CHAPTER 13

37 1 0
                                    

CHARLES' POV


Hinatid ko si Avi sa kanila at dumeretso na kami pauwi ni kuyang driver namin.


"Ang swerte mo kay Avi Charles" Sabi ni kuya habang pauwi kami ng bahay.


"Oo nga kuya e. Ganda ano? Ang bait pa."


"Oo tapos ang bait nga ng batang iyan. Ganyan na ganyan din ang mga magulang mo noon e"  Nagulat naman ako sa sinabi n'ya. Parang ang layo naman nun e.


"Parang hindi naman ata kuya. Teka nga pala. Sino ba si Amalia? Bakit nung last na nag-away si Mommy at Daddy, nabanggit ni Daddy 'yun?" Tanong ko sa kanya. Para din mawala na sa isip ko kung sino. Parang meron sa puso ko na kailangan ko na malaman kung sino ba talaga si Amalia sa buhay ng tatay ko at bakit ganon nalang n'ya kami pahirapan ngayon.


Bumuntong hininga si Kuya bago n'ya ako sinagot. "S'ya ang first love ng Daddy mo. Pareho silang pinagkasundo sa mga asawa nila ngayon kaya sila nagkahiwalay."


Nagulat ako sa naging sagot ni kuya. 


"Ang alam ko, si Amalia, nasa US na kasama 'yung napangasawa n'ya at meron ng isang anak na ka-edad mo lang siguro. Matapos ikasal ang Daddy mo sa Mommy mo, wala na kaming naging balita pa kay Amalia at sa naging buhay n'ya kasama yung napangasawa n'ya"


"Pero bakit ang unfair naman? Bakit si Mommy 'yung sumasalo nun? Deserve naman ni Mommy na mahalin bakit hindi 'yun mabigay ni Daddy? Or bakit hindi nalang sila magpa-annul? Kesa naman lagi nalang delikado ang buhay ng nanay ko" Tama naman ako diba? Hindi deserve ni Mommy 'yung ganitong treatment. Kung political marriage man ang nangyari sa kanila noong una, sa tagal ba ng panahon e hindi pa din minahal nung tatay ko yung nanay ko? Si Amalia pa din ba kahit meron ng ako? Tsaka bakit ba s'ya nagtatsaga samin e hindi naman pala n'ya kami mahal?


"Ay naku. Ikaw bata ka. Kapag malaki ka na, maiintindihan mo din kung bakit pinili ng Mommy mo na mag-stay sa Daddy mo kahit nahihirapan na s'ya"


Hindi ko ma-gets yung matatanda. Nahihirapan na pala sila bakit hindi nalang sila maghiwalay? Kaming mga anak din naman ang nahihirapan.


Nakarating kami sa bahay at sa gate palang, nakita ko na si Ron. Nag-yoyosi.


"Boy anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko. Nakakagulat kasi ang biglaan n'yang pagbisita.


"Free ka ba? Tara samahan mo naman ako. May dala akong auto." Aya n'ya sakin. Sobrang biglaan naman kasi.


"Bakit? May problema ba?"


"S'yempre wala gusto ko lang gumala. Tara huwag mo ng isama si Avi. Boys night out muna"


"Ang Bad Influence mo sakin ha! Pero kahit di mo naman sabihin hindi din naman talaga p'wede si Avi ngayon kasi kakauwi lang n'ya"

Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon