CHAPTER 16

18 3 5
                                    

At yun na ang huli kong balita kay Charles. Bigla nalang s'yang umalis sa school namin 10 YEARS AGO. Kahit si Ron, wala ng balita sa kanya. Wala ni isa samin kung nasaan na ba s'ya. Ang tanging alam ko lang e nasa Australia

Kamusta kaya s'ya? Siguro may pamilya na s'ya. Sampung taon na din pala yung nakalipas mula nung huli ko s'yang nakita. 

Bumangon na ako sa kama at nagayos ng sarili.

Sobrang daming nangyari sa loob ng sampung taon. Wala na akong naging balita kay Emma bukod sa sinabi nila na isa na daw itong GRO. Na hindi ko talaga ma-gets. Kasi kung pera lang naman ang problema, andami nila nun e. Kahit ata hindi s'ya mag-trabaho buong buhay n'ya e mabubuhay s'ya ng pera nila. Ganon sila kayaman. Kaya hindi ako makapaniwala na ganoon na ang buhay n'ya ngayon. As far as I know, nasa top brands pa din sila when it comes to soaps and shampoo. So imposible na na-bankrupt sila kaya naging ganon ang buhay nila.

Si Ella nalang ang nakakausap ko sa HS friends ko. Nakakatawa nga kasi nung Graduation, may paiyak iyak pa ang lahat, hindi na din naman pala magpapansinan after. Pero ganon talaga siguro ang buhay. Nagiging mature ang isang tao nawawala pati mga kaibigan na iningatan mo. Sabi nga, kung hindi sila mawawala, hindi ka din maggogrow. 

Malaki na din si Cedrick yung anak nila ni CJ. Pero hindi na talaga sila okay. Civil nalang sila for the sake of our baby boy. Si CJ may jowa na and planning to get married, si Ella naman, okay na daw na meron s'yang Cedrick. 

Pero ito talaga yung naging malaking twist sa buhay ko. Eto talaga ang nakakalokang pangyayari. Hahahahahahaha. 3 yrs ago, my mom gave birth to a baby boy. Susme. Katanda na baga nung nanganak. 40's na! Kaya at the age of 25, mukang ako ang nanay ng kapatid ko. But you know what? Our family became happier since Jacob came to our lives. He bring so much good vibes. Napaka cute. Chabilito nito. No dull moments when I'm with him.

And today, we have gala with Ron. Kasi saturday and rest day ni ate so Jacob time! 

Kinuha ko yung bag n'ya at andito na si Ron sa labas kanina pa naghihintay.

"Jacob are you ready? Tito Ron is outside already."

Tanong ko sa kapatid ko.

"Yeheeeeey. Let's go ate let's go"

Ang batang ito. Hindi mapakali kapag nalaman na anjan ang kanyang tito Ron.Sobrang close kasi nito kay Ron. Pati din naman kay Ella at sa anak nito na si Cedrick. 

Pag labas namin, andun na si Ron. Aba ang loko, baka suit at naka-shades. Parang sira e. Hindi ata alam na sa arcade kami pupunta. Hahahahahahaha. Hello, may kasama kaming bata.

"Ay taraaaay. Hahahahahahaha Naka-outfit. Arcade ho ang pupuntahan natin. May kasama ho tayong bata tapos ganyan ang suot mo?"

Natatawang sabi ko sa kanya.

"Alam ko. Nagpapapogi lang ako sa'yo ano ka ba! hahahahahahaha"

Banat n'ya sakin

"Naku hindi tatalab hahahahahahaha."

Sagot ko naman sa kanya

Simula nung mag-break kami ni Charles, s'ya na lagi kong kasama. Hindi n'ya ako iniwan nung nasasaktan ako. Noong mga panahong umiiyak ako. Kaya sobrang thankful ako na kasama ko pa din s'ya hanggang ngayon.

Pumunta kami sa enchanted kimdom kasi gustong gumala ni Jacob. Enjoy na enjoy naman s'ya Takbo ng takbo. Napaka kulit ang hirap habulin. Pero sobrang saya ko na makita ko yung kapatid ko na nag-eenjoy.

Nakasakay s'ya ngayon sa carousel. Kaway s'ya ng kaway sakin. Feeling ko minsan, ako ang ina n'yan e. Hahahahahahaha. Sakin tumatabi matulog. Kaya kapag weekend, nilalabas ko talaga s'ya. Pambawi sa weekdays na nasa work ako. Buti nalang at today, sinamahan kami ni Ron kahit sobrang busy din nitong Ulaga na 'to.

Habang kumakain kami, may isang grupo ng mga kabataan. Nagbubulungan sila.

"Ang pogi ni kuya."

"Oo nga. Ang ganda din ni ate. Kaya ang cute ng anak nila. Sarap kurutin"

Dinig na dinig kong usapan nila

"Oy! Ikaw nga Ron, mag-girlfriend ka na nga para hindi tayo palaging napapagkamalang mag-jowa hahahahahahaha"

Sabi ko sa kanya. Actually, simula nung maghiwalay kami ni Charles, wala pa ulit akong nagiging boyfriend. Bakit? Siguro dahil masaya pang maging single. Hehe. Or sa sobrang busy sa life, hindi ko na maisip. Tapos eto pa, may baby boy pa kami.

"Sus! Ikaw ang mag-boyfriend! Nakakailang palit na ako ng jowa, ikaw wala pa din hahahahahahaha. Balak mo bang tumandang dalaga?"

Natatawang sabi n'ya sakin.

"Alam mo ikaw, ang bastos talaga ng bunganga mo minsan! hahahahahahaha. Anyways, pupunta ka ba sa Reunion next week?"

"Next week na ba yun?"

Nagtatakang tanong n'ya sakin.

"Napaka ulaga mo talaga hahahahahahaha. Oo diba??? Naka-post na sa facebook hindi mo chineck ano?"

"Oo pupunta ako. Hahahahahahaha. Isipin mo, after 10 yrs magkikita kita ulit tayo. Paano kung andun si Ano? 😂 HAHAHAHAHAHAHA"

Tanong ni Ron sakin.

"Edi welcome back"

Tipid kong sagot sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAHA UY! ALAM NA ALAM A! WALA PA AKONG SINABI KUNG SINO HAHAHAHAHAHAHA"

Halos mamatay na si Ron kakatawa. Kairita.

"Baliw ka. Bilisan mo na jan at inaantok na si Jacob. Iuuwi ko na 'to"  Sabi ko sa kanya.

Bago umuwi, dumaan kami sa McDo kasi gusto ni Jacob ng Fries. Pero ewan ko, feeling ko talaga may nakatingin sakin. Samin nila Ron. 

"Ron! Ron!"

Kalabit ko sa kanya.

"Oh? Bakit? Ano 'yun?" Tanong naman n'ya  nito sakin. Halatang nagulat s'ya sa ginawa ko.

"Hindi ko alam pero parang nakita ko si Charles."

Sabi ko sa kanya. Kasi totoo, parang nakita ko talaga. Naka-suit na white at tie pa nga ito with white na shoes din. Uso ba talaga ang suit and tie today? 

"HAHAHAHAHAHAHA. Namamalikmata ka lang. Hindi na nga natin alam kung buhay pa 'yun e HAHAHAHAHAHAHAHA. "

"Grabe ka naman sa hindi Alam kung buhay pa"

"Alam mo, okay lang naman kung mamiss mo e.  Hahahahahahahaha. Understandable"

Pang-aasar na naman sakin ni Ron

"Hindi kasi parang totoo na nakita ko si Charles"

Pagpipilit ko sa kanya.

"Oo na. Oo na. Eto na yung order natin, tara na at pagod na si Jacob. Dalian mo na jan"

Hindi ko na inintindi pero parang nakita ko talaga si Charles. Ipipilit ko pa hahahahahaha

Nakarating kami sa bahay namin at inihiga na ni Ron si Jacob sa kama ko. Tapos umalis na din s'ya.

Nakakapagod ang araw na ito. Kaya nagpalit ako ng damit at tumabi na sa kapatid ko para matulog. 


Green JumpersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon