Gustong gusto kong sapakin yung tatay ko. Halos patayin na n'ya si Mommy.

"Ma! Ano ba! Hihintayin mo nalang ba talaga na mamatay ka bago mo yan iwanan!? Hindi na tayo yan ma!"

"Anak makinig ka sakin ha? Mahal ako ng Daddy mo. Mahal n'ya tayo. Lalo na ikaw. Nakaka-droga lang s'ya ngayon kaya s'ya ganyan"

Napahawak ako sa ulo sa sobrang inis.

"Ma hindi mo ba nakikita yang sarili mo ha! Puro ka na pasa! Dumudugo yang labi mo tapos sasabihin mo na mahal!? Gumising ka naman ma! Kaya naman natin na wala yan e!"

Hindi alam ni Avi na may ganito kaming problema. At hindi ko din alam kung kaya ko bang sabihin ito sa kanya.

Wala ni isa man sa mga tao sa paligid ko ang may alam na durugista ang tatay ko at punching bag naman ang mommy ko.

Kinabukasan bumaba ako para kumain pero nakita ko yung tatay ko. Wala ng epekto ang droga sa kanya. Pinaghahain n'ya si Mommy. Inaasikaso at s'ya pa daw ang nagluto. Ang kapal ng muka n'ya.

"Oh anak. Gising ka na pala. Halika na dito kakain na tayo. Nagluto si Daddy mo ng paborito nating dalawa. Halika na"

"Wala akong gana ma. Akyat na ako ma. Liligo na ako. May pasok pa ako e."

"Sayang naman ito anak. Sabayan mo  kami ng Mommy mo"

"Huwag mo akong kausapin na parang hindi mo halos patayin si Mommy kagabi!"

At tumalikod ako sa kanilang dalawa. Palagi nalang silang ganyan. Sasaktan ni Daddy si Mommy, tapos lalambingin kinabukasan. Para silang naglolokohan.

Naligo ako at nagbihis ng uniform at dumeretso sa bahay nila Avi. Hatid sundo ko kasi s'ya lagi.

"Kuya kuya kuya! Sandali. May nakita akong bilihan ng bulaklak. Bibili lang ako sandali"

"Ikaw talagang bata ka. Inlove na inlove ka talaga kay Avi ano?"

"Oo kuya e hehe."

Tinigil ni kuya yung sasakyan at bumili ako ng bulaklak. Isang rose lang naman. Binayaran ko ito tapos dumeretso na kami kayna Avi.

Calling Babe ❤️

"Babe. Andito na po ako sa may gate n'yo"

"Ah sige babe labas na ako. Maaaaa. Alis na po ako andito na po si Charles"

Sabi n'ya sa kabilang linya. Maya maya pa, narinig kong bumukas na yung gate nila at nakita ko na s'yang papalapit. Ang ganda n'ya men.

Naka-green jumpers na uniform ni St. John's, may dalang case at backpack. Habang papalapit s'ya sakin, parang tumitigil ang mundo ko. Parang nag-slow mo ang paligid. Mahal na mahal ko nga talaga tong babaeng to.

"Hi babe!"

"Babe oh para sa'yo. Flowers"

"Uy bakit may paganito ka? hahahahahahaha."

"Wala lang. Naisip ko lang na bigyan ka n'yan"

"Baka masanay na ako sa ganito mo ha?"

"Masanay ka na kasi wala naman akong balak tigilan lahat ng ginagawa ko ngayon"

Thank you Avi kasi pinayagan mo akong pumasok sa buhay mo. Sa pamilya mo. Hindi ko na masyadong nararamdaman na malungkot ako at may kulang sa buhay ko.

May kinukwento si Avi pero nakatitig lang ako sa kanya. Ang sarap n'yang pag masdan. Ang amo ng muka. Ang ganda ng mata. Yung ilong panalo din. Pero malaki ang noo hahahahahahaha.

"I Love you"

Sabi ko sa kanya out of nowhere. Kitang kita ko sa reaction n'ya na nagulat s'ya.

"Huy! Sabi ko I Love You"

"I Love You Too. Hehe"

Nginitian ko s'ya at bumaba na kami sa kotse kasi nakarating na kami sa school.

Hinawakan ko yung kamay n'ya habang naglalakad kami sa corridor.

"Boy ano yan! HAHAHAHAHAHAHA."

Minsan talaga ang mga best friend hindi maganda sa buhay. Inalis ba naman yung kamay namin ni Avi.

"Avi peram muna ako sa jowa mong napaka tamad. May basketball practice kami eh hindi na umattend"

"HAHAHAHAHAHAHA. Sige lang"

Sabi ni Avi bago pumasok sa Classroom.

"Alam na ba n'ya?"

"Hindi pa boy. Hindi na n'ya dapat pang malaman."

Sagot ko sa kanya.




Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon