CHAPTER 6

53 20 0
                                    

Kinabukasan sa school, nakita ko agad si Emma. Nakikipag-usap dun sa isa sa classmates namin. Lumapit ako sa kanila para maki-chismis sa kanila.

"Bulaga! Anong pinag-uusapan n'yo ha!?"

"Uy girl. Si Ella daw kasi buntis."

"HAAAAA!???"

"Shhhhh. Huwag mo namang lakasan yang boses mo. Hindi pa alam nang lahat. Huwag naman na ikaw ang mag-announce HAHAHAHAHAHA."

"Pero seryoso? Buntis nga si Ella?"

"Oo nga. Ulit ulit te?"

"Pero paano? Diba? Like HOOOOW???"

"Naalala mo ba yung outing natin 1month ago?"

"Oo bakit?"

"Dun! Dun na nabuo ang lahat."

"Ay weh? Totoo ba?"

"Ay ewan ko sa'yo. Ulit ulit ka na talaga"

At the age of 15, hindi ko alam na possible pala talagang mag-buntis ang isang babae. Like, sa movies ko lang to nakikita e. Pero babies are blessings. It may not be expected, pero baby pa din yun.

Dumaan si Ella sa hallway. Umiiyak. So totoo nga. Eto na talaga yun. Buntis nga talaga s'ya.

"Okay ka lang ba?"

Tanong namin sa kanya. Pero mali ata yung tanong namin kasi umiyak lang lalo s'ya.

"Paano ko sasabihin sa parents ko *sniffs*. Baka hindi na nila ako matanggap?"

"Ano bang sabi ni CJ?"

"Teka nga! Dun tayo sa CR. Huwag tayo dito. Andami ng nakiki-chismis satin"

Pumunta kami sa CR para doon magkwentuhan. Ni-lock namin yung pinto para naman sure na walang papasok. At dito na  nga nag-kwento si Ella.

"Sabi ni CJ, Hindi pa daw s'ya handa. *sniff*. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko naman kaya to nang mag-isa"

"Ang kapal naman ng muka nitong si CJ na to! Akala mo naman kung sino!"

Nanggigigil na sabi ni Emma. 

Support lang ako sa gilid habang nag-uusap sila. Wala kasi akong alam sa mga advices. Bigla akong napaatras sa nalaman kong yun. Yung dapat magyeyes na ako kay Charles, biglang parang sinasabi ng puso ko na huwag nalang muna. Parang masyado pang maaga.

Lumabas kami sa CR matapos mahimasmasan ni Ella. Pero sa pag labas namin, nakita namin si Charles at Ron. Nasa labas ng room. Nakita n'ya ako at ngumiti s'ya sakin. Pero hindi ko yun pinansin. Dumeretso ako sa loob at umupo.

"Ooooooooow! HAHAHAHAHAHAHA. LLLLLLLQQQQQQQ. "

Rinig na rinig kong pang-aasar ni Ron kay Charles. Wala akong naging imik. Basta parang bigla akong natakot. Parang biglang ayoko muna.

"May problema ba?"

Tanong sakin ni Charles. Pero bigla nalang nag-ring yung bell kaya kinuha ko yung bag ko.

"Wala. Una na ako. Huwag mo ano akong ihatid"

"Per---"

Hindi ko na s'ya pinansin. Hindi na din naman n'ya ako sinundan. 

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon