CHAPTER 7

52 14 0
                                    

Hindi pa din ako pinapansin si Avi. Hindi din s'ya nagrereply sa mga texts ko. Tinatawagan ko pero hindi din nasagot. Nababaliw na ako. Ano bang nagawa ko sa babaeng to at aayw akong sagutin.

Mamaya na yung acquaintance party namin. Siguro naman doon, papansinin na n'ya ako.

Bandang 4pm pumunta ako sa kanila para sunduin s'ya pero wala daw s'ya don. Umalis daw kasama si Emma.

Umalis na ako para pumunta sa bahay at mag-ayos. Pero pag dating ko samin, naabutan ko na may gyera na naman sa bahay. Nag-away na naman ang mga magulang ko. Sigawan batuhan ng gamit. Basagan ng plato, vase at wall paintings.

Sa totoo lang, wala na ngang tumatagal na helpers samin dahil nga sa ginagawa ng mga magulang ko.

Akala ng lahat e perfect ang life ko. Mayaman. Tagapagmana ng school. Buo ang pamilya. Pero hindi nila alam na sa likod ng mga ngiti sa tuwing lalabas kami ay ang hindi mabilang na pasa kapag nasa loob na kami ng bahay.

Drug addict kasi Daddy ko. Hindi lang makulong dahil may pera si Lolo. Hindi nagsusumbong si Mommy dahil na din sa sobrang pagmamahal n'ya dito. Pero kung ako lang? Ayoko na si Daddy dito. Parang lagi lagi nalang mamamatay si Mommy sa sakit na natatamo n'ya sa asawa n'ya.

Dumeretso na ako sa k'warto ko. Nagbihis at nagpahatid na kay kuya driver. Bale ang suot ko ay black pants and black plain shirt then cap na white.


Nagtext sakin si Avi na huwag ko na daw s'yang sunduin. Sumunod nalang ako baka toyoin lalo e.


Isang buwan na din simula nung niligawan ko s'ya. At sobrang saya ko dahil sa kanya. S'ya yung babaeng hinihiling kong maiharap sa bandana. Hinding hindi ko sasayangin lahat ng pagtitiwala at pagmamahal na meron kaming dalawa.

********************
Avi's POV.

Tinext ko si Charles na huwag na akong sunduin pero si Mokong, hindi nga ako sinundo! Nakakainis diba!?

Dumeretso na ako sa gym ng school kung saan nagaganap ang acquaintance party. Naka-black dress ako at heels na hindi naman ganon kataas. Pinusod ko yung buhok ko then meron akong light makeup dahil nga ako ang muse ng campus so may pakeme mamaya silang kaechosan. 

Sa may gate palang ng gym, nakita ko na agad si Charles. Ang pogi n'ya kaya napangiti ako ng palihim.

"Ang ganda mo"

"Sus bola."

"Tara samahan mo muna ako"

"Saan naman?"

"Basta"

Dinala n'ya ako sa may garden.

"Bakit  mo ako dinala dito?"

"Kasi alam kong hindi ako ang magiging first dance mo kasi hindi naman ako ang escort. P'wede bang kahit dito e ako ang first dance mo?"

Sabi n'ya at inilahad ang mga kamay n'ya. Kinuha ko ito. Pinatong ko ang mga kamay ko sa balikat n'ya at yung kamay naman n'ya sa bewang ko. 

"Para tayong mga timang. hahahahahaha"

Nagulat ako nung bigla s'yang kumanta ng You're Beatiful - James Blunt

My life is brilliantMy life is brilliant
My love is pure
I saw an angel
Of that I'm sure
She smiled at me on the subway
She was with another man
But I won't lose no sleep on that
'Cause I've got a plan

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon