Chapter 2
"Hija, bumangon ka dali." Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang natatarantang si Lola Daisy. Ang matandang katulong na nag aasikaso sa akin.
Tinignan ko ang labas mula sa bukas na bintana at nakita kong mediyo madilim pa.
"Ano pong meron?" Tanong ko. Mediyo bumabalik na ang lakas ko dahil sa mahabang pahinga mula pagdating ko dito.
"Umalis na sila. Bumangon ka na diyan at ilalayo kita dito." Mabilis ang bawat kilos niya habang naglalagay ng mga gamit sa medyo malaking bag.
Bumangon ako at tinulungan siya sa kaniyang pag i-empake.
Kumirot ng bahagya ang sugat sa aking noo na hanggang ngayon ay may nakapalibot pang puting tela. Medyo nanghihina pa ako pero pinikit kong kumilos dahil ayaw kong maiwan sa impiyernong 'to.
Nang matapos kami ay dahan-dahan siya lumapit sa pinto ng kwarto at idinikit ang tenga niya doon. Nang marinig niya sigurong tahimik na ay bumaling siya sa akin.
"Huwag kang hihiwalay kahit anong mangyari. Kumapit ka nang mahigpit." Sabi niya sakin habang marahan kaming lumalabas sa kwarto.
Tahimik na ang paligid. Sa nakikita ko'y tanging mga guwardya na lamang ang ang gising. Nakalampas kami sa malawak na bulwagan ng mansion. Dahil patay na ang ilang mga ilaw kaya walang nakakita sa amin.
Ang sabi ni lola Daisy ay sa hardin sa likod daw kami dadaan dahil mas kaunti daw ang mga guwardya na nagbabantay doon.
Nang makalabas kami ay nakita namin ang iilang guwardiyang nagkakagulo kaya pansamantala kaming gumilid.
"Henry! Nawawala yung babae at yung matanda!" Sigaw ng isang guwardiya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako kay lola Daisy na sa tingin ko ay hindi na rin alam ang gagawin.
Lumapit kami sa pinaka madilim na parte ng hardin.
Sa pagmamadali namin ay hindi sinasadyang nabangga ko ang isang halaman dahilan ng paggalaw nito.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at mas ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko dahil sa kaba lalo na nang lumingon ang isang guard sa pinagtataguan namin ni lola Daisy.
"Sinong nandiyan?!" Sabi nito habang dahan dahan ang paglapit sa kinaroroonan namin.
Mas humigpit ang kapit ko kay lola Daisy. Mariin din akong napapikit. Wala na. Siguro talagang hindi na namin magagawang makaalis sa lugar na 'to.
"Jomar,"
Ang boses na 'yon.
Mula sa kung saan ay may tumawag sa guwardiyang papalapit sa amin kaya nawala ang atensiyon nito.
"Boss, Tingin ko hindi pa nakakalayo ang dalawang yun." Sagot ng guwardiyang si Jomar.
"Ako nang bahala dito, sabihan mo ang iba na maghanap sa kabilang bahagi ng Mansyon. Check all the possible way outside this house." Utos niya sa gwardiya. Tumango lamang ito sa kaniya at mabilis itong tumakbo papalayo.
Tiningnan ko si lola Daisy. Sa hitsura niya ay para siyang nakahinga ng maluwag.
"Halika na." Halos ayaw kong umalis sa kinatatayuan ko dahil sa takot.
Ang lalaking ngayon ay papalapit sa amin, anak siya ng lalaking pumatay sa magulang ko. Anak siya ng lalaking nagbabalak ng masama sa'kin.
Natatakot ako sa kaniya pero sa kabilang banda nararamdaman ko na magiging ligtas ako sa tuwing nandiyan siya.
Lumabas kami ni Lola Daisy sa pinagtataguan namin. Nanatili akong nakatago sa likod ni Lola Daisy.
Mula sa sulok ng mata ko ay naramdaman ko ang titig niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomanceHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...